Gel Santos Relos Profile picture
OP-ED columnist, Asian Journal. Former TV Host, News Anchor,Radio Commentator and Public Service Host, ABS-CBN.

May 1, 2022, 6 tweets

NAGKAMALI SI YORME

“Ang agang nakonpi ni Yorme.

'Di muna tuloy niya inaral ang binira niya.

College pa lang ako sa Ateneo de Naga, observer na ako ng mga Robredo, hindi sila traditional politicians.

Transformational leaders sila.>>>
Reposted from @dindo.m.balares ⬇️⬇️⬇️

“Magsasawa ka sa kabibira sa kanila, pero mabibigo kang makakuha ng inaasahan mong kontra-bira.

Kung banatan sila ng mga Villafuerte, parang wala nang bukas. Pero, sige lang, banat lang. Habang tuluy-tuloy lang ang paglilingkod ni Jesse. Umasenso ang Naga habang patuloy…”⬇️⬇️⬇️

“Umasenso ang Naga, habang patuloy namang kinilalang one of the poorest provinces ang Camarines Sur, hanggang ngayon, sa ilalim ng mga Villafuerte.

Sumikat worldwide ang brand of transformational leadership ni Pogi, sa katunayan pati mga estudyante sa Harvard…”⬇️⬇️⬇️

“sa katunayan pati mga estudyante sa Harvard pinag-aralan ang pag-asenso ng siyudad. Ginawaran siya ng Magsaysay Award.

Ito'y habang naninirahan lamang silang mag-asawa at ang mga anak nila sa isang pinto ng apartment na pag-aari ng parents ni Jesse. 'Di sila binago ….”⬇️⬇️⬇️

“Di sila binago ng anumang hawak nilang kapangyarihan.

Karamihan sa malalapit sa mag-asawa, nagsasabing hindi naging legendary si Jesse kung iba ang napangasawa niya.

Kung kinilala lang muna sanang mabuti ni Isko si Leni, malalaman niyang para matalo mo ang babaeng ito..”⬇️⬇️⬇️

“Kung kinilala lang muna sanang mabuti ni Isko si Leni, malalaman niyang para matalo mo ang babaeng ito -- kailangang mas sincere, mas matino, mas mahusay, mas mapagpakumbaba, at mas simple ka kaysa sa kanya.” #LeniKiko2022 #GobyernongTapat #AngatBuhayLahat

Share this Scrolly Tale with your friends.

A Scrolly Tale is a new way to read Twitter threads with a more visually immersive experience.
Discover more beautiful Scrolly Tales like this.

Keep scrolling