(1/11) “Bakit si Leni? Lutang yan! Puppet lang yan ng Liberal! Mahina yan!”
My two cents.
(2/11) Lutang?
By context, it means “slow to respond.” Hindi “slow” ang nakapagbuo ng isang Covid Response initiative at nakapagbigay ng PPE at testing kits para sa ating matatapang na frontliners, libu-libong relief assistance para sa mga kapwa nating nangangailangan sa ating
(3/11) urban poor communities at learning hubs para sa ating mga kabataan. Ang total na halaga ay nasa P505.3M. Ang tunay na lutang ay yung walang ginawa noong kinakailangan siya ng bayan. Kaya hindi, hindi po siya lutang, MAAKSYON si Leni Robredo.
(4/11) Puppet?
By context, it means “a person who is being controlled for another’s agenda.” Mahirap maging isang puppet kung ang pamamalakad mo ay tapat. Hindi aksidente ang makakuha ng pinakamataas na COA rating ng sunod-sunod na taon.
(5/11) Ayon sa COA, “an ‘unqualified opinion’ rating is considered the best opinion that a government agency can receive. COA gives such a rating when a government office has fairly presented its financial position and has its financial statements in order,
(6/11) in accordance with the Philippine Public Sector Accounting Standards.” Kaya hindi, hindi po siya puppet, MATAPAT si Leni Robredo.
(7/11) Mahina?
By context, it means “someone who is weak to lead.” Hindi mahina ang marunong makipagtulungan kasama ang 372 organizations upang makagawa ng mga programang nag-angat buhay sa 622,000 pamilyang nangangailangan.
(8/11) Hindi mahina ang taong may malinaw na direksyon para sa ating education, rural development, food security, women empowerment, healthcare at housing. Kaya hindi, hindi po siya mahina, MAAASAHAN si Leni Robredo.
(9/11) To us supporters, let’s continue to spread awareness with respect. To those skeptics, I encourage you to at least consider these points.
(10/11) One of my favorite quotes is by Gary Kadi, “You do not get in life what you deserve, but you get what you believe you deserve.” We Filipinos deserve the best for our country, believe it.Ang nararapat sa ating mga Pilipino ay isang lider na MAAKSYON, MATAPAT at MAAASAHAN.
(11/11) Ganyan si Leni Robredo. IpanaloNa10 to para sa bayan at para sa kinabukasan!