Traysikel at pamilihan.
Saan pa ba natin makikita ang masa kundi sa dalawang ito. Isa ay ang pangunahing paraan ng transportasyon ng masa. Ang isa ay kung saan sila namimili ng pagkaing pamuno sa mga kumakalam na sikmura dahil sa pandemya.
Trabaho. Pagkain. Ayuda. Bakuna.
Sa pag-iikot namin, ito ang apat na mga bagay na palagi nilang tinatanong. Ano ba ang plano ni Leni para matugunan ang pandemya? Mababakunahan ba ako kung si Leni ang nakaupo? Wala kaming natanggap na kahit anong ayuda.
Gutom na kami pero di naman kami makapaghanapbuhay kasi nawalan kami ng trabaho. Kailangan pa ba natin ng mga lockdown?
Ito ang mga tanong ng masang kailangan nating tugunan. At masasagot natin ito sa pamamagitan ng pagbaliktanaw sa mga programa at protekto ni VP Leni Robredo.
"Paano naman ang mga karapatan ko?"
May grupo ng parlorista kaming nakausap tungkol sa diskriminasyon. Ibinahagi natin sa kanila ang adyenda ni VP Leni nung congresswoman pa lang siya na ipasa ang ADB. Natuwa sila. Iboboto daw nila si Leni kasi ayaw na nilang minumura sila sa TV.
"Tatakbo pala siya?"
Nagulat ako. Bakit hindi nila alam na tatakbo si madam? Pero hindi lahat ng tao ay may kapareho kong pribilehiyo pagdating sa impormasyon. At isa itong paala-ala: lumabas sa social media, may masang naghihintay marinig ang kanyang mga nagawa at plataporma.
"Natulungan ako ni Leni."
May nakausap kaming naging benipisyaryo ng tulong ni madam. Ikukwento niya raw ang kanyang karanasanan nung tinulungan siya ni madam Leni! Magpapaboto siya at mangangampanya para kay madam!
"Paano ako boboto?"
Marami pang hindi rehistrado. Mahalagang mapaboto natin sila para kay madam pero paalalahanang magrehistro din sila. Extended ang registration at sabihin sa kanila kung saan sila magpaparehistro at papaano.
Impormasyon at datos.
Magbaon ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa eleksyon, tungkol kay VP Leni at mga proyekto niya. Magbaon din ng pasensya. Mainit, mausok, maingay. Pero hindi naman to tungkol sa akin o sa iyo, 'di ba? Tungkol ito sa atin at sa bansang pangarap natin.
Tokhang at moral
"Bakit ko iboboto si Duterte e minumura ako niyan? Namatay nga yung kasamahan namin dahil sa tokhang." Mayaman ang kwento ng masa. Puno ng emosyon, pero puno rin ng rason at lohika. Palakasin natin ang moral nila.
Pag-asa. 🤍
Nakakahawa ito. At sana pagkatapos mong mabasa ito, mahawaan ka ng pag-asa para tumaya at para lumaban. Para sa masa. Para sa bayan. Para sa isa't isa.
Fleece, bakit nyo sinasabing binabayaran ang mga supporters ni VP Leni??? Teh, puro nga ako gastos ever since nagstart akong magkampanya for her. Tsaka, OVP talaga ang magbabayad e wala ngang kapera-pera ang OVP kasi palaging gamit sa mga programa nito. 😭 baka si BBM, gawain nya
Sana ol may 15K, di ba? E wala nga. And you know what? Walang kaso kung hindi kami bayad. Kasi we do this out of love. We do this for our country and our future. So okay lang sa aking hindi mabayaran at gumastos kung kinabukasan ko naman ang nakataya.
So ngayon pa lang, sasabihin ko na, need ko po ng mga pink na damit. 💓 Baka naman meron kayong maidonate kasi mahaba pa ang eleksyon. Medium si watts.
Wag muna natin silang (individuals) icut from our lives. Mali ako nung una for thinking na villifying them is the way to go. THEY NEED TO SEE THE LIGHT. And the best way to do that is to ENGAGE THEM IN A DISCUSSION, the way we'd do it with masses.