Dr. David kaugnay sa pangamba na posibleng magkaroon muli ng pagtaas ng kaso ng COVID-19: Mababa pa ang bilang ng kaso ngayon, mababa rin ang positivity rate pero over the past few days, medyo tumaas from 1.3 to 1.4%... Hindi pa naman ito alarming...
Dr. David: Sa South Africa, nagkaroon muli ng pagtaas ng kaso ng COVID-19... Concerning ito dahil gaya natin, nagkaroon din sila ng Omicron surge... Mayroon ding bagong sub-variant, BA.4 at BA.5... usually 'yung nangyayari sa atin parang nagmi-mirror sa nangyayari sa South Africa
@LTFRB Cassion: Umaasa tayo na mag-iiba ang isip ng mga provincial bus operator dahil napaliwanagan naman sila at nalinaw naman sa kanila na ang window hours scheme ay hindi ibig sabihin na gabi lang sila pwede mag-operate....
@LTFRB Cassion: Lahat ng oras na may kailangang i-transport na pasahero ay kailangan makapag-provide sila (mga provincial bus) ng serbisyo...
Dr. Limpin: Ang importante ngayon, mabigyan ng booster shot ang mga nangangailangan na talaga... 'Yung unang dalawang bakuna na natanggap nila ay noong isang taon o dalawang taon na ang nakalipas...
Dr. Limpin: Mas marami sa amin ang nakapagbakuna na ng booster shot... May ilan lamang sa healthcare sector sa mga healthcare facility na hindi pa nagpapaturok ng booster shot...
@COMELEC Commissioner Garcia: Pinabilis namin ang pagpoproseso ng mga pending na petisyon para sa exemption sa spending ban...
@COMELEC Commissioner Garcia: Nag-i-issue kami agad ng certified true copy ng resolution... Ang nangyari, tinanggap ng ahensya na magpapatupad ng fuel subsidy... mukhang nagkaproblema sila sa bangko dahil ang bangko ang nagre-require ng resolusyon na pirmado ng mga commissioner...
Asec. Reyes: Nandito tayo ngayon sa India para sa Bio-agriculture Conference. Dito tatalakayin ang mga alternative sa fertilizer na natural and biological... Napapanahon ito dahil nagmahal ang presyo ng fertilizer...
Asec. Reyes: May fertilizer subsidy para sa mga nagtatanim ng palay...