Sid Profile picture
Sid
para sa ALAMAT

Feb 17, 2023, 8 tweets

Mensahe mula sa administrative head ng #AklatAlamid, ang makata at reading advocate na si MJ Tumamac.

Ang AA ay itinatag noong 2017 at may mga nailimbag na itong mga librong pambata na naisulat sa Ilokano, Ibanag, Hiligaynon, Binisaya atbp.

#ALAMAT @Official_ALAMAT @globALAMAT

Si MJ ay kilala din bilang Xi Zuq.

Ilan sa naisulat nyang mga libro ay 'Ngumiti si Andoy' (2013) (guhit ni Dominic Agsaway), ang 'Supremo' (2014) series (guhit ni Al Estrella) at ang latest ay 'Lakbay Masjid' (2022) kasama si Nadira Abubakar at Ivan Reverente.

Ang unang publication ng Aklat Alamid ay "Ti Dakkel nga Armang" na naisulat ng mga guro mula sa isang fishing community sa Luna, La Union.

Nasaksihan ko ang launching nito at ang reaksyon ng mga tao mula doon sa paglalahad ng kanilang kwento (gamit din ang kanilang language).

Katuwang nila ang TSP sa paglalahad ng kwento ng mga taga-Luna.

Narito ang vid documenting the book creation:
facebook.com/watch/?v=19890…

Ang latest naman ay "Gusto Maglupad ni Bangsi" na isinulat sa Binisaya at Filipino ni Xaña Angel Eve Apolinar @xaema_ at iginuhit ni Dom Ochotorena @DomOchotorena. Nanalo noong 2019 ang kwento ni Xaña sa Usbong, isang paligsahan sa pagsulat para sa mga manunulat mula sa Mindanao.

Eto ang kwentong ginamit sa Magiliw Storytelling kasama ang @globALAMAT noong Feb 14.

Ang kwento ay tungkol sa pag-abot ng mga pangarap. Kaya naman saktong-sakto ang kantang ABKD ng #ALAMAT @Official_ALAMAT na itinuro rin sa mga batang nakasama sa programa.

@xaema_

Sana magkaroon pa ng opportunities ang mga Magiliw to promote advocacies that champion diversity & representation. Sana mas maging aktibo rin tayo sa pagsuporta sa mga acts & productions that draw from Filipino culture.

Pasulong #ALAMAT! Padayon sa bayanihan, mga Magiliw!

/end

Facebook ng Aklat Alamid, for those asking where to get copies of their books: facebook.com/AklatAlamid

Share this Scrolly Tale with your friends.

A Scrolly Tale is a new way to read Twitter threads with a more visually immersive experience.
Discover more beautiful Scrolly Tales like this.

Keep scrolling