Philippine Collegian Profile picture
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Mar 8, 2022, 47 tweets

NGAYON: Nagkakaisa sa Liwasang Bonifacio ang malawak na hanay ng kababaihan upang ipagdiwang ang pandaigdigang araw ng mga kababaihang anakpawis.

Dala nila ang mga panawagan mula sa pagdepensa sa karapatan ng mga babae hanggang sa pagpapababa ng presyo ng langis.

#IWD2022

Joms Salvador, GABRIELA: Ang kasaysayan ng Martso Otso ay hinabing kasaysayan ng maningning na paglaban ng mga kababaihan para sa kabuhayan, karapatan at paglaya. #IWD2022

Salvador: Tiyak tayo na kung magtatagumpay ang tambalang Marcos-Duterte, mas titindi ang ating paghihirap at lalong walang magiging pananagutan ang gobyerno sa mga mamamayang dapat itinataguyod nito. Nasa ating mga mamamayan ang kanilang kapangyarihan. #IWD2022

Salvador: Ang araw na ito ay araw ng pagpapakita ng lakas ng kababaihan para labanan at iwaksi ang pangbubusabos sa mga kababaihan at bayan. Mula ngayon hanggang ngayon, ang lugar ng kababaihan ay nasa pakikibaka para sa ating kalayaan! #IWD2022

Binigkas nina dating Rep. Emmi de Jesus, Angel Romero at Clara Carlos ang isang tula na kinokondena ang kawalan ng aksyon ng gobyerno hinggil sa pagtaas ng bilihin at sa karahasan laban sa mga kababaihan. #IWD2022

Panoorin ang bahagi ng pagtatanghal nina Evan Hernandez ng Hustisya at Cora Agovida, dating political prisoner. Inalahad nila ang danas ng mga kababaihang pinaslang at inaresto sa ilalim ng rehimeng Duterte, gaya ni Zara Alvarez. #IWD2022

Lana Linaban, Kilusang Mayo Uno: May isang babaeng galing sa pamilya ng mandarambong na tinawag na mga estupida ang mga kagaya ni "Lenlen," na nagtatrabaho ng 18 oras kada araw.

Palibhasa di sila naging mga manggagawa. Palibahasa pinalaki lang sila sa layaw. #IWD2022

Ani Cathy Estavillo ng Amihan, pinabilis ni Duterte ang proseso ng land use conversion: Kaya kaliwa't kanan ang pagpapalayas sa mga magsasaka sa kanilang lupa. Ito ay nagresulta sa malawakang kagutuman at kahirapan ng mga magsasaka.

#IWD2022

Estavillo: Ang pinakamalaking krimen ni Duterte ay pagpapasa ng Rice Liberalization Law. Naging all-time low ang presyo ng mga magsasaka, given ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga kagamitan sa pagsasaka gaya ng abono at langis.

#IWD2022

Estavillo: Ang rehimeng Duterte ay matagal nang pasakit lalo sa mga magsasakang kababaihan. Kaya ngayon, kami'y bumabangon at lumalaban para biguin ang tandem ng Marcos-Duterte sa darating na eleksyon.

#IWD2022

Isinalaysay ni Nay Dory ng GABRIELA Manila ang nangyayaring demolisyon sa kanilang kabahayan sa Tondo sa gitna ng pandemya: Hindi makatarungan na kung kailan may krisis, may pandemya, saka pa kami pinaalis ng Manila City LGU sa aming komunidad. #IWD2022

Nay Dory: Hindi tayo papayag na hahayaan lang nilang alisan tayo ng mga karapatan at kabuhayan sa gitna ng krisis. Ngayong araw, lumalabas tayo sa lansangan upang ipakita na hindi tayo natatakot na ipaglaban ang ating kabuhayan, bahay at karapatan. #IWD2022

Nay Dory: Nanliligaw na naman ulit sa atin ang mga pulitiko ngayong eleksyon. Huwag na sana tayong magpapaloko sa kanila. Patuloy sana tayong magparami, ipakita natin sa kanila ang ating tapang upang tumutol sa mga maling ginagawa ng gobyerno. #IWD2022

ACT Teachers Party-list: Ang number one na layunin ng mga guro ay humubog ng mga lider na makakatulong upang umunlad ang ating bayan. Ngunit ngayong pandemya, nakalimutan ng gobyerno ang kapakanan ng edukasyon sa ating bansa. #IWD2022

.@actph1982: Hindi sapat na mga alcohol at face shield lamang ang ibibigay ng gobyerno upang suportahan kaming mga guro. Kinakailangang magkaroon ng konkretong plano upang makabalik na ang mga kabataan at kaming mga guro aa eskuwelahan. #IWD2022

Isinaad ng isang kinatawan ng sektor pangkalusugan kung gaano kapalpak ang tugon ng gobyerno sa pandemya: Walang matinong contact tracing at mass testing. Ang malala, ginamit pa ng mga nasa gobyerno ang pandemya upang mangurakot. #IWD2022

Ka Mimi Doringo ng Kadamay: Sa mahigit dalawang taon ng pandemya, hindi pa rin tayo malaya sa takot at pangamba na magkasakit at mamatayan tayo ng mga mahal natin sa buhay dahil wala o kulang ang ating access sa mga ospital. #IWD2022

Kinondena ni Doringo ang mataas na budget na inilaan ng gobyerno sa NTF-ELCAC: Lagi nilang sinasabi na ang mga aktibista raw ay mga terorista raw. Tayo ba ay mga terorista? Hindi! #IWD2022

Ka Elmer Labog ng Bagong Alyansang Makabayan: Tumataas na naman ang presyo ng langis at mga bilihin ngunit wala pa ring ginagawa ang inutil na rehimeng Duterte. Pinangako ni Duterte na tatapusin niya ang ENDO at tataasan niya ang sahod ngunit di pa rin niya ito natutupad #IWD2022

Labog: Kung walang mga kababaihan, walang kaunlaran sa ating bayan. #IWD2022

Labog: Ayaw natin na may mga paslit na namamalimos sa kalsada habang silang nasa gobyerno naman ay nagpapakayaman. Kaya naman patuloy nating ipaglaban ang katarungan at kinabukasan ng ating bayan. #IWD2022

Nanawagan ang grupong Babae Laban sa Korupsyon (BALAK) na labanan ang mga korap at ang mga magnanakaw na tumatakbo sa halalan. Hinikayat ng grupo ang mga botante na pumili ng mga lider na may integridad at magandang track record. #IWD2022

Sharon Cabusao-Silva, Lila Pilipina: Dapat suportahan ang laban ng mga Filipino comfort women dahil napatunayan na sa kasaysayan na nagiging biktima ang mga kababaihan ng pangaabuso mula sa militarisasyon. #IWD2022

Cabusao-Silva: Sa darating na halalan, ang hamon namin sa mga susunod na lider ay magtaguyod ng isang independent na foreign policy na ipinagtatanggol ang karapatan ng mga kababaihan laban sa mga militar at mga dayuhang mananakop. #IWD2022

Rey Valmores-Salinas, Bahaghari: Sa ilalim ng anim na taon ng rehimeng Duterte, nakita natin kung gaano katindi ang diskriminasyon laban sa mga LGBT. #IWD2022

Valmores-Salinas: Kinakailangang magkaisa ang mga kababaihan at ang mga LGBT upang bigwasin ang tambalang Marcos-Duterte upang matamasa na natin ang ating mga karapatan sa kabuhayan. #IWD2022

Kat-Kat, Save our Schools Network: Naging ligtas na espasyo para sa aming mga kababaihan at LGBT+ ang mga paaralang Lumad. Ngunit ang gobyerno pa mismo ang nagpapasara sa aming mga paaralan. #IWD2022

Kat-kat: Pilit nila [gobyerno] kaming ibinabaon sa lupa. Ang hindi nila alam, kami ay mga binhi na sisibol at magtatagumpay. Kaming mga kabataang Lumad ay patuloy na makikibaka upang isulong at ipaglaban ang aming mga karapatan. #IWD2022

Liza Maza, International League of Peoples' Struggle: Ngayong araw tayo'y nagkakaisa upang ipaglalaban ang ating mga adhikain para sa pantay na mga karapatan, kalayaan at demokrasya. #IWD2022

Maza: Noong panahon ng rehimeng Marcos, tinanggalan ng boses ang mga kababaihan. Ngayon namang panahon ni Dutete, ipinasa ang Anti-Terror Law upang pakiputin ang mga demokratikong espasyo upang mamayani ang interes ng militar at ng mga malalaking negosyante. #IWD2022

Maza: Ang GABRIELA ay naging isang makapangyarihang puwersa upang patalsikin ang mga mapang-abusong rehimen noon. Kaya naman ngayong eleksyon, muli nating isigaw ang ating panawagang huwag nang pabalikin ang tambalang Marcos-Duterte! #IWD2022

Arlene Brosas, @GabrielaWomenPL: Dalawang dekada na tayong nanunungkulan sa Kongreso at lumalahok sa mga kilusan dito sa lansangan. Tayo'y patuloy na lumaban sa mga panukalang anti-mamamayan at anti-mahirap. #IWD2022

Brosas: Pinaglaban natin ang 10k ayuda, mga usapin sa reporma sa lupa at national minimum wage. Kahapon din ay nagtagumpay tayo sa pagpasa ng End Child Rape Act. Hindi tayo mangingimi na ipagpatuloy ang ating laban upang wakasan ang mapang-abusong rehimen. #IWD2022

Naghatid ng mensahe si Sen. Leila de Lima sa paggunita ng International Women's Day: Sa gitna ng pinakamatinding krisis, ang puwersa ng mga kababaihan ay hindi matitinag. Patuloy tayong maninindigan upang ibalik ang hustisya sa ating bayan. #IWD2022

Atty. Neri Colmenares: Patuloy tayong lumalaban upang iwaksi natin ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan. #IWD2022

Giit ni Colmenares, mahalaga ang papel ng pagkakaroon ng independent na foreign policy upang labanan ang karapatan ng mga kababaihan. Hinikayat din niya ang mga botante na tignan muna ang track record ng mga kandidato sa pagsulong ng mga programa para sa mga kababaihan. #IWD2022

Colmenares: Siguraduhin ngayong halalan na ang susunod na presidente ay babae. #IWD2022

Naghatid ng mensahe si Sen. Risa Hontiveros: Bilang isang women's rights advocate, patuloy natin isusulong ang mga batas upang protektahan ang mga kababaihan laban sa pang-aabuso. #IWD2022

Ipinakita ni Amber Quiban, ang national covener ng LGBTQ+ for Leni and Kiko, ang national LGBTQ+ agenda na pinirmahan nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan noong Pebrero: Ito ang tinig ng bawat LGBTQ+ na Pilipino na nagrehistro ng boses nila. #IWD2022

Quiban: Kapag mayroon tayong mga lider na handang makinig sa atin, sana ay buong puso natin silang suportahan upang maisulong ang ating mga adhikain. #IWD2022

Jandeil Roperos, @KabataanPL: Ang neoliberal na edukasyon ang patuloy na nagpapahirap sa ating mga kabataan at kababaihan. #IWD2022

Roperos: Ang anti-demokratikong edukasyon ang nagluwal sa mga katulad ni Lorraine Badoy na nangre-red tag sa mga estudyante, mga babae at mga progresibong grupo. #IWD2022

Anna Patricia Non: Malala ang mga harassment at threat laban sa mga babae lalo na't dahil sa kabastusan ni Duterte sa mga babae. #IWD2022

Non: Na-survive ko yung mga panahong nire-red tag ako ng estado kasi alam ko na kasama ko ang mga kababaihan na lumalaban sa mga atake at pang-aabuso laban sa atin. #IWD2022

Naghatid din ng mensahe ng suporta si Sen. Kiko Pangilinan ngayong araw ng mga kababaihan. #IWD2022

Ipinahayag ni Vice President Leni Robredo ang kanyang suporta para sa mga programang nagsusulong sa mga karapatan ng kababaihan: Pangunahan nating mga kababaihan na itaguyod ang kaunlaran ng ating bayan. #IWD2022

Pormal nang winawakasan ang programa ngayong pandaigdigang araw ng kababaihang anakpawis sa pamamagitan ng pagsayaw sa "One Billion Rising."

#IWD2022

Share this Scrolly Tale with your friends.

A Scrolly Tale is a new way to read Twitter threads with a more visually immersive experience.
Discover more beautiful Scrolly Tales like this.

Keep scrolling