NOW: #LagingHandaPH Public Briefing
As of Sept. 13, there are 261,216 confirmed COVID-19 cases, 207,568 recoveries and 4,371 fatalities nationwide.
DOTr USec. Tuazon on new distance protocol: So far, wala naman pong problema but katulad po ng pagpapatupad ng ibang alituntunin natin may kaunting adjustment period lang po sa mga public transport vehicles
DOTr USec. Tuazon: Maraming studies ang nagawa po riyan, 'di lang sa atin, pati sa ibang bansa.
DOTr USec. Tuazon: Ang isinama pa nating ipinapatupad ay 'yung bawal na mag-usap sa loob ng pampublikong sasakyan. Bawal na rin pong mag-cellphone at bawal pong kumain sa loob
DOTr USec. Tuazon: Sa eroplano po, wala pong masyadong mababago
DOTr USec. Tuazon: Ang ginagawa lang po sa kanila, 'yung last 3 rows ng eroplano ay hindi pinasasakyan para ito po ang magiging isolation area kung sakali mang may mag-develop ng symptoms within the flight
DOTr USec. Tuazon: Ang ginawa po ng International Union of Railways, tiningnan lahat ng experience po ng mga iba't-ibang bansa na member. Nakita nila na hindi sa public transportation, hindi sa railway system nagmumula ang transmission.
DOTr USec. Tuazon: Makikita rin po sa datos na from the time po na mag-relax ang mga bansa na 'yan, makikita po na bumaba po ang COVID cases ng mga bayan na ito
DOTr USec. Tuazon: Sa araw na ito, 28 bagong ruta ang amin binuksan para sa mga jeep. Katumbas ito ng mga 1,156 na mga units ng jeep na pwedeng pumasada.
DOTr USec. Tuazon: Kapag binawasan ang social distancing by itself, kung wala kayong ibang intervention ay delikado po talaga 'yan
DOTr USec. Tuazon: Hindi lang natin basta tinatanggal ang social distancing, marami tayong inimplement na protocol diyan.
DOTr USec. Tuazon on provincial buses: Inaayos na po ng LTFRB iyan. I think within the week ay maglalabas na ang LTFRB ng guidelines para riyan.
DOTr USec. Tuazon: Ang LTFRB po ay ina-analyze po ang mga ruta na 'yan regularly. Tinitingnan po kung nasaan ang highest demand at iyon po ang pina-priotitize nila
DOTr USec. Tuazon: Sa ngayon po, wala pong pinapapayagan ang LTFRB na pagtaas ng pamasahe.
DOTr USec. Tuazon: Tuloy-tuloy po iyan. 'Yan po ang commitment ni Sec. Tugade na tuloy-tuloy po naming ibibigay ang free shuttle for health workers
PLtGen. Eleazar clarifies private social media accounts will not be monitored: Ang ating imo-monitor ay iyong mga official Facebook account.
PLtGen. Eleazar: We would like to encourage at palakasin pa itong barangay reporting system natin through our hotlines at social media
PLtGen. Eleazar: Only those information, video or picture na ipinadadala talaga sa amin, or iyong publicly and openly posted nila.
PLt.Gen. Eleazar: Hindi po namin pakikialaman ang mga private social media accounts ng ating netizens.
PLt.Gen. Eleazar: Nakasaad po 'yan sa omnibus guideline ng IATF na even sa pinakamababang antas ng quarantine ay bawal pa rin po ang mga minors at senior citizens na lalabas
PLt.Gen. Eleazar: Bawal pa rin po iyong mga minors at senior citizens na lalabas, except doon sa sinasabi natin na talagang walang ibang lalabas para mag-avail ng kanilang pangangailangan o bahagi ng workforce.
PLt.Gen. Eleazar: Ang guidelines pa rin ng National Task Force is that kung hindi ka APOR at ang lakad mo ay hindi related sa work mo, hindi pa rin tayo pwedeng lumiban o lalabas tayo sa probinsya
PLt.Gen. Eleazar on staycation: Maglalabas po ng mga panuntunan pa ang IATF through the DOT tungkol diyan dahil sa ating narinig sa pahayag, ang mag-a-avail lang po niyan is within the same locality, the same province, the same area.
PLt.Gen. Eleazar: Hindi pa rin natin aalisin ang police visibility patrolling kasi iyon talaga ang ating ginagawa. Kaya lang, binigyan natin ng pagkakataon ang ating kababayan through hotline na ayaw magpakilala o social media na ipapadala sa atin.
PLt.Gen. Eleazar: Mula noong ating inulunsad itong ating social media account o FB account ay kalimitan pong nagpapadala ay doon sa messenger kasi ayaw nilang magpakilala.
PLt.Gen. Eleazar: For the past 3 days, mahigit mga 2 dosena o mahigit 20 ang na-receive nating reklamo.
PLt.Gen. Eleazar: Hinihingi namin ang inyong kooperasyon na sana kahit sa loob ng bahay ay sundin niyo po ang minimum protocols para maiwasan din kung sakali man ang paghahawaan diyan.
PLt.Gen. Eleazar on social media post arrest: Actually ang nahuli lang natin ay 1 situation lang noon sa Taguig.
La Union LGU continuously supports district hospitals in the province against COVID-19
Over 10K repatriated OFWs and LSIs arrived in Antique
Baguio City LGU reminds tourists to strictly observe health and safety protocols amid upcoming reopening of tourism on September 21
DILG Region XI is set to hire more than 3,000 contact tracers
Share this Scrolly Tale with your friends.
A Scrolly Tale is a new way to read Twitter threads with a more visually immersive experience.
Discover more beautiful Scrolly Tales like this.
