pri Profile picture
pri
this wall is a free-for-all • fil/eng • untagged 🔞 • minors, antis dni • works: https://t.co/zd3K1gRkCE

Aug 14, 2022, 14 tweets

belated entry for #HQRareFiloFic

sila yung tipo ng artista na magsisimulang humakot ng atensyon, individually, bata pa lang. goin bulilit ish siguro ganon. sila yung tipo ng love team na mabubuo thru being a side pair sa isang sikat na teleserye ng isang mas sikat na love team

mapapansin ng tao yung natural na chemistry nila kuno, at magugustuhan yon ng mga direktor na kukunin sila para bumida sa mga ... one-shot episodes muna sa weekend shows syempre. kapag interesado pa rin ang tao, saka sila mabibigyan ng mga teleserye at pelikula. na kapag pumatok—

—sa takilya ay labis na masisiyahan ang managers nila at magkakasundo na gumawa ng paraan para laging magkapareha ang mga alaga nila. said alagas, magkaka-developan. mag-uumpisa muna as friends: kapag tinatanong sa interviews ng mga mapakialam na hosts na, understandly, ginagawa—

—lang naman ang trabaho nila, nandon yung lagkit ng titig nilang dalawa sa isa't isa, yung kilig factor, mga tili ng live audience, yung nakakairitang "ikaw sumagot" "hindi, ikaw na" "friends lang po kami eheh" "best friends po, opo"

sa dinami-rami ng projects na nagawa na nila—

—nang magkasama, totoo naman na naging mas malapit na ang loob nila sa isa't isa, na naging magkaibigan na rin sila. at somewhere along the way, in between the talking to dating stages, hackneyed love confessions, kissing scenes, at too-good-to-be-true na happy-ever-afters ng—

—mga tauhang ginagampanan nila, they lose touch with reality. mga ilang taon ding magiging sila, partners on and off screen. magiging masaya ang fan clubs nila sa balitang yon. at sila rin, masaya. na habang mahal nila ang trabaho nila ay nakatagpo rin sila ng mamahalin at ng—

—magmamahal din sa kanila. hindi madaling maging artista. lalo na ang magmahal at subukan mag-maintain ng relasyon sa kapwa artista na natutunan mo nang mahalin, na nasanay ka nang laging nasa tabi mo. saka nila matututunan na hindi mabait ang industriya sa mga tulad nila na—

—kay bata pa, na sobrang daming promise outside of their love team. unti-unti, may mga bago silang makakatambal at uusbong ang tsismis ng hiwalayan. syempre, hindi yon totoo. sadyang ganon lang talaga ang mundo ng showbiz sa mga artistang gustong sumubok ng bago, ng iba naman

sila yung tipo ng love team na magla-lie low muna sa gitna ng usap-usapan. pero kalaunan ay hahantong din naman don. puputok nanaman ang balita, kabi-kabilang sulat ng catchy headlines pang-clickbait ang mga news outlets. eh kase naman, mangingibang bansa na raw si oikawa

ngunit gayunpaman, ayaw pa rin nitong kumpirmahin ang break-up with futakuchi—o kung naging sila nga ba, in the first place.

mababaon na sa limot ang minsa'y naging dakila rin naman na love team nila sa paglipas ng mga taon at dekada.

20+ years later reunited sila sa isang—

—interview. halos kababalik lang ni oikawa sa pinas at matagal na rin nang huling makita ng publiko si futakuchi, buhat nang mag-quit ito sa showbiz dalawang dekada na ang nakakaraan.

friendly ang interactions nila sa buong interview, nagbibiruan, walang awkwardness o bad blood

pero nang dumako na sa isang portion, ano raw ba ang kanilang "message for each other" sabi ng host, puno ang mga iyon ng pasasalamat, sa mga alaala at mga natutunan nila. ng paghingi ng tawad, sa mga nasabi at nagawa nilang nakasakit sa isa. at higit sa lahat, puno ng pag-ibig

pag-ibig na umusbong sa panahong masaydo pang maaga at nanunumbalik ngayong huli na

so ,, im writing a fic based off this bc i cant get the idea of oiks x futa closure after 20 years out of my MIND

Share this Scrolly Tale with your friends.

A Scrolly Tale is a new way to read Twitter threads with a more visually immersive experience.
Discover more beautiful Scrolly Tales like this.

Keep scrolling