"Dati akong staff ni Bongbong Marcos noong 1995. Pero bago iyan, naging staff rin ako ni Miriam noong 1992. Syempre lahat ay napupuntahan ko ang buong Pilipinas dahil ako nga ay political officer…
"…Ngayon ay nakikita ko parang magkaibang magkaiba no’ng 1995 tsaka ngayon. Noon kasi, talagang hindi ako hirap, lahat napupuntahan ko buong Pilipinas hindi ako hirap kasi marami akong pera, may budget kami. Pero ngayon, gumagastos ako ng galing sa sariling kong pera.
“…Sa katotohanan, ngayon lang nangyari ito na ang mga taumbayan ang gumagastos at talagang gusto nila ng pagbabago. Maraming mga tumutulong ngayon at nagvo-volunteer dahil alam nilang malinis ang intensyon nila Sen. Kiko at VP Leni para sa ating bansa.
“…Nakiisa rin ako noon sa EDSA People Power noong 1986 dahil nakita ko kung gaano naging ganid sa kapangyarihan at pera si Marcos. Hindi totoo na golden years ang panahon ng pamamahala ni Marcos. Maraming naghirap noon.
“…Bagamat malaki ang pagbabago na nakita noon dahil sa mga imprastrukturang ipinatayo ni Marcos, nabaon naman ang bansa dahil sa kauutang ni Marcos. Kaya ngayon, nakakatuwa na marami na ang naglakas loob ngayon na manindigan at lumaban para sa karapatan ng marami.
“…Kaya sa aking mga kababayan, mga kapwa ko Pilipino, dapat mag isip-isip na kayo kung ano ang pagkakaiba ni Senator Kiko sa ibang mga kumakandidatong VP.
“…Isa isahin niyo sila at makikita niyo na si Sen Kiko ang karapat dapat na maging VP dahil sa tagal ng paglilingkod niya, marami na siyang nagawa para sa ating bansa. Marami na siyang naipasang batas na nakatulong sa mga manggagawa, lalo na sa mga magsasaka at mangingisda.
“…Mula noon, patuloy na lumalaban si Sen. Kiko para sa karapatan ng mga mahihirap, nangangailangan, at mga manggagawa.
Kaya napakalaki ng tiwala ko kay Kiko dahil unang-una, isa siyang abogado katulad ni VP Leni. Doon pa lamang, nagkakakintindihan na sila.
“…Pangalawa, nakikita ko sa kanya na talagang mahihirap ang pinupuntahan niya at tinutulungan, lalo na ang may mga maliliit na agricultural na lupa rito. Nakikita kong malapit talaga sa puso ni Sen. Kiko ang mga manggagawa, lalo na ang mga magsasaka at mangingisda.
“…Si Senator Kiko ang klase ng lider na kailangan ng ating bayan — isang lider na malapit sa masa at pinakikinggan ang mga hinaing ng mga mahihirap kaya naman para sa akin at ng pamilya ko, karapat-dapat siyang maging bise president ni President Leni Robredo.
“…Kaya ako at ang aking pamilya, sinusuyod namin ang kabuoan ng Marinduque para maipakilala at maiendorso ang Team Leni-Kiko. Kaya ako at ang aking pamilya, sinusuyod namin ang kabuoan ng Marinduque para maipakilala at maiendorso ang Team Leni-Kiko.
“…Pinipili naming tumulong dahil naniniwala kami na kailangang manalo ni VP Leni at Sen. Kiko dahil sila ang makakapagbigay ng pagbabago na kinakailangan ng ating bansa.
“…Nakita namin na sila yung lider na kailangan natin. Mga lider na malapit sa masa at matapang na ipinaglalaban ang karapatan ng mga mahihirap at mga nangangailangan. Sila ang pagbabago na kailangan natin.
“…Kaya ngayon alam naman natin na pag halimbawang galing sa kandidato ang pera, babawiin nila yan eh. At least ngayon, walang pagbabawian si VP at Senator Kiko kasi galing mismo sa aming volunteers ang mga pondong ginagamit sa kampanya."
— Eva Magturo Gabilan, Political Officer ni Former Senator Bongbong Marcos noong 1995
Pinapasalamatan namin ang mga nakikilala namin sa aming pag-ikot para hindi lang mangampanya kundi makinig at makiisa sa kapwa Pilipino. Bawat tao, may pinagdaraanan.
Ito ang mga kwento na kailangan nating marinig at bigyang pansin.
Unang-una, si Kiko ang aking VP kasi ang presidente ko ay si Leni at siyempre kailangan magwork sila together. Kapag si Leni lang at naiwan si Senator Kiko, hindi nila maaayos ang bansa, o lahat ng plans nila.
Hindi matutupad nang mas maayos kung hindi silang dalawa yung nandoon. At tsaka sa lahat ng mga kalaban, si Senator Kiko yung walang bahid ng korapsyon, walang iskandalo against him, walang cases of graft and corruption.
Ang dami na niyang naitulong. Hindi pa siya tumatakbong Vice President, Senador pa lang siya, nakakatulong na siya sa agrikultura, sa mga mangingisda natin. So imagine na lang natin kung ano yung mga magagawa niya kung Vice President na siya.
"Kami ay pamilya ng mga farmer. Anak ako ng farmer, pati ang tatay ng asawa ko ay farmer. Namatay ang mga magulang ko during the pandemic dahil sa old age. Noong hindi na nila kaya magtanim, ako na ang nagpatuloy magtanim sa mga hinihiram na sakahan ng palay at gulay.
“..Ang asawa ko naman ay mayroong maliit na tindahan. Mahirap ang buhay dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin. Naiintindihan namin ang mga konsumer - kapag minahalan mo yung presyo, mahihirapan sila lalo na sa mga pang araw-araw na bilihin kaya konti lang ang patong.
“..Mayroon kaming tatlong anak. Yung isa maga-graduate ng Grade 10 kaya kailangang magtanim ng gulay ulit. Yung panganay namin ay first year college sa isang state university sa Iba, Zambales.
Kakabit ng kapalaran ng bawat mangingisdang pumapalaot sa karagatan mula sa General Santos City para humuli ng mga tuna ang panganib na hindi na makabalik.
Dahil sa kagustuhang makapanghuli ng tuna, marami sa mga mangingisda mula Gensan at mga karatig bayan ay napapadpad na sa karagatang sakop ng Indonesia. Ilan ang nakakaranas na mahuli ng mga otoridad ng Indonesia.