NOW: #LagingHandaPH Public Briefing
DFA USec. Dulay: Base doon sa impormasyon namin ngayon, hindi naman ganoon kagrabe ang ating mga kababayan na tinamaan ng COVID-19.
DFA USec. Dulay: So far, ang latest report natin as of yesterday, mayroon tayong kababayan abroad na total ay mga 10,000 ang tinamaan.
DFA USec. Dulay: Sa kasamaang palad, mga 700 ang nasawi
DFA USec. Dulay: 6,580 ang naka-recover tapos ngayon mayroong 3,000 na undergoing treatment.
DFA USec. Dulay on stranded seafarers: Bago pa man sinabi ng Pangulo na tulungan ang ating mga kababayan na seafarers, sa ating tala ay mayroon nang 61,716 sea-based na naiuwi tayo sa bansa.
DFA USec. Dulay: Sa report ng ating mga embahada at konsulada, mayroon pang natitira na mga 127 na mga seafarers. Ito ang talagang nare-record na natin na kailangang iuwi.
DFA USec. Dulay: Iba po ang kalagayan ng seafarers. Nasa laot po ito. Hindi po kamukha ng land-based na madali silang lipunin.
DFA USec. Dulay: Ito po ay kailangang makipagtulungan sa kanilang manning agency or vessel owners. Iyon naman ay ginagawa ng ating embahada . Nakapagpadala na po tayo ng mga tinatawag na note verbale
DFA USec. Dulay: Binabantayan naman po ng embahada, sinosolusyunan lang po ngayon ang mga problema natin para sila ay makadaong, at pangalawa ay maiuwi natin sila.
DFA USec. Dulay: Tayo naman ay may 24/7 na hotline. Sa totoo lang naglabas na ng order si Sec. Locsin sa mga embahada na bawal magsara kahit tamaan ng COVID
DFA USec. Dulay: 'Yun pong pagpapauwi ng ating mga seafarers ay hindi lang naman po 'yan kilos ng DFA, malaking tulong po rito ang tulong at pakikipag-ugnayan natin sa DOLE
DFA USec. Dulay: Mayroon po tayong tinatawag na OFW Help. Kapag mayroon pong problema doon po sila pupunta. 'Yan po ang opisina sa DFA na nakikipag-ugnayan sa ating mga embahada at konsulada sa ibang bansa.
DFA USec. Dulay: Marami pa tayong iuuwi pero sa administrasyon ni Pres. Duterte ngayon lang tayo nakapagpauwi ng 175,000 plus OFWs. Ito na po siguro ang pinakamalaking repatriation effort na ginawa ng Pilipinas kahit kailan po.
DFA USec. Dulay: Ang kailangan lang natin sigurong ayusin dito ay ang ating kapasidad sa pag-uwi ng ating kababayan sapagkat lahat ng inuuwi natin ay kailangang dumaan sa testing at quarantine.
Pres. Spox. Roque: Nagagalak po ako na dito sa Baguio napatunayan na kapag nag-iingat po tayo sa ating mga buhay ay pwedeng maghanapbuhay
Pres. Spox. Roque: Nagagalak po ako na itong siyudad na mahal na mahal ko ay naging pioneer sa pagbubukas ng turismo sa buong Pilipinas at tingin ko po marami tayong leksyon na matututunan dahil sila nga po ang nanguna sa turismo
Pres. Spox. Roque: Dapat gayahin ng LGU ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards, cashless transaction at ang triage bago pumasok ng siyudad
Pres. Spox. Roque: Iyong buong triage nila ay very efficient tapos iyong pag-sumite ng documents is computerized lahat.
Pres. Spox. Roque: Beginning Sept. 22, the City of Baguio will be open para sa mga bisita galing sa Region 1. Madali lang ang proseso, mag-rehistro lang online, mag-triage, magpakita ng confirmed hotel reservation.
PhilHealth Spox. Baleña on alleged charging of a hospital for COVID-19 testing and PhilHealth benefits: Dapat po ay ma-protektahan natin iyong member sa nasabing style ng ilang mga facilities.
PhilHealth Spox. Baleña: Kung mapapatunayan na talagang ginawa ito ng facility na ike-claim niya pa kahit na pinagbayad na ang member na qualified sa testing, maaaksyunan po sila. Ito ay violation ng kanilang performance commitment.
PhilHealth Spox. Baleña: Ang atin pong PhilHealth COVID-19 testing po ay para lamang po sa mga qualified at ang sinusundan po natin dito ay ang listahan na nakapaloob po sa DOH guidelines
PhilHealth Spox. Baleña: 'Yun pong iba nating kababayan na wala sa nasabing list at gusto lamang magpa-test ay hindi po sila entitled sa sinabi kong coverage
PhilHealth Spox. Baleña: Kabilang din dito ang mga individuals na na-contact trace.
PhilHealth Spox. Baleña: Kabilang din dito ang ating healthcare workers, mataas ang kanilang exposure sa pagkahawa kaya sila ay entitled din dito. Iyon pong mga nagbabalik na OFWs na kailangang immediately ma-test ay kabilang dito, pati mga LSIs bago sila bumalik.
PhilHealth Spox. Baleña: Pati ang mga frontliners sa mga tourist zones ay at risk din kaya sila ay entitled din sa testing.
PhilHealth Spox. Baleña: Kung lumampas na po tayo sa nasabing mga limits ay patuloy pa rin pong iko-cover ng PhilHealth ang ating benefit.
PhilHealth Spox. Baleña on reimbursement: Maaari po nilang i-file 'yan directly sa PhilHealth sa loob po ng 120 days.
PhilHealth Spox. Baleña: Iyong 120 days na filing period ay kasama pa 'yan sa mga special privileges ng mga pasilidad at miyembro kapag nasa ganito tayong situation.
PhilHealth Spox. Baleña: Hinihiling namin sa mga members, pinakamabuti na bigyan niyo kami ng report para maaksyunan namin nang maayos ang inyong reklamo, at para maipagtanggol namin kayo.
PhilHealth Spox. Baleña: Hundred percent na suporta at kooperasyon ang aming ibibigay kay Pres. and CEO Atty. Gierran.
PhilHealth Spox. Baleña: Nirerespeto po natin ang views ng ating Pangulo tungkol sa bagay na 'yan pero siyempre pag mawawala po ang PhilHealth napakalaki po ang epekto nito sa ating bayan
PhilHealth Spox. Baleña on PhilHealth corruption: Tayo ay naniniwala na ito po ay marahil dahil sa mayroong ilang mga sistema sa PhilHealth na hindi pa talaga fully automated at nagbibigay daan para sa human intervention.
PhilHealth Spox. Baleña: Napakahalaga na maisulong natin ang IT reforms natin sa PhilHealth.
Davao City LGU consistently aids Davaoeños amidst the pandemic.
DOLE Sec. Bello: Doon po sa survey ng PSA ay bumababa na po ang unemployment rate. Bumaba na po from 17% ay naging 10% na lang po kaya sa ngayon ang ating inaasahan nating manggagawa na unemployed ay umaabot na lamang po sa 4M
DOLE Sec. Bello on .75m: Kaunti lang naman ang diperensya from 1m to .75m at kailangan na kailangan natin ang transportation
DOLE Sec. Bello: 'Yung unang binigyan namin ng exemption 'yung nakakumpleto ng papeles as of March 8 ay nakaalis na po sila pero hindi pa umabot ng 900 nurses and medical workers
DOLE Sec. Bello on health workers deployment ban: Iyon pong pwede nating policy ayon sa aming rekomendasyon sa IATF, iyong naka-kumpleto ng papeles as of August 31, hindi August 28.
DOLE Sec. Bello: Iyong mga nurses natin, kailangan mayroon na silang verified contract of employment, mayroon nang VISA issued by the receiving country, at mayroon nang OEC from POEA.
DOLE Sec. Bello: Kapag nakumpleto nila iyan, pwede na po silang ma-deploy kung ia-approve ng IATF iyong aming recommendation.
DOLE Sec. Bello: Minobilize namin ang 5,000 inspectors namin lalo na ang occupational health and safety inspectors dahil kailangan natin na ang workplaces ay safe
Repatriated OFWs in Sariaya, Quezon received assistance from Quezon Balik Bayanihan OFW Serbisyo Caravan
Farmers in Western Visayas receive more than P193B worth of farm mechanization support
As of Sept. 17, there are 276,289 confirmed COVID-19 cases, 208,096 recoveries and 4,785 fatalities nationwide.
Share this Scrolly Tale with your friends.
A Scrolly Tale is a new way to read Twitter threads with a more visually immersive experience.
Discover more beautiful Scrolly Tales like this.
