⚠️Warning: Long but worthy read⚠️
SIYA YAN! Yes, si VP Leni Robredo YAN!!!
Ang SIAYAN ay isang malayong munisipalidad sa Zamboanga del Norte. Sa pagkakaalam ko, wala pang Presidente o Bise-Presidente ang nakapunta dito, maliban kay VP Leni.
Noong 2009 ang Siayan ang pinakamahirap na municipality sa buong bansa, dito rin matatagpuan ang pinakamahirap sa barangay sa buong Pilipinas. Ngayon, nagbago na ito ayun sa 2015 and 2018 na data.
Hindi ko sinasabing si VP ang dahilan ng pag-angat ng lugar na ito.
Magagaling ang mga local chief executives dito sa dalawang administrasyon. Ang punto ng post na ito at upang ating matanto kung gaano ka sincere si VP Leni Robredo sa pagnanais na mapabuti ang kalagayan ng mga pinaka-mahihirap.
Kasama ako sa dalawang pagbisita ni VP, sabi ng isang nanay na nakausap ko, FIRST TIME niya makakita ng bise-presidente sa lugar nila. “Ispisyal man kaayo mi ani”.
Sa mga pagbisitang iyon ni VP kasama niya ang mga organisasyon na katuwang niya sa mga programang kumakalinga
sa mga mahihirap. Mga naniniwala sa kanyang advokasiya.
Dalawang dormitories ang nabigay sa tulong ng Yellow Boat of Hope Foundation. If tama ang naalala ko, over a hundred ang nakinabang sa dormitories. Ito ang mga estudyanteng galing sa malalayong bundok at naglalakad
ng ilang oras para lang makapasok. Ngayon di na sila kailangang maglakad, ma late, magbayad ng boarding house at iba pa. Dahil walang gamit ang carpentry class nila, ang mga kaibigan natin sa Bosch nagbigay din ng mga gamit.
Si Rain at si Jerome ang naging master student carpenters ng school.
May cookery program din ang school pero wala silang gamit, dinu-drawing lang daw ng guro ang spatula at bowl sa black board. Sa tulong ng Angat Buhay Partner na Masflex Cookware,
ang mga kaibigan natin ay nagbigay ng complete sets of tools para sa mga mag-aaral.
Yung group ko naman na BEAGIVER ang partner ni VP Leni sa pagbibigay ng school bags, raincoats, supplies at scholarships sa mga kapos palad na mag-aaral.
Medyo nagulo lang konti ang programa dahil sa pandemya at nagsiuwian sa mga bukid ang mga bata, pero hopefully makabalik na sila soon.
Ito’y mga maliliit na bagay lamang kumpara sa kakayahan ng ibang opisyal o departamento ng gobyerno, ngunit dito mo makikita ang hangarin
at puso ng isang lider.
Isipin mo ha, paano kaya pag siya ang may access sa bilyon-bilyong pondo ng pamahalaan. Can you imagine ano ang programang kayang makinabang ang mahihirap nating kababayan.
Kung bibigyan natin ng chance ang isang lider na di kawatan, walang isyu
ng katiwalian, maayos mag implement ng programa, may proseso at sistema, at una sa puso at isip ang masa, anong bukas kaya ang posible nating matamasa.
Sa tingin ko kailangan nating mas tingnan pa ang pagkatao at nagawa ni VP, and imagine ano paang kaya niyang gawin.
Story shared by facebook.com/joshpmahinay
Share this Scrolly Tale with your friends.
A Scrolly Tale is a new way to read Twitter threads with a more visually immersive experience.
Discover more beautiful Scrolly Tales like this.