My Authors
Read all threads
Kamakailan lamang, tuluyan nang ibinasura ng Kongreso ang bill para sa franchise renewal ng ABS-CBN. Alamin sa #UsapangEcon kung bakit hindi lamang ito usapin ng pagsira sa malayang pamamahayag, kundi pati na rin sa ating ekonomiya.

rappler.com/thought-leader…
Dumako muna tayo sa mga “obvious impacts” nito sa ekonomiya. Unang-una, maraming tao ang mawawalan ng trabaho… as in maraming-marami.

rappler.com/nation/260007-…
Usapang Econ QuizTion 1: Ilang empleyado ang posibleng maapektuhan ng ABS-CBN closure?
Sa totoo lang, hindi lang 11K na empleyado ng ABS-CBN ang posibleng maapektuhan ng pagkakasara nito. Paano?
Ang entertainment industry ay nabubuhay dahil sa interaction ng iba’t ibang industry players kagaya ng mga advertisers, broadcast companies, at production suppliers. Kumbaga, ang bawat isa sa kanila ay dumidepende sa isa’t isa.
Isipin mo na lang, kung mawawalan ng trabaho ang mga artista, bakit pa nila kakailanganin ng PA, stylist, at make-up artist? Kung hindi na matutuloy mag-shoot ang isang show, bakit mo pa kelangan ng caterers at iba pang production supplies?
At sa dami ng taong maaapektuhan ang kabuhayan, paniguradong maaapektuhan din ang kakayahan nilang gumastos.
Kapag walang kita, walang pera. Kapag walang pera, walang pambili. At dahil bumaba nga ang kakayahang gumastos ng maraming tao, bababa din ang kinikita ng mga nagtitinda sa bansa. Kumbaga, parang domino effect.
Bukod pa sa unemployment effects, isa pang obvious na epekto nito ay ang mawawalang kita sa gobyerno mula sa buwis na ibinabayad ng ABS-CBN at ng mga empleyado nito.

newsinfo.inquirer.net/1300207/abs-cb…
Ayon sa ilang mambabatas, “moral obligation” ng gobyerno ang pagbigay ng ayuda sa mga mawawalan ng trabaho dahil sa isyung ito. Hirap na nga ngayon ang gobyernong lumikom ng pondo para sa pandemya, dadagdag pa ito ngayon.

manilatimes.net/2020/07/11/new…
Dumako naman tayo sa“speculative impacts” nito. Isipin niyo nalang kung anong klaseng mensahe ang ibibigay nito sa mga investors. Gugustuhin pa kaya nilang magnegosyo kung ang mga batas at regulasyon ay base sa kapritso ng mga opisyal?

rappler.com/business/26591…
Bukod dito, maaari rin nitong maapektuhan ang ating “credit rating” sa mga darating na panahon. Bad ito kung saka-sakaling marami tayong utang na kailangan bayaran sa darating na panahon.

cnnphilippines.com/business/2020/…
Ang pagkawala ng ABS-CBN sa ere ay maari ring magdulot ng “market failure.” Napakalaki ng magiging epekto nito sa kasalukuyang “market competition” sa broadcasting industry.

rappler.com/business/25256…
Dahil sa pagkawala ng ABS-CBN, maaring maging dominant player ang GMA network sa industriyang ito. Malaking problema ito sapagkat maaari magkakaroon sila ng advantage sa mga negosasyon mula sa presyo ng mga ad placements, hanggang sa talent fees ng mga artista.
Bukod dito, ang kawalan ng kompetisyon ay maari ring magdulot ng pagbaba ng kalidad sa mga palabas ng dominant player, dahil nababawasan nito ang incentive for innovation and creativity.
May ilang lugar rin sa Pilipinas na ABS-CBN lamang ang nasasagap na istasyon o nagbibigay ng balita sa kanilang lokal na lenggwahe. Sa panahon ng malawakang pandemya, napaka importante ng mga balita para sa tama at hustong impormasyon.

rappler.com/nation/260124-…
Panghuli, malaking tulong din sana ang mga programa ng ilang ABS-CBN subsidiaries at foundation, kagaya ng Sagip Kapamilya at Knowledge Channel, sa pag-agapay sa mga programa ng gobyerno kagaya ng pagbibigay ayuda at distance learning.
Kaya naman naniniwala at naninindigan ang buong #UsapangEcon team na hindi katanggap-tanggap ang kasalukuyang panggigipit ng gobyerno sa ABS-CBN.

Mga Kapamilya, kapit lang!

#YesToABSCBNFranchise
#StandWithABSCBN
Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh.

Keep Current with Usapang Econ

Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

Twitter may remove this content at anytime, convert it as a PDF, save and print for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video

1) Follow Thread Reader App on Twitter so you can easily mention us!

2) Go to a Twitter thread (series of Tweets by the same owner) and mention us with a keyword "unroll" @threadreaderapp unroll

You can practice here first or read more on our help page!

Follow Us on Twitter!

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3.00/month or $30.00/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!