Reycel Hyacenth Nacario Bendaña Profile picture
🐈 proud anak ng jeepney driver 📷 IG: @hyabendana ❤️ Organizer sa @MoveAsOnePH (transport), @wesolveph (collective action), #RestartMe (MSME recovery)

Mar 4, 2023, 13 tweets

(1) Bakit nga ba may transport strike?

Hi mga marites!

Ako po si Hya, anak ng jeepney driver na 2-dekadang nagmamaneho at ipapaliwanag ko sainyo kung bakit may strike at ano ba ang “JUST TRANSITION”

#NoToJeepneyPhaseout

(2) Iba-iba man ang grupong pinanggagalingan, iisa po ang tindig ng jeepney drivers natin:

HINDI PO KAMI TUTOL SA MODERNISASYON, PERO NANANAWAGAN PO KAMI NG PLANO NA HINDI KAMI MAIIWAN.

#NoToJeepneyPhaseout

(3) Una, Humihingi po kami ng STEP BY STEP na suporta para po maayos kaming makasunod sa deadlines ng gobyerno.

Bawasan mga hadlang na nagpapahirap sa aming sumunod… because again, gusto naming sumunod.

#NoToJeepneyPhaseout

(3.1) Kwento sa mahal na consolidation fees

For our transport workers to be “consolidated” as cooperatives, kailangan po meron silang P300k as cooperative fee + P20k sa bawat jeepney unit na sasama sa cooperative.

If you're 20 units, that's already P700k.

#NoToJeepneyPhaseout

(3.2) Kwento sa govt requirements

Para makapagloan at makapag-apply ng subsidy ang cooperatives sa banko, requirement ng Landbank ang LPTRP na MARAMING LGU ang di pa rin tapos since 2017.

Nasa gobyerno mismo ang backlog, pero sila ang nagpapadeadline.

#NoToJeepneyPhaseout

(4) Second, just transition also means that the state should answer THEIR SHARE of the costs for modernization. Yung P 1.5 - 2 million jeepney units, halos lahat pinapasa sa drivers.

Tandaan po natin: ideya to ng gobyerno. Kailangan rin nila magtaya.

#NoToJeepneyPhaseout

(5) At huli, just transition also means having a plan for workers who will be displaced, lalo na ung mga matatanda.

What they want is social security. Madami sa kanila, nakaasa sa boundary… pampagamot araw-araw once hindi na nila kayang magmaneho.

#NoToJeepneyPhaseout

(6) These are just some of elements ng makatarungang transition na dasurb ng sektor.

Our call is really to let us ~ mga manggagawa sa sektor na pinaka-maaapektuhan ~ to co-design the transition plan with the state.

Isali nyo po kami. #NoToJeepneyPhaseout

Link po to Facebook post for cross-posting!

Wala pong thread option sa FB + short attention span ng mga tao kaya po 🌿 asking if you could also help share? :") 🌿

Salamat po!

facebook.com/hya.bendana.73…

For those in Instagram, created reels na rin po for story-posting! ❤️

instagram.com/reel/CpZO01Dg7…

Here's first reel. You may scroll for the next set of reels! ❤️

Pa-story nalang din po for friends who aren't in Twitter or FB, pero nasa Instagram :")

Still figuring out how to do a playlist, but here's cross-posting on tiktok!

Pasensya na baguhan! Di ko pa alam how to optimize reach in tiktok huhuhu 😔😔😔

hope this makes the explanation more accessible

vt.tiktok.com/ZS8x3kXnC/

Might be a late add pero kakahukay ko lang po ng video na to!

Heto po kami ng gwapo kong tatay, gumagarahe nung 2018, not too long ago ❤️

Multi-platform update: May nagmessage saking journalist na iupload daw sa youtube ung explainer so here you go 🧡🧡🧡



Sawa na siguro kayo sa mukha ko the past 3 days. Same. Pero salamat po sa pagpapakalat ng paliwanag ng sektor!

Share this Scrolly Tale with your friends.

A Scrolly Tale is a new way to read Twitter threads with a more visually immersive experience.
Discover more beautiful Scrolly Tales like this.

Keep scrolling