yoonjin au Profile picture
Feb 12, 2022 272 tweets >60 min read Read on X
#yours_truly_love
a filo yoonjin au

kung saan may kapangyarihan si jin na makuha ang loob ng kahit sinong tao na mahawakan niya

pero ang gusto lang naman niya, mahulog sa kanya ang online friend niyang si "agustd" na 'di pa niya nakakatagpo

a #yoonjin penpals au (with a twist) ImageImageImageImage
#yours_truly_love
#yoonjinau notes

- socmed au/thread fic
- tagalog at ingles
- (rewritten ver. 'to 😅)
- may nahalong fantasy elements
- sinusubukan ni muni mag-fluff 😡🥺
- may mild/mentions of 🔞
- baka mas maikli kaysa sa ibang au rito
- STRICTLY FICTION ONLY
92moonskjn (ksj)
- known by myg as "Moon"
- gwapo
- sa ngayon, model, variety streamer at influencer
- lahat yata ng entertainment raket napasok na niya
- panganay sa tatlong magkakapatid
- everyone who meets him loves him
- (the last part is an especially important detail)
agustD3 (myg)
- known by ksj as "Agust"
- caring personality
- pero pa-mysterious type
- so we don't know much about him yet
- mej malandi at posibleng pa-fall (???)
- has an attractive gruff voice
- (which turns ksj on, pero secret lang natin 'yun)
92moonskjn & agustD3's brief history as online friends

mga dati silang weab na nanonood ng anim3 sa isang site na may chatbox sa gilid kung saan sila unang nagkausap at nagkakilala

HS sila noon; kalaunan, nalaos 'yung site at naging ia 'yung mga miyembro ng chatbox nila

(1/2)
92moonskjn & agustD3's brief history as online friends

fast forward to more than a decade later, nag-log in si ksj sa luma niyang acc at nakita na recently active si myg kaya naisipan niyang makipag-reconnect sa kanya

regular na ulit silang nag-uusap pero via email lang

(2/2)
knj
- ksj and kth's half-brother
- prof and grad student
- matalino at matured pero alagain
- naging jowa 'yung dating junior niya sa org

kth
- bunso
- 4th yr college
- academic achiever din
- no jowa since birth kasi strict si ksj
jhs
- work bff ni ksj
- chismoso pero solid mag-advise

pjm
- childhood friend ni myg
- not afraid to cut a b*tch

jjk
- jowa ni knj
- kasundo si kth pero laging inaaway si ksj
sanay ka na bang masaktan? if so, hindi para sa'yo ang au na 'to kasi happy-happy lang tayo rito 😇

(may very /mild/ angst pero as in kaunti lang! tsaka mas malandi naman ang au!yoonjin to compensate for the super duper kaunting kirot)

ok? ok. fluff era (muni ver.) let's go! 🥰
1.

the kim bros

nanghihingi ng allowance si bunso Image
2.

full name agad-agad 😳

pati tuloy si kuya joon nag-intervene na Image
3.

away kapatid ImageImage
4.

phew! that was stressful

it was quite an eventful day for jin, but at night he finally gets to open his email!

💌 from: "Agust"
to: "Moon" ImageImage
5.

jin replies

💌 from: "Moon"
to: "Agust" ImageImageImage
6.

after that, jin wasn't expecting a reply right away but...

💌 from: "Agust"
to: "Moon" Image
7.

thank you.

💌 from: "Moon"
to: "Agust" Image
8.

gusto ko lang makasiguro.

💌 from: "Agust"
to: "Moon" Image
9.

baka masanay ako.

💌 from: "Moon"
to: "Agust" Image
10.

nandito lang ako.

💌 from: "Agust"
to: "Moon" Image
11.

the following day—

the start of something new?

💌 from: "Agust"
to: "Moon" Image
12.

na-busy si jin, pero buong araw niyang inisip kung magte-text ba siya sa numerong binigay ni Agust

until, he finally did. the reply was immediate. ImageImage
13.

Agust doesn't mention that it took more than a whole day for jin to text.

usapang grammar at gwapo ImageImage
14.

rukawa at galawang hokage Image
15.

tell me if i'm wrong ImageImage
16.

ano bang meron? you tell me. ImageImage
17.

(image sent) Image
18.

two can play, pt. 1 Image
19.

two can play, pt. 2 ImageImage
20.

speechless pero may pag-amin ImageImage
21.

date muna bago what ImageImage
22.

pabebe Image
23.

🙊 Image
24.

teka lang saglet! kailangang mahimasmasan ni kuya jin kaya chichikahin na lang muna si half-bro

pero mukhang si joon ang may is-spill na 🍵 Image
25.

jin's "better half" seems to know him really well Image
26.

things seem to be going well, don't they? Image
27.

the "curse" ImageImage
28.

'di ko pa nga alam 'yung totoo niyang pangalan

gusto ko na siya. Image
29.

you deserve to fall in love, too. Image
30.

cheer up na tayo, my bro! enjoy na lang muna Image
31.

speaking of!

mukhang may message na naman si kuya Agust Image
32.

do you feel better now? Image
33.

"It's Yoongi." ImageImage
34.

"Seokjin."

"It does feel a little weird, haha." ImageImageImage
35.

my moon

almost special Image
36.

express send ImageImage
37.

ano pang kailangan para maniwala? Image
38.

ano (sino) ang laman ng isip ImageImageImageImage
39.

urges

i like you more Image
40.

i like you too Image
41.

is typing

no reply ImageImage
42.

PANGATAWANAN MO KO

GUSTO NGA KITA Image
43.

pls be gentle with the baby ImageImageImage
44.

anw, tama na muna ang landian

magre-report muna si yoongi sa childhood bff niya na bagong gising

(🔞⚠️ the characters use some derogatory terms jokingly) Image
45.

isang whipped at isang whipped cream lang yata ang kinain

(🔞⚠️ the characters use some derogatory terms jokingly) ImageImage
46.

romance and suck

(🔞⚠️ the characters use some derogatory terms jokingly) Image
47.

not sure if hard or soft feels ang usapan Image
48.

finally, they get to the proper kumustahan part of the convo

jimin's not that sad anymore and yoongi is returning in less than a month ImageImage
49.

alagang yoongi min

‼️cw food ImageImage
50.

fast forward naman to one random weekend, silipin naman natin ang kim bros Image
51.

ay may isa pa pala silang kasama!

tagged sa IG pero wala sa pic Image
52.
'Di naging madali ang tinahak na daan ni Seokjin para maging ganito kaginhawa ang buhay nilang magkakapatid sa kabila ng maaga nilang pagka-ulila sa mga magulang nila.

Nasa hayskul siya no'ng tanggapin ng nanay nila ni Taehyung si Namjoon, na anak ng ama nila sa ibang asawa.
53.
Kahit naman nagkaroon ng problema ang mga magulang nila, 'di sila pinabayaan ng tatay nila kaya wala naman siyang malalim na galit sa kanya, sa isang asawa niya o kay Namjoon.

Naging magkakalapit din sila agad. Pakiramdam nga ni Jin ay tunay talaga nilang kapatid si Joon.
54. ‼️mention of death
Mas naawa pa nga si Seokjin kay Namjoon dahil siya naman kung tutuusin ang napagkaitan sa kanilang tatlo, dahil sa bagay na di naman niya ginusto.

Tapos, nasa hayskul lang sila no'ng pumanaw ang kanyang ina at napilitan siyang makisama sa pamilya nila Jin.
55.
Bukod sa isyu ng mga magulang nila, wala namang ibang naging balakid sa komportableng pamumuhay ni Seokjin—hanggang sa tumuntong siya ng pangatlong taon niya sa kolehiyo.
56. ‼️implied character death
Kalagitnaan ng finals ng ikalawang sem no'ng matanggap nila ang balita na wala na ang mga magulang nila.

Sa isang iglap, nagbago ang kanilang pamumuhay. Napilitan si Jin na maging matatag para sa mga kapatid niya sa kabila ng sarili niyang hinagpis.
57.
Kinailangan niyang maging masinop sa pera at mga ari-ariang iniwan ng mga magulang nila.

Natuto siyang makisama sa iba. Nalaman niya na hindi lahat ng gustong tumulong sa kanilang magkakapatid ay may tapat at mabuting intensyon.
58.
Hindi naging madali ang mga nagdaang taon, pero ang mahalaga ay komportable na sila ngayon.

Nakakapagbakasyon na sila ng ganito nang 'di iniisip ang gastusin.

Wala na siyang gaanong mahihiling pa sa puntong 'to.

('Sinungaling,' bulong ng traydor at madaldal niyang puso.)
59.
"Uhm... hello po! Pwede pong magpa-picture?"

Kasalukuyang nakatambay si Seokjin sa may silungan malapit sa activity area kung saan may rentahan ng bisikleta, no'ng may lumapit sa kanya at nahihiyang nagpaliwanag na isa raw siyang tagahanga.
60.
Sa ganitong klaseng pagkakataon natatauhan si Jin na malaki na ang pinagbago ng estado niya ngayon.

Nakikilala na siya sa publiko, kahit na kung tutuusin ay 'di naman siya gano'n kasikat lalo na kung ihahalintulad sa mga artista sa telebisyon.

"Sure! Selfie ba?"
61.
Anyaya sana ni Jin, pero buti na lang ay kasama pala ng babaeng lumapit ang kanyang kasintahan.

Buti na lang.

Mas nagkaroon si Seokjin ng dahilan para 'di gaanong dumikit sa nagpakuha sa kanya ng litrato, kahit na kusang tumabi at sumiksik sa kanya ang babae.
62.
'Di na siya nagugulat at 'di na rin siya gaanong kinakabahan sa ganitong mga sitwasyon.

Laging mahaba ang manggas ng kanyang pang-itaas sa tuwing lumalabas siya kahit tirik na tirik pa ang araw, para siguraduhing hindi madidikit basta-basta ang balat niya sa ibang tao.
63.
(Mahirap na, kahit tagahanga pa siya at wala na rin naman gaanong magiging epekto ang mahika ni Jin sa kanila dahil 'di na rin sila ulit magkikita.)

Ngumiti lang si Seokjin at kumaway no'ng paalis na ang babae kasama ang nobyo.

('Masaya ka na ba talaga sa ganito, Jin?')
64.
"Excuse me?"

Agad na bumaling si Seokjin sa sumunod na lumapit, nakangisi at handa na sana ulit para sa isa pang litrato.

Natigilan siya nang bistahan niya ang bagong dating na lalaki.

"Alam ko, medyo weird 'yung itatanong ko... so if I'm wrong, please forget I asked."
65.
('Hindi kaya...?')

Kunwaring nagkamot ng batok at nahihiyang nagpatuloy ang estranghero.

('Hindi... hindi siya estranghero.')

"It's just... you look like someone I kind of know? And I thought... you might have similar jobs, kasi may nagpa-picture sa'yo kanina."
66.
'Di na dapat nagugulat at kinakabahan si Jin sa ganitong mga pagkakataon.

Pero bakit pakiramdam niya, parang sasabog na ang kanyang dibdib sa takot?

'Di siya handa.

'Di dapat ganito ang kanilang pagkikita.

"Are you... by any chance, do you go by the online name 'Moon'?"
(—pagbabalik tanaw, kalahating dekada na ang nakalipas.)

‼️tw implied minor character death
Bukod sa mga magulang nila, ang lola na lang nila ang natitirang malapit na kamag-anak nila Seokjin.

Ilang buwan pa lang ang lumilipas simula no'ng maulila silang magkakapatid.
‼️tw terminal illness
Ngayon, kinausap naman si Jin ng doktor ni Inang. Wala na raw lunas sa panghihina ng lola.

Katanghalian at tirik na tirik ang araw sa probinsya—nag-iisang lulan si Seokjin ng dyip no'ng tumulo ang luha sa nakatiklop niyang panyo na may nakaipit pang pulbos.
Bakit ganito?

Bakit parang sinalo na yata nila ang lahat sakuna sa nagdaang mga buwan?

'Di relihiyosong tao si Seokjin, pero kung may nakikinig man na poon sa kanya,

Parang awa.

Pagod na pagod na siyang magpakatatag para sa natitira niyang pamilya.
‼️tw hospital
Ano na lang ang sasabihin niya sa kay Namjoon? Kay Taehyung na giliw na giliw sa pagkukuwento kay Inang sa tuwing bumibisita sila sa ospital?

Paano naman ang sarili niya?

'Pag nilihim na naman niya ang bagong rebelasyon,

Sino naman ang maninigurong ayos pa siya?
(—kasalukuyan.)

67.
"Sh it, I know you must be some kind of celebrity... but even that kind of question must be weird for you, I'm sorry—!"

"Agust."

Sa gitna ng pagkataranta ng kaharap, halatang nanlaki ang mga mata ng kausap na lalaki ni Seokjin.

"You're Agust... tama ba?"
68.
Agad ding nanumbalik ang magaang ngiti sa mukha ni Jin sa kabila ng sariling pagkagulat.

Si "Agust" naman—hindi, si Yoongi—bahagyang napayuko at tumawa habang hinihimas ang gilid ng kanyang leeg, pero batid sa kinang ng mga mata niya ang galak na nakilala siya ni Seokjin.
69.
"Wow, uhm..." Muling panimula ni Yoongi.

"You look even more handsome up close, Moon."

Hindi ito ang unang beses na may nagsabi sa kanya na gwapo siya, pero pakiramdam ni Seokjin ay parang kinikiliti ang namumula niyang mga tenga ng bawat binitiwang salita ng kaharap.
70.
('Sh it, baka isipin pa ni Yoongi na pa-virgin ka! Ang tanda mo na para kiligin na parang hayskul, Seokjin.')

"'Di mo talaga ako kilala?" Paglilipat naman ni Jin ng usapan, matapos niyang punahin ang sarili.

"I mean, me as JIN... as my professional persona?"
71.
Umiling si Yoongi at saka nagpaliwanag.

"I had no idea... Nakita ko lang na may nagpapa-picture, then I thought you looked familiar... kaya lumapit ako, tapos sinubukan kong magtanong. Ine-expect ko nga na 'di mo ako kilala, na baka na-catfish mo lang talaga ako."
72.
"Pinadalhan na nga kita ng selfie na 'di naka-post online, 'di ba?!"

"Hindi ko nga alam, okay?!"

"Pwede mo namang i-search 'yung picture para ma-confirm mo kung niloloko lang kita... kung 'di ka talaga naniniwala!"

"Naniwala naman kasi talaga ako sa'yo!"
73.
Pagkatapos ng maikli nilang balitaktakan, tila biglang natauhan si Yoongi na mahinahon namang nagpatuloy.

"Syempre 'di ko lang naiwasang maisip na baka too good to be true ka para sa'kin."

Natigilan si Seokjin sa pag-amin ng kaharap.

('Ha! Too good to be true ka raw—!')
74.
(—Pangungutya ng nagmamatigas niyang puso.)

Totoo naman.

Pinapaasa lang niya si Yoongi at ang kanyang sarili na may patutunguhan ang namamagitan sa kanila.

Gayon pa man, may isang bahagi ng nag-aagaw niyang mga damdamin na gustong manatili munang makasarili ngayon.
75.
Kailangan lang niyang maging maingat na 'di magdikit ang kanilang mga balat sa kahit anong pagkakataon habang magkasama sila.

Pagkatapos ng maikling pagkikita nilang 'to, makakabalik pa sila sa pangkaraniwan nilang pag-uusap sa text.

Makakapagpanggap pa siyang normal siya.
76.
"First time ko 'to, Moon..." mahina ang boses ni Yoongi no'ng magsalita ulit siya.

"'Yung magkagusto sa tao na 'di ko pa nakikita nang harapan... I've never done this before so cut me some slack, please."

Sh it, gustong-gusto ni Jin na abutin at pisilin ang kamay ni Yoongi.
77.
Payapa ang hapon at medyo malayo ang ibang mga bisita sa resort mula sa kinatatayuan nila sa may lilim ng libreng mga bisikleta.

Kung ordinaryo sana ang kwento nila, ito na ang pagkakataon ni Seokjin para lumapit at dalhin sa ibang direksyon ang takbo ng kanilang script.
78.
Unang pagkikita pa lang nila pero ang dami nang tumatakbo sa isip ni Jin na mga gusto niya sanang gawin kay Yoongi.

('Makuntento ka na sa ganito, Seokjin. Hanggang pantasya mo lang ang mga iniisip mo.')

Ngumiti na lang siya at tumugon.

"First time ko rin naman 'to, Agust—"
79.
"—Ay, Yoongi na nga pala. It's nice to finally meet you. You also look very handsome up close."

No'ng dali-daling magtakip si Yoongi ng mukha gamit ang dalawang kamay, 'di naiwasang baybayin ng mga mata ni Jin ang mala-bulubunduking guhit ng mga ugat sa kamay ng kausap.
80.
"Argh! Bakit naman ganyan ka magsalita, Moon?!"

Hindi nakatulong na umungol pa si Yoongi no'ng kunwaring naghimutok siya.

Kulob pa ang kanyang boses dahil sa nakatalukbong na mga palad sa kanyang mukha, kaya mas lalong lumalim ang magaspang na timbre ng kanyang tinig.
81.
Lumunok na lang si Seokjin ng laway, kasama ang nagpupumilit at umaahon niyang mga pagnanasa.

Mabilis siya sa pagkabig sa lumulukso at nalilito niyang puso—

Pero mas matalas ang kanyang paningin na napansing mahaba rin ang manggas ng suot na itim na pang-itaas ni Yoongi.
82.
Nagkaroon siya ng ideya.

Tila bigla siyang nagkaroon ng tapang na maglaro sa bagay na alam niyang delikado.

'Di siya nag-iisip no'ng kinuha niya ang isang braso ni Yoongi—sa bahagi na sakop pa rin ng kanyang manggas—para ilayo ang isang nakatakip niyang kamay sa mukha.
83.
"Nagtago pa! Ah I changed my mind. Mas cute ka pala 'pag mas malapit."

Nabigla si Seokjin no'ng hampasin siya ni Yoongi gamit ang libre niyang kamao. Buti sa may balikat ni Jin tumama ang suntok—malapit sa may kwelyo pero 'di naman kumiskis sa balat niya ang kamao ng kasama.
84.
Nakaramdam si Seokjin ng pagkabog sa dibdib na 'di niya matukoy kung dahil sa takot o sa pagkahumaling.

Nakakahumaling ang init ng braso ni Yoongi sa ilalim ng hawak niya, kahit may nakabalot pang manggas.

Gayon pa man, muntik ding mawala sa kanya ang Yoongi na kilala niya.
85.
Parang malupit na paalala—na sobrang lapit niya sa bagay na matagal na ipinagkait sa kanya ng madamot niyang mahika.

Sobrang lapit pero kulang pa rin, kulang pa ang ganito hangga't 'di siya napapaso.

'Di namalayan ni Seokjin na lumuluha na siya at tumahimik din si Yoongi.
86.
(Gusto lang naman niyang hawakan ang kamay ng taong gusto niya.

Gusto lang niyang maranasang umibig ng walang impluwensya ng pun yetang mahika—)

Biglang binitawan ni Jin ang braso ng kaharap no'ng matauhang papalapit sa pisngi niya ang kamay ni Yoongi.

"Don't touch me!"
87.
Alam ni Seokjin na natigilan si Yoongi sa pagbulalas niya pero wala siyang sapat na lakas ng loob para harapin ang pagkalito na tiyak na nakaguhit sa mukha ng kasama.

('Iisipin niya, weirdo ka. Alam mo namang hindi dapat, pero sumubok ka pa! Ba't 'di ka kasi makuntento—?')
88.
"Gusto ko lang sanang punasan 'yung luha mo, bigla ka kasing umiyak. Sorry kung nabigla kita... I won't touch you without permission."

Pagdilat ni Jin para tingnan ang kaharap, may iniaabot si Yoongi na panyo sa kanya.

"You don't have to tell me. 'Di kita pipilitin, Moon."
89.
Kalmado ang tono ng pananalita ni Yoongi, na para bang kanina lang ay di humiwalay sa kanya si Seokjin na mistulang natalsikan ng kumukulong mantika.

"I-I'm sorry..."

"It's okay. We can go on a date next time. Kung may kasama ka, ihahatid na lang kita sa kubo o villa n'yo."
90.
('Next time'?

Ibig sabihin—)

"Hindi ka nawe-weirduhan sa'kin, Yoongi?" Mahinang pagtatanong ni Jin.

'Di niya kinuha ang ibinibigay na panyo ni Yoongi. Nagpunas siya ng luha sa manggas ng sarili niyang damit.

"Moon... 'di kita huhusgahan sa bagay na 'di mo naman ginusto."
91.
Napansin ni Seokjin na binulsa na ng kasama ang kanyang panyo, bago siya magpatuloy.

"I don't know what happened, pero alam kong may dahilan kung bakit bigla kang nag-panic... again, di kita pipiliting magkwento. Mag-iingat na lang ako sa susunod... if you'll still have me."
92.
('Sa susunod... if you'll still have me.')

'Di napigilan ni Seokjin na mabuhayan ulit ng pag-asa sa narinig.

Sa unang pagkakataon, naisip niya na baka tama nga ang kapatid niyang si Namjoon.

Baka iba nga si Yoongi.

"You keep calling me 'Moon'... it's Jin now, remember?"
93.
Sa pagsagot na 'yun ni Seokjin, tila gumaan na ulit ang kanilang pag-uusap.

Bahagyang tumawa at ngumisi lang si Yoongi sa kanya no'ng tumugon.

"I know that. So maybe I just really like calling you my Moon."
94.

naku kami rin gusto namin malaman ano ba 'yan? Image
95.

ay, mukhang may hinatid nga ni ano 💀 Image
96.

"na-meet ko lang kanina."

geh good night na ImageImage
97.

silipin naman natin 'yung isa nating bida na mukhang 'di pa nap-process ang nangyari Image
98.

what happened, yoongi's pov ImageImageImage
99.

"don't jinx it." ImageImage
100.

around midnight

'di nakatiis si yoongi at nag-text pa ulit kay jin na mukhang naalimpungatan ImageImage
101.

sorry and it's okay Image
102.

asking the important question ImageImageImageImage
103.

"ano ba talagang ginagawa natin, yoongi?" Image
104.

accept? Image
105.

phone call, pt. 1 Image
106.

phone call, pt. 2 Image
107.

phone call, pt. 3 Image
108.

phone call, pt. 4 Image
109.

phone call, pt. 5 Image
110.

the moon won't feel so alone even with just one star to keep him company in the clear night skies Image
111.

oo nga nasaan 'yung dalawa? anong ginagawa ha?

anw baka sumakit pa ang ulo ni kuya jin, tulog ka na lang po ulit ImageImage
112.
Bihira lang managinip si Seokjin at karaniwan pa'y masyadong makatotohanan ang mga imaheng naglalaro sa ilalim ng kanyang mga talukap.

Pagpikit ni Jin, bagong dropout ulit siya ng kolehiyo. Katatapos lang niyang magluto ng sinabawang gulay na tanghalian nila ni Inang.
113.
Nakaupo ang kanyang lola sa tumba-tumba na nakapwesto malapit sa pinto, kung saan pinapanood ng matanda ang marahang pag-ugoy ng madadahong mga sanga ng puno na sinusuklay ng malamig na hangin.

"Inang, kain na po tayo. Bagong inin 'yung kanin, nagluto rin po ako ng sabaw."
114.
Bitbit ni Seokjin ang mangkok na para sana sa lola niya no'ng lumapit at naupo siya sa may tabi ng matandang babae.

Hindi gumagalaw ang labi ni Inang, pero malinaw na narinig ni Jin ang kanyang boses.

'Salamat, apo. Pasensya ka na, wala nang ibang pamana ang lola sa inyo.'
115. ‼️implied minor character death
Nang tingnan ni Seokjin nang maigi ang mukha ng lola, napansin niyang nakapikit at payapa ang matanda.

'Ito lang ang maibibigay ko sa'yo, apo... alagaan mo sila nang mabuti.'

"Inang naman, duwag ako... 'wag n'yo naman po akong binibiro!"
116.
Pagmulat ng mga mata ni Seokjin, madilim pa ang silid at mahimbing na natutulog sa kani-kanilang mga kutson ang mga kasama niya.

Masyado nang gising ang kanyang diwa para makatulog pa ulit kaya naisip niyang bumangon na lang at magtimpla ng kape.
117.
Sa mga ganitong pagkakataon—kapag napapanaginipan niya si Inang—'di maiwasan ni Jin na magtanong kahit wala naman na ang kanyang lola para tumugon.

('Bakit ako? Para lang matustusan ko sila? Paano naman ako, Inang? 'Di mo ba naisip kung gaano magiging kahirap para sa'kin?')
118.
'Di naman siya namumuhi sa kanyang lola.

Sa kabila ng pagiging kakaiba ng napiling pamana ni Inang sa kanya, malaki ang naging tulong ng mahika para matanggap si Seokjin sa mga trabahong pinasukan niya.

Alam niyang 'di siya makakaabot sa ganito kung 'di dahil doon.
119.
Malupit ang industriya na napili niyang pasukin. Hindi sapat ang ganda o pagiging makisig para magkaroon ng sunod-sunod na trabaho.

Kahit makipagkita at magpakilala pa siya sa kung sinu-sino, hindi 'yun nangangahulugan na bibigyan nila siya ng pagkakataong tumuntong sa set.
120.
Mapalad si Seokjin dahil 'di niya kinailangang sumubok ng kung anu-ano para maging tanyag ang pangalan niya sa industriya.

Sa unang pakikipagkamay pa lang niya o sa isang "aksidenteng" paghaplos ay tiyak na magiging magaan ang loob sa kanya ng kahit sinong kaharap niya.
121.
At kapag magaan ang loob sa kanya ng iba, madali na ang pasimpleng humingi ng pabor sa tamang tao.

Sa ilang taon ng ganitong pamumuhay ni Seokjin, natuklasan niya na sa dalawang uri lang ng tao 'di tumatalab ang kakaibang kapangyarihan.

Una, sa dalawang kapatid niya.
122.
Pangalawa, sa kung sino mang tao na maniniwala sa kanya na mayro'ng taglay na mahika ang kanyang hawak.

Gayon pa man, kahit ilang beses na niyang inakala na "tamang tao" na ang kanyang piniling pagsabihan ng kanyang nililihim na abilidad—
123.
Dalawang tao pa lang ang seryosong nakinig sa kanya. Dalawang taong 'di pa niya inaasahang magiging malapit sa kanya.

'Yung mga inakala niyang "tamang tao" na online niya rin unang nakilala, tinawanan lang siya sa una nilang pagtatagpo.
124.
('Babe, come on. I know meeting each other like this is pretty magical, but you can't mean literally. Haha, you're so funny!')

('Jinnie, ano ba 'to... prank? You can't expect me to fall for that!')

('Pickup line ba 'yan? Hay, buti na lang talaga gwapo ka.')
125.
Lahat sila, gaya ng kinatatakutan ni Jin, nahumaling na parang mga ginayuma sa unang paghahawak ng kanilang kamay.

Sa isang iglap, nawala ang kinang ng kanilang mga mata at tila naging mga manika sila na tatango lang sa kanya, masyadong malaki ang ngiti para maging tunay.
126.
Ayaw ni Seokjin na magmahal ng alam niyang 'di naman buo at totoo.

Siniguro niyang 'di na niya ulit makikita ang mga dating naging kasintahan. Buti na lang, kapag matagal na pisikal na nalalayo sa kanya ang iba, kalauna'y naglalaho rin ang impluwensya ng kapangyarihan niya.
127.
Kaya ngayon, ito siya.

Mag-isang sasalubong sa bukang liwayway habang ang tasa ng kapeng kanina pa niya hawak-hawak ay unti-unti na ring lumalamig sa pagitan ng kanyang mga palad.

Matagal na niyang pinapantasyang magkaroon ng kayakap sa ganitong mga sandali.
128.
'Yung magkukulitan sila at magpapalitan ng malalambing na mga pangako na walang ibang makakarinig bukod sa kanilang dalawa, habang minamasdan nilang unti-unti ring gumigising ang maririkit na mga bulaklak at humuhuning mga ibon sa gitna ng ganitong klase ng tanawin.
129.
'Yung magbabangayan sila paminsan-minsan, pero 'di nila mapipigilang magbati rin pagkalipas ng ilang oras—

At kusang maglalapit ang kanilang mga labi,

Ang kanilang mga haplos na 'di makuhang lumayo hanggang 'di nabubuo ang init sa pagkiskis ng kanilang mga balat.
130.
Nais lang naman ni Seokjin na maranasang magmahal, at mahalin din ng dahil sa kung sino siya.

Walang bahid ng mahika—kundi sa pagkutitap ng mga mata ng mag-irog na may sariling mundo sa kanilang pagsayaw kahit matapos pa ang piging at wala nang tumutugtog na musika.
131.

uy, kuya jin! tama na ang pagde-daydream!

may nag-message sa'yo! Image
132.

aga-aga ang lalandi

so ano na nga, breakfast daw? ImageImage
133.

it's not a big deal, no pressure

pero pinagluto Image
134.

"so... see you later?" Image
135.

"pero yoongi?"

"yes?" Image
136.

"may importante sana akong sasabihin sa'yo..." ImageImage
137.

"pakikinggan kita... i promise."

"ok... see you later?" ImageImage
138.

sanaol po pinagluluto ng almusal

‼️cw food Image
139.

silipin naman natin 'yung ig nung isa

ganda ng tanawin nyo ah Image
140. ‼️cw food
"Ba't gano'n? Mas maganda naman 'yung picture at caption ko ah?"

'Di makapaniwala si Yoongi kahit na tinapat na ng isang humahagikgik na Seokjin ang ebidensya sa mukha niya.

"'Pag sikat, isda at kamatis lang 'yung litrato... one thousand likes agad?! Ang daya."
141. ‼️cw food
Paghihimutok pa lalo ng mas nakababata, nakakunot ang noo at nakausli pa ang nguso habang sumusundot ng dilis sa baon niyang almusal para magsalo sila no'ng umagang 'yun.

Sa dami ng niluto ni Yoongi, nakatitiyak si Jin na 'di nila mauubos ang hinanda ng kasama.
142. ‼️cw food
Gayon pa man, magiliw niyang sinulit ang pinagtiyagaang lutuin at isalansan na pagkain ni Yoongi kahit kung tutuusin ay 'di naman niya kailangang gawin.

Sa edad niyang 'to, ngayon lang nakaranas si Seokjin na may magpursigi nang ganito sa pakikipagkilala sa kanya.
143.
Ilang tao na rin naman ang nakausap niya online at 'di naman gano'n kabago sa kanya ang makipagtagpo,

Pero bakit nga gano'n?

Bakit ang haba ng pasensya ni Yoongi, na simula no'ng makita siyang bigla-biglang umiyak ay naging maingat na 'di na gaanong lumapit sa kanya?
144.
Tila alam lagi ng mas nakababata kung anong dapat na marinig ni Jin kahit di pa sila gano'n katagal na magkakilala.

Natatakot si Seokjin dahil ang dami niyang bago at mga unang karanasan sa maikling panahon ng pagkikita nila ni Yoongi.

('Baka nga iba si Yoongi sa kanila.')
145.
"Uy, tumahimik ka yata? What's wrong, Jin?"

Kani-kanina lang ay nagkukulitan sila, tapos ngayon ay bakas naman sa mukha ng kasama ang pag-aalala sa hindi pag-imik ng mas nakatatanda.

"Wala... wala may naisip lang ako."

Tumango lang si Yoongi at 'di na rin muna nagsalita.
146.
Wari'y nag-iisip din siya ng kanyang sasabihin bago magpatuloy.

"Tungkol ba 'to sa gusto mo sanang sabihin sa'kin, Jin?"

Hindi alam ni Seokjin kung saan sisimulan ang kwento. Ayaw rin naman niyang iwanang naghihintay ng paglilinaw mula sa kanya si Yoongi.
147. ‼️tw implied minor character death
Pinili niyang umpisahan sa bahagi na siya mismo, 'di niya rin lubos na nauunawaan.

"Nabanggit ko na rin, 'di ba?" panimula ni Jin.

"Na medyo maaga kaming naulila. Napilitan akong mag-drop out no'ng junior ako sa college..."
148. ‼️tw minor character death
"...Nagpaiwan ako sa probinsya kasama 'yung bunso namin para alagaan si lola. Nasa college naman 'yung isa pa naming kapatid, kaya madalas ako lang 'yung kasama ni Inang.

Kahit nga no'ng... namatay siya, kami lang 'yung nasa bahay."
149.
Pagsulyap ni Jin kay Yoongi bago siya magpatuloy, nakita niyang taimtim na nakikinig sa kanya ang mas nakababata.

('Iba si Yoongi sa kanila.')

"Simula no'ng araw na 'yun... nagbago 'yung buhay ko, in many ways. 'Yun din 'yung panahon na naisip kong pumasok sa modeling."
150.
('Maniniwala siya.')

"Lahat ng nakikilala ko sa industriya, magaan ang loob sa akin, kaya ang dami ko agad naging trabaho at kung anu-anong raket."

Sa pagkakataong 'yun, ngumiti naman si Yoongi sa kanya.

"I can see why. You work hard and you're easy to love, Jin."
151.
Sa nabanggit ni Yoongi, napalulon si Seokjin ng laway bago tumugon.

('Hindi. Baka 'di siya maniwala.')

"No... it wasn't just because of that."

Tumahimik ulit ang kasama niya at bumalik sa seryosong pakikinig.

Huminga naman nang malalim si Jin at nagkwento ulit.
152. ‼️tw implied minor character death
"Si Inang... dati nang kinukwento sa amin ni papa na may lahi raw sila ng mga... gumagamit daw ng mahika.

Syempre 'di naman kami naniniwala sa kanya pero no'ng araw na nawala si Inang, kinausap niya ako. May pinamana raw siya sa'kin."
153.
Habang tumatagal ang pagsasalita ni Seokjin, mas nagiging kumbinsido siya na baliw na ang tingin sa kanya ni Yoongi habang nakikinig.

Gayon pa man, kahit unti-unti siyang pinanghihinaan ng loob ay pinili niyang tapusin pa rin ang nais niyang sabihin.
154.
"What I'm trying to say is," buntong hininga ni Jin.

"Kaya 'di ako basta-basta humahawak sa iba, kasi naiimpluwensyahan ng hawak ko 'yung pagtingin nila sa'kin. I know... sobrang weird pakinggan. Pwede mo na 'kong layasan, Yoongi. Sorry kasi inaksaya ko lang 'yung oras mo."
155.
('Kagaya ka rin naman nila. Bakit pa kasi ako umasa?')

Sa unang pagkakataon simula no'ng magkwento si Seokjin, nagtanong si Yoongi sa kanya.

"No'ng sinabi mong 'impluwensya'... ibig sabihin mo ba 'yun 'yung dahilan kung bakit magaan ang loob sa'yo lagi ng mga tao?"
156.
'Di alam ni Jin kung matatawa siya o madidismaya dahil pinili pa ni Yoongi na patagalin ang usapan kahit tiyak namang palpak din ang kahihinatnan nila pagkatapos.

"Yes, 'yun nga, Yoongi."

"No exceptions? Paano 'yung mga kasama mo? Mga kapatid mo... 'di ba sila apektado?"
157.
"Yes... but... bakit ka pa nagtatanong? Ba't pinatatagal mo pa 'yung usapan, Yoongi? Umalis ka na. Just leave if you're just going to make fun of me."

Hindi man lang naawa si Yoongi sa kanya.

'Di na nga siya naniniwala, sadyang pinapahiya pa niya si Jin nang ganito.
158.
"Jin, what are you saying? I'm just trying to understand! Saan mo naman napulot 'yung pinagtatawanan lang kita?"

Ayaw pang umamin ni Yoongi. Katulad lang naman siya ng iba.

Hindi, mas malupit pa siya sa kanila. Nagpapanggap pa siyang naniniwala siya—para saan pa?
159.
"Kasi katawa-tawa naman lahat ng sinabi ko, 'di ba?! Sino bang tanga 'yung maniniwala sa mga pinagsasasabi ko?"

"Magkukwento ka sa'kin tapos tatawagin mo akong tanga 'pag pinili kong maniwala sa'yo?"

"Oo!"

"Are you hearing yourself, Jin? What kind of logic is that?!"
160.
"Kung 'di ka aalis... then, fine! I'll go."

Tama na.

Masyado na siyang umasa.

Siguro ay naging dramatiko si Seokjin sa pagpihit niya at nagmamadaling paglalakad palayo kay Yoongi patungo sa kung saang dako na 'di niya alam.
161.
Ngunit sa sandaling 'yun, 'di na niya kinayang ilagan ang panunumbalik sa kanya ng lahat ng naging pangungutya sa kanya ng mga dati niyang nakamabutihan.

Hindi na niya kayang harapin ulit ang gano'ng uri ng pagkapahiya at pagkadurog ng loob.
162.
Ayaw niyang magkaroon ng lamat ang mga bago at unang karanasan niya kay Yoongi. Masyado na magiging masakit kung sa isang maling galaw ay matutulad lang sa iba ang kahihitnatnan nila.

Siya na lang ang dudurog sa puso niya. Mas mainam na 'to, na wala kay Yoongi ang sisi.
163.
"...Jin! Moon, sandali."

Napatigil si Seokjin sa kanyang matulin na paglalakad no'ng maramdaman niyang may umabot at mahigpit na humawak sa kanyang kamay.

"You can't just leave me behind like that when we're fighting. Anong balak mo? Igo-ghost mo na lang ako, gano'n ba?"
164.
Sa pagkagulat niya, 'di na naisipan ni Jin na pumiglas.

Sa pagkakataong 'yun, si Yoongi naman ang dire-diretso sa pagsasalita nang hindi bumibitaw sa kamay ni Seokjin.

"'Di mo ba naisip na ang unfair mo naman sa'kin? Even if you were expecting me not to believe you..."
165.
"...you should at least have a little faith in me. I knew what you wanted to tell me was something serious because you've led me to think so.

Tapos bigla-bigla mo akong lalayasan. May offensive ba sa tinanong ko? If so, tell me instead of leaving me to second-guess myself."
166.
Seryoso ang mukha ni Yoongi. Kahit may halong galit sa pananalita niya ay kalmado pa rin ang kanyang boses.

'Di maiwasan ni Seokjin na maisip na ang gwapo ni Yoongi habang pinagmamasdan niya ang kasama no'ng sandaling 'yun.

Tapos, biglang napagtanto niya—
167.
—Galit pa rin si Yoongi sa kanya, kahit magkahawak sila ng kamay.

"...I don't know what happened for you to have that kind of reaction to what I said. Kung may mali sa sinabi ko, I'm sorry."

"Yoongi, you're holding my hand."

"Wait, what? Oh sh it, I didn't mean to!"
168.
Sa isang iglap ay tila napalitan ng taranta ang inis ni Yoongi. Dali-dali siyang umatras at lumayo kay Seokjin.

"Fu ck, did I mess things up? I'm not supposed to touch you. That's how the magic thing works, right? Sh it, I'm sorry!"

"Yoongi... Yoongi, calm down."
169.
Nang makita ni Jin na mangiyak-ngiyak na ang kasama dahil sa pag-aakala na mayroon siyang nagawang malubhang kasalanan, unti-unti na ring natunaw ang yelo na pilit niyang binakuran sa malambot niyang puso.

"You didn't mess things up... it's okay."

"Pero sabi mo 'di ba—?"
170.
"You asked me if there were exceptions, and yes... yes there are."

Mahinanong ipinaliwanag ni Jin sa kasama na wala siyang nagawang mali, at sinagot ang kanina niyang tinanong.

Nang mapanatag na ang loob ni Yoongi, agad ding nanumbalik ang inis niya sa mas nakatatanda.
171.
"Pu tan gina, 'yun na 'yun?! Ba't 'di 'yun ang una mong sinabi?! Nag-walk out ka pa, wala naman palang dahilan para umalis ka!"

"'Di ko kasi in-expect na maniniwala ka! No'ng... no'ng sinabi mo na I 'work hard' and that I'm 'easy to love'... narinig ko na kasi 'yun sa iba."
172.
Marahang inabot ni Yoongi ang kamay ni Seokjin para pisilin nang bahagya at saka himasin gamit ang kanyang hinlalaki.

Simple lang kung tutuusin ang paghawak, pero dati-rati ay laman lang ng mga pantasya ni Jin ang may humawak sa kanyang kamay ng tulad ng ginagawa ni Yoongi.
173.
Sa saglit na panahong nakatagpo niya ang kasama, ilang beses na siyang umiiyak. Nakakahiya man, 'di niya pa rin napigilan ang pagtulo ng mga luha.

"Ayoko nang masaktan dahil lang walang naniniwala sa'kin, Yoongi... 'd-di ko naman ginusto 'to. Ba't kasi... ba't ako pa?"
174.
Imbes na tumugon at magsabi ng mabulaklak pero walang saysay na paliwanag, kumilos na lang si Yoongi para hagkan naman siya.

Sa pagkakataong 'yun, wala nang nagawa si Seokjin kundi hayaang tuluyang matastas na parang marupok na sinulid ang natitira pa niyang mga depensa.
175.
Kung tutuusin, simpleng bagay lang ang yakap para sa ibang tao.

Pero sa aklat ni Seokjin, nadagdagan na naman ang mga bago at unang karanasan niya sa maikling panahon ng pagkikita nila ni Yoongi.

At ngayon, 'di na isa sa mga naglalarong emosyon sa kanyang dibdib ang takot.
176.

tupp3rware at lampungan Image
177.

fast forward to a few hours later

maulan at otw home na 'yung kuya na may kalampungan Image
178.

sa kabilang dako naman, silipin natin 'yung naiwan Image
179.

ayan nakiusisa na tuloy si bff

aba! ano 'yang pa-vacant cabin na 'yan? Image
180.

MU

mutual understanding tsaka miss you ImageImage
181.

ang bilis kumalat ng chismis

nakarating na rin kay dakilang work bff ni jin na si hobi baby Image
182.

speculations

(a/n: syempre maingat si au!jin, he's sneaky with his posts but he won't follow au!yg using his professional/work IG) Image
183.

ay ganun pala ang type ni kuya jin Image
184.

"iba talaga pag tinadhana" ImageImage
185.

reunited and catching up Image
186.

ay, may nakakita raw? ImageImage
187.

hala siya

he's just a friend!!! Image
188.

special ImageImage
189.

poongi ImageImage
190.

white

fast forward to a couple of days after, may pagpapalit na ng contact name? Image
191.

black

another random convo from a different day, nag-halloween makeup lang mabibilaukan na? 🫣 Image
192.

usapang hobbies—photography

isa pang convo snippet from their day-to-day interactions, may pumi-pick up line pa Image
193.

usapang hobbies—guitar

knock knock! who's there? ikaw lang by nob1t4 Image
194.

hanggang sa umabot na sila sa vid call kulitan

sj: (makes funny expressions with random incomprehensible noises)

yg: (chuckles fondly) Image
195.

yg: (proudly shows off his new guitar)

sj: (in the middle of his nighttime skincare routine; hums in approval with his face mask on) Image
196.

sj: (slurp)

yg: (nom) Image
197.

sj: (shows bump on his forehead)

yg: (moves closer to his phone to inspect) Image
198.

after everything they've been doing for the past several weeks

jin asks his reliable bro Image
199.

in other words, communicate with him. Image
200.

meanwhile, habang kinokonsulta ni kuya jin ang kapatid niya

ang bilis pala lumipas ng isang buwan, may pauwi na nga pala ng maynila Image
201.

hala siya ImageImage
202.

payong kaibigan Image
203.

no experience needed ImageImage
204.

i want it all Image
205.

hala uy, 'di na nag-reply!

kailangan mag-message ulit si poongi para sumagot ImageImageImage
206.

"i want to see you soon, too."

"how soon do you want it to be?" ImageImage
207.

ayieeee can't wait for saturday! Image
208.

fast forward na tayo!

aba, mukhang malayo ang narating ng pagmamaneho ni yoongi poongi Image
209.

at natututo nang maglinis ng kalat 'tong mga 'to ah!

very good tayo dyan, mga kuya Image
210.
"So... dinala mo ako rito para maglakad pababa ng mahaba at madilim na hagdanan at saka maglinis?"

Pagbibiro ni Yoongi sa kasama nang makasungkit siya ng lumang sapatos sa medyo maputik na gilid ng ilog.

Malinis ang lugar at namumukod tanging basura ang naligaw na sapatos.
211.
Pagkatapos ibagsak ni Yoongi ang sapatos sa may basurahan, sinauli na niya ang panungkit sa may sabitan sa pader.

Pagbalik niya sa tabi ni Seokjin, ibinulsa naman ng mas nakatatanda ang kanyang phone.

"'Di ba pwedeng gusto lang kasi kitang ma-solo habang nandito tayo?"
212.
Kahit maaga ang reserbasyon nila sa café, 'di pa rin nila naiwasan ang bugso ng mga bisita mula sa siyudad na kagaya nila.

Bukod sa biyahe nila kanina, dito lang ulit sila sa tabing ilog sa may ibaba ng café nagkaroon ng pagkakataon para sa mas pribadong pag-uusap.
213.
Hinayaan ni Jin na pasimpleng kunin ni Yoongi ang kamay niya habang magkasama nilang tinanaw ang lumalangoy na maliliit na isda sa mapayapang tubig na umaagos naman sa makikinis na mga bato ng ilog.

Nagsalita ulit ang mas nakababata pagkalipas ng ilang tahimik na sandali.
214.
"Ngayong na-solo mo na 'ko, what's your plan?"

Kusang humigpit ang paghawak ni Seokjin sa kamay ng katabi. 'Di man niya sadya ay unti-unti ring naging matingkad ang pamumula ng kanyang mga tenga habang nahihiyang nakayuko pa rin siya.

"Yoongi... ano na ba tayo?"
215.
Mahina man ang pagsambit ni Seokjin sa tanong ay malinaw na narinig siya ni Yoongi na biglang natigilan naman sa kanyang magaang paghimas sa kamay ni Jin gamit ang hinlalaki.

"You already refer to me as your Yoongi Poongi, don't you?"

"Yes..."

"And to me, you're my Moon."
216.
Tumango na lang si Seokjin sa pagkakataong 'yun, naghihintay sa ibig ipahiwatig sa kanya ng katabi.

"Tsaka mas nakikilala naman na natin ang isa't isa, so think it's safe to assume that this time... we can be more sure of being boyfriends. If you'd like that, Jin."
217.
'Di masasabi ni Jin na nagulat pa siya sa kumpirmasyon na nanggaling sa mas nakakababata.

Gayon pa man, pakiramdam niya ay nakahinga siya nang maluwag. Tumiklop siya at pumihit kay Yoongi, sumandal na halos nakasubsob ang mukha sa may pagitan ng leeg at dibdib ng kasama.
218.
"I... I'd like that very much."

Humagikgik si Yoongi sa pabulong na pagsagot ni Seokjin. Tapos, hinikayat naman niya ang mas nakatatanda na iangat ang ulo.

"Hey, look at me... bakit ka nahihiya?"

Nagkibit balikat si Jin pero sa wakas ay tumingin na rin siya kay Yoongi.
219.
"'Di ko rin alam... I guess, first time ko kasi?"

"Na magkaroon ng boyfriend?"

Tumango si Jin ng isang beses.

Ngumisi naman si Yoongi nang magpatuloy siya.

"Then I guess I'll have to try my best to also be your only and your last, huh? Competitive pa naman akong tao."
220.
Mahinang hinampas naman ni Seokjin sa may braso ang bago niyang nobyo, pero sa loob-loob niya—

('—I hope so, too. I think I'm really in love with you.')

"I think I might be really in love with you, too, my Moon."
221.
Nanlaki ang mga mata ni Jin nang mapagtanto niyang nabigkas pala niya talaga ang mga salitang akala niya'y nasa kanyang isipan lamang.

Gayon pa man, 'di na niya binawi ang nasabi.

Para saan pa? Mahal din siya ni Yoongi.

Mahal na niya si Yoongi at mahal din siya ni Yoongi.
222.
Tapos, sa 'di maipaliwanag na dahilan ay tila bumagal ang ikot ng mundo sa pagtatapat ng kanilang mga tingin.

Sa lahat ng taon na inakala ni Jin na alam niya ang kahulugan ng mahika,

Wala na yatang mas hihigit pa sa hiwaga ng unang pagtatagpo ng mga labi nila ni Yoongi.
223.
Hindi matukoy ni Seokjin kung kailan siya kusang pumikit, ngunit sa gitna ng dilim sa ilalim ng kanyang mga talukap ay tila naliwanagan ang kanyang puso na dito siya nabibilang habang narito siya sa mundong ibabaw.

Malambot ang mga labi ni Yoongi, maingat sa pagsulong.
224.
Kaya si Seokjin, nahihiya man sa pagsalubong ay unti-unti ring nagkaroon ng lakas ng loob na tumugon ng may sigla at nabuhayang pagkasabik.

Kung maaari lang sanang manatili na lang silang ganito, kaso kalaunan ay kinailangan din nilang maghiwalay nang bahagya.
225.
Nakahawak si Yoongi sa may baywang ni Jin at nakalapat naman ang mga palad ng mas nakatatanda sa mga balikat ng kasama.

Kapwa sila na unti-unti pa lang na natatauhan at bumabalik sa realidad, pero may mga ngiti sa mukha nila na sumasalamin sa damdamin ng isa't isa.
226.

worth it naman pala talaga ang biyahe dahil ang ganda nd dinayo nilang lugar

and oh, may pag-tag na ngayon sa IG? ImageImage
227.

hihi a few weeks later naman tayo!

nawiwili nang mag-road trip 'tong dalawa at mukhang sa biyaheng south naman ngayon ang mag-boyfriend Image
228.

ang sipag naman po ni cutie southie!

and hmmm mukhang may pa-cabin at overnight naman ngayon? 👀 Image
229.

oh, may mga kasama pala sila kaso mamaya pa ng gabi ang dating

at naku! mukhang may new friends to be made sa carpool arrangement na 'yan ah Image
230.
"Gusto mo bang gumala muna, or...?"

Kaswal na pagtatanong ni Yoongi sa nobyo na nagsasalansan ng mga gamit nila sa may gilid ng kama nila.

"Tapos ka na mag-picture taking sa labas?" Sagot naman ni Seokjin sa kanya.

"Oo, na-post ko na. In fairness, dumami followers ko."
231.
Sa gitna ng pag-uusap nila, naupo na si Jin sa kama. Si Yoongi naman, lumapit sa kanya at nag-iwan ng halik sa may noo ng mas nakatatanda.

"Wala tayong kasama buong araw... mamayang gabi pa sila darating." Pasimpleng pagsasabi at pagmumungkahi ni Seokjin sa kasintahan.
232.
Humuni lang si Yoongi at tumabi kay Jin.

Simula no'ng maging sila, nakasanayan na ng mag-boyfriend ang pagpunta sa kung saan-saan para sa kanilang mga date ngunit ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng magkakasunod na libreng araw para magbakasyon nang ganito.
233.
Marami-rami na rin silang naipuslit na mga halik sa kanilang mga pamamasyal—sa sulok na 'di gaanong matao, sa loob ng kotse habang nasa carpark sila.

Kung tutuusin, maaari din naman nilang isingit ang iba pang mas pribadong aktibidad sa mga oras na nagkasama sila.
234.
Kaso, umamin si Seokjin na kahit matabil ang dila niya ay nahihiya siya dahil wala pa siyang kahit anong karanasan sa mga bagay na ginagawa ng mag-irog.

Dahil doon, siniguro ni Yoongi na 'di niya basta-bastang itutulak si Jin sa tuwing silang dalawa lang ang magkasama.
235.
Umiwas din muna sila sa pagte-text na maaaring mauwi sa kung saan.

Ilang linggo na silang kapwa nagpipigil at kahit alam ni Jin na kapakanan lang naman niya ang iniisip ni Yoongi, pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang dibdib kapag 'di pa siya hinawakan ngayon ng nobyo.
236.
"Yoongi?"

"Yeah?"

"Gusto mo bang lumabas?"

Nag-isip muna ang kasintahan bago ulit magsalita.

"No... not really. I'm fine here."

Lumunok ng laway si Seokjin at saka niya magaang hinimas ang braso ni Yoongi.

"Then would you like to maybe, you know... f u ck me?"
237.
Alam ni Jin na 'di lang likha ng kanyang isip ang namumuong tensyon sa pagitan nila.

Pinanood niya ang leeg ni Yoongi na lumulon din, tapos umakyat ang kanyang mga mata para pagmasdan naman ang kasintahan na kagat ang sariling labi.

Tiningnan din siya ng mas nakababata.
238.
Malalim ang itim ng bilog ng kanyang mga mata na matalim sa pagtitig, seryoso at wari'y sinisipat kung totoong may pagnanais nga ba sa pagsasalita ni Seokjin.

'Di man perpektong tao si Yoongi ay wala naman siyang mintis sa maingat niyang pagmamahal kay Jin.
239.
Siguro ay maituturing siyang ganid, pero gustong makita ni Seokjin ang kabuuan ng maaari pang ibigay sa kanya ni Yoongi.

Gusto niyang masaksihan ang pagkaubos ng pagtitimpi ng nobyo na dahil sa kanya.

"You really want that, baby? You want me?"

Lahat. Gusto niya lahat.
240.
Binihag ni Seokjin ang nobyo sa pagitan ng kanyang mga braso at hinatak papalapit, hanggang sa magkasama silang nahulog sa malambot at walang lukot na kama.

'Di maipagkakaila ang uhaw sa walang patid na pagsisid naman ni Yoongi para kunin ang mga labi ni Jin.
241.
Maginaw sa silid, kaya no'ng unti-unting naghunos si Seokjin ng damit ay nag-aagaw ang dampi ng malamig na hangin at ang mainit na mga hagod ni Yoongi sa kanyang balat.

"Off! Take this... off! I want to see you, too, Yoongi."

Ngumisi lang sa kanya ang nobyo.
242.
"I know, baby. Be patient."

Halik sa may tiyan.

Tapos, umahon muna si Yoongi para magtanggal naman ng pang-itaas at saka ng suot niyang medyo maluwag na pantalon.

Biglang naalala ni Seokjin ang payo ng kaibigan na h'wag magsuot ng masyadong kumplikado hubarin.
243.
Ngayon lang niya lubos na naunawaan ang dahilan.

Sa pagkainip ni Jin, dali-dali niya ulit na hinila pabalik sa kanya ang nobyo.

"Ang tagal mo naman maghubad."

"I was giving you a show, 'di mo ba nagustuhan?"

"Eh ikaw, gusto mo ba talagang pinaghihintay pa ako?"
244.
Tumawa lang ang mas nakababata at nakangiting humingi ng paumanhin.

Si Seokjin naman, nakakunot ang noo nang wari'y naghihimutok siyang nag-utos.

"Shut up already and kiss me."

Sa pagkakataong 'yun, malugod na tinupad agad ni Yoongi ang kanyang hiling.
245.

oops commercial break muna! nakatulog ang mga bida natin pagkatapos ng strenuous activities nila sa kama

at nasa biyahe na ang iba pa nilang mga kasama; jimin is feeling betrayed Image
246.

wow ambilis naman nun Image
247.

cute Image
248.
"Poongi?"

"Yes?"

"Ba't nilalandi ng best friend mo 'yung kapatid ko?"

Kapwa nakahubad pa sila sa kama habang gumagamit ng sari-sarili nilang phone.

Akala ni Yoongi ay inaantok pa si Seokjin pero mukhang nagising ang diwa niya sa maikling palitan ni Taehyung at ni Jimin.
249.
Inilayo muna ni Yoongi ang mga phone nila at tumabi siya sa nobyo para yumakap.

"Are we really going to talk about your baby brother while you're in bed with me, my Moon?"

Tapos nag-iwan siya ng nakakakiliting mga halik sa leeg ni Jin.

"Yoongi! Nililihis mo 'yung usapan!"
250.
"Mhmmm... I'm just focusing on my boyfriend as any good lover should."

"Pinagtatakpan mo lang 'yung best friend mo eh!"

'Di na pinatulan ni Yoongi ang nobyo. Pinagpatuloy na lang niya ang pagtatanim ng mga halik—ngayon, nasa may dibdib naman siya ni Seokjin.
251.
Wala pang ilang segundo ay agad din niyang inani ang biglang pagtahimik at sumunod namang mga pag-ungol ng kasintahan.

Siguro ay nasa humigit kumulang isang oras na lang ang natitira sa kanila para mag-ayos. Maya-maya lang ay darating na rin sa resort ang iba nilang kasama.
252.
Gayon pa man, sa mga sandaling 'yun ay tila 'di sinasadya ulit na nahulog ang dalawa na piniling maligaw ulit nang magkasama sa sarili nilang mundo.

Naglibot ang gumagala nilang mga labi at mga kamay, ngunit sa kanilang paggalugad ay iisa pa rin ang kanilang binabalikan—
253.
Ang mapa ng kanilang mga balat, kung saan maingat na nakaukit ang isa't isa sa bawat isla ng mga markang umaahon sa bawat iniwanang halik.

Siguro ito ang tunay na kapangyarihan sa paghawak at paghaplos—

Itong pakiramdam na 'to, na umuusbong mula sa dibdib.
254.
Itong init, na dumadaloy at bumabalot sa katawan.

Itong 'di maipaliwanag na pagnanasa, na para sa dalawa upang may sumalo at magbalik ng nag-uumapaw na pagmamahal.

Narito siguro ang tunay na mahika—

Buti na lang, natagpuan nila ang isa't isa,

At 'di nila balak bumitaw.
255.

"and then they stayed each other's, truly"
a penpals yoonjin au (with a twist)
end.

(bonus scenes/outtakes below 😘)
bonus 1.

bloopers ng labing-labing sa cabin

spooky Image
bonus 2.

aba, naghamon pa talaga sa official account

kawawa naman si poongi Image
bonus 3.

napatulog tuloy sa labas

pero joke lang, 'di 'yan matitiis kasi lablab 'yan ihhh 🥰 Image
maraming salamat sa pagsuporta sa fluff era ni muni 💜

end notes na po tayo ☺️ it's been a wild ride, but i'm really, really grateful for all the kind messages i've received on this acc!

wala na pong iiyak ah? hihihi ImageImage

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with yoonjin au

yoonjin au Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @minmunimuni

Dec 22, 2022
hello!

roughly two days into deactivating a week or so ago, someone noticed it. so, i figured i'll be honest on here instead of suddenly disappearing without a trace 😅

i've been dabbling in writing again lately because i truly missed it. though, i've also been reflecting—

1/?
about where my priorities lie now, the things that make me happy, what i want to spend my time on, my anxieties on social media, etc. which is why i deactivated.

now, i am still seriously considering it. especially after the things that have been going on in my life.

2/?
i wish this was purely a joke but i might have to pull a #bitter_as_sugar au!yg in 2023 because our circumstances are eerily similar 😅 i hope my mom ends up ok even though i know realistically i could lose her like au!yg lost his mom.

3/?
Read 5 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Don't want to be a Premium member but still want to support us?

Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal

Or Donate anonymously using crypto!

Ethereum

0xfe58350B80634f60Fa6Dc149a72b4DFbc17D341E copy

Bitcoin

3ATGMxNzCUFzxpMCHL5sWSt4DVtS8UqXpi copy

Thank you for your support!

Follow Us!

:(