THREAD: Presidential aspirant Vice President Leni Robredo unveils her "Kalayaan sa COVID Plan" which focuses on three aspects: Kalayaan sa pangambang magkasakit, Kalayaan sa gutom, at Kalayaan sa kakulangan sa edukasyon. | @anjocalimario
Kalayaan sa pangambang magkasakit covers: better leadership to focus on COVID response strategy, taking care of frontliners, free and accessible healthcare, fixing PhilHealth, and vaccines for all Filipinos. | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo: Pipili tayo ng may pananagutan, kayang pasunurin ang buong burukrasya, nauunawaan ang mga proseso, may kaalamang teknikal, at may malasakit sa taumbayan. | @anjocalimario
Robredo: Lahat ng benepisyong nakasaad sa Magna Carta for Health workers, kabilang na ang hazard pay, ay agarang makakarating sa healthcare professionals.
Gagamitin ang lakas ng ehekutibo para palawakin pa ang mga benepisyong ito (allowances). | @anjocalimario
Robredo: Sa loob ng tatlong buwan, ie-enroll natin ang bawat Pilipino sa Universal Health Care. Gagamitin natin ang national ID system kaya hihimuking magpatala ang bawat Pilipino dito. | @anjocalimario
Robredo: Kaakibat nito ang paggawa ng isang epektibong Health Information System kung saan konektado ang Healthcare Provider Network, kasama na ang electronic medical records (EMRs), at telemedicine. | @anjocalimario
Robredo on hospital capacity: Hindi na pipilahan ang mga ospital. Pupunan ang kakulangan sa mga hospital beds sa bansa.
"Ang magiging layunin natin: Hindi lalampas sa 1:800 ang ratio ng hospital bed sa populasyon, nasaang rehiyon ka man." | @anjocalimario
Robredo: Titiyakin ang tamang supply ng gamot para sa sino mang tatamaan ng COVID-- lalo na para sa mga malalayong lugar at sa mga walang pambili nito. | @anjocalimario
Robredo: Magkakaroon ng nakatalagang nurse ang bawat isa sa 42,046 barangays sa bansa. Bawat isa sa kanila, may ugnayan, sa pamamagitan ng teknolohiya, sa isang lisensyadong doktor. | @anjocalimario
Robredo: Ibig sabihin: Bawat Pilipino, nasaan ka man, ay magkakaroon ng agarang matatakbuhan kung may dinaramdam sa katawan-- at hindi na kailangang bumiyahe ng napakalayo para lang kumonsulta sa isang medical professional. | @anjocalimario
Robredo: Mahigit isang taon nang tinukoy ang pondo para sa bakuna: ₱82 bilyon noong 2021, at nasa ₱60 bilyon na panukala para sa 2022. Pero dahil unprogrammed funds ito, wala pang perang nakalaan para dito. | @anjocalimario
Robredo: Ang solusyon: Titiyakin natin na may ₱50 bilyon na kasama sa General Appropriations Act (GAA) bilang programmed funds pambili sa mga bakuna kontra COVID. | @anjocalimario
@anjocalimario Kalayaan sa Gutom covers cash aid during lockdown, protection of jobs and businesses, and agriculture | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo on cash aid and lockdown: Magtatabi ng ₱216 bilyon mula sa pambansang budget para sa ayuda.
Sa halip na magpatupad ng malawakang lockdown, ipapatupad ang granular at street-level lockdowns. | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo on effective contact tracing: Ipatutupad natin ang Centralization, Connectivity, at Uniformity. Itatakda natin na lahat ng apps ng LGU ay dapat interconnected. Ang app ng LGU mula Luzon ay dapat tanggapin ng isang LGU sa Mindanao. | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo on assisting MSMEs: Magpapasa tayo ng isang stimulus package na hindi bababa sa ₱100 bilyon. Isasama natin sa requirements sa grant ang kondisyon na hindi sila magtatanggal ng empleyado. | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo on millions who lost their jobs during the pandemic: Lilikha tayo ng National Unemployment Insurance Program na magpapalakas at magsasama sa mga benepisyo ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS). | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo: Bibigyan natin ng suporta ang mga natanggal sa trabaho nang hindi nila kasalanan. Papasahurin ka ng tatlong buwan na katumbas ng 80 porsiyento ng iyong sahod. Sa pamamagitan nito, magkakaroon sila ng panggastos habang naghahanap ng malilipatang trabaho. | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo: Pag-aaralan din natin kung paano gagawing mas ligtas, mas konektado at mas marami ang bike lanes sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Target nating itaas ang pondo para sa programang ito mula ₱1.6 bilyon patungong ₱14 bilyon. | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo on agriculture: Dodoblehin natin ang pondo para sa agrikultura mula 1.7 porsiyento ng national budget ngayon patungong 3.4 porsiyento sa 2028. | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo: Para mapataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda, titiyakin natin ang direktang pagbili ng pamahalaan sa kanilang mga produkto. | @anjocalimario
@anjocalimario Kalayaan sa kakulangan sa edukasyon covers face-to-face classes in low-risk areas, gadgets for students, and community learning hubs. | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo on reopening of classes: Kailangang maglatag ng malinaw na patakaran sa pagbubukas ng mga paaralan. Ibabatay ito sa isang risk assessment map, na tutukoy kung aling mga lugar ang may low o high prevalence ng COVID. | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo: Magpapatupad ng one student, one device policy sa mga lugar na laging natutukoy bilang high prevalence area. Ilalagay na sa device ang worksheets, modules, at iba pang materyales sa pag-aaral na pwedeng gamitin ng mga estudyante kahit walang koneksyon sa internet.
@anjocalimario Robredo: Maglalagay tayo sa budget ng ₱68 bilyon para sa ayudang pang-edukasyon. Makapagbibigay tayo ng ₱300 kada buwan na may pasok (10 buwan kada taon) sa bawat estudyante, para magamit sa pagpapa-load at pagpapa-print ng modules. | @anjocalimario
@anjocalimario Robredo: Narating natin ang plano sa pagkokonsulta sa mga eksperto, mga sektor, at higit sa lahat, sa harapang pagsaksi sa dinadaanan ng Pilipino. Kailangan na nating tuluyang makalaya. Para tayo’y makahinga muli. | @anjocalimario
Share this Scrolly Tale with your friends.
A Scrolly Tale is a new way to read Twitter threads with a more visually immersive experience.
Discover more beautiful Scrolly Tales like this.