Unang-una, si Kiko ang aking VP kasi ang presidente ko ay si Leni at siyempre kailangan magwork sila together. Kapag si Leni lang at naiwan si Senator Kiko, hindi nila maaayos ang bansa, o lahat ng plans nila.
Hindi matutupad nang mas maayos kung hindi silang dalawa yung nandoon. At tsaka sa lahat ng mga kalaban, si Senator Kiko yung walang bahid ng korapsyon, walang iskandalo against him, walang cases of graft and corruption.
Ang dami na niyang naitulong. Hindi pa siya tumatakbong Vice President, Senador pa lang siya, nakakatulong na siya sa agrikultura, sa mga mangingisda natin. So imagine na lang natin kung ano yung mga magagawa niya kung Vice President na siya.
Ako bilang isang artist, ramdam ang pag-asa na dala ng Leni-Kiko. Kasama ang mga artist sa mga sektor na medyo kulang sa magandang rights and privileges kumpara sa ibang trabaho na mas may mga benefits na natatanggap.
Karamihan sa mga artist ay nagfrifreelance, hindi karaniwan yung pagkakataon ng unyon. Pinanghahawakan ko yung tagline nila na “Sa Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat”. Ako, confident ako na hindi pababayaan nina VP Leni at Senator Kiko ang mga artist na katulad ko.
So sana lahat tayo, hindi na po tayo magdalawang-isip na iboto si VP Leni bilang President, si Senator Kiko bilang Vice President at ang Tropang Angat for Senators!"
— Nica del Rosario, Singer/ Songwriter
Pinapasalamatan namin ang mga nakikilala namin sa aming pag-ikot para hindi lang mangampanya kundi makinig at maki isa sa kapwa Pilipino. Bawat tao, may pinagdaraanan.
Personal at hindi pulitika ang kanilang dahilan kung bakit sila nakikipagdamayan sa ating mga rally. Personal ang kanilang pagtaya sa atin.
Ito ang mga kwento na kailangan nating marinig at bigyang pansin.
"Dati akong staff ni Bongbong Marcos noong 1995. Pero bago iyan, naging staff rin ako ni Miriam noong 1992. Syempre lahat ay napupuntahan ko ang buong Pilipinas dahil ako nga ay political officer…
"…Ngayon ay nakikita ko parang magkaibang magkaiba no’ng 1995 tsaka ngayon. Noon kasi, talagang hindi ako hirap, lahat napupuntahan ko buong Pilipinas hindi ako hirap kasi marami akong pera, may budget kami. Pero ngayon, gumagastos ako ng galing sa sariling kong pera.
“…Sa katotohanan, ngayon lang nangyari ito na ang mga taumbayan ang gumagastos at talagang gusto nila ng pagbabago. Maraming mga tumutulong ngayon at nagvo-volunteer dahil alam nilang malinis ang intensyon nila Sen. Kiko at VP Leni para sa ating bansa.
"Kami ay pamilya ng mga farmer. Anak ako ng farmer, pati ang tatay ng asawa ko ay farmer. Namatay ang mga magulang ko during the pandemic dahil sa old age. Noong hindi na nila kaya magtanim, ako na ang nagpatuloy magtanim sa mga hinihiram na sakahan ng palay at gulay.
“..Ang asawa ko naman ay mayroong maliit na tindahan. Mahirap ang buhay dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin. Naiintindihan namin ang mga konsumer - kapag minahalan mo yung presyo, mahihirapan sila lalo na sa mga pang araw-araw na bilihin kaya konti lang ang patong.
“..Mayroon kaming tatlong anak. Yung isa maga-graduate ng Grade 10 kaya kailangang magtanim ng gulay ulit. Yung panganay namin ay first year college sa isang state university sa Iba, Zambales.
Kakabit ng kapalaran ng bawat mangingisdang pumapalaot sa karagatan mula sa General Santos City para humuli ng mga tuna ang panganib na hindi na makabalik.
Dahil sa kagustuhang makapanghuli ng tuna, marami sa mga mangingisda mula Gensan at mga karatig bayan ay napapadpad na sa karagatang sakop ng Indonesia. Ilan ang nakakaranas na mahuli ng mga otoridad ng Indonesia.