PGen. Carlos: Handa na ang iba't ibang regional office ng PNP para sa eleksyon...
PGen. Carlos: Pinaghahandaan na rin ang mga contigency after May 09...
PGen. Carlos: May dalawang bayan sa Lanao del Norte na inilagay sa ilalim ng COMELEC control...
PBGen. Carlos: Lahat ng narekumenda namin na election areas of concern na umabot sa 115 cities and municipalities, nilagyan na namin regional special operations task group. May additional police personnel kami sa mga lugar na possible areas of concern...
PGen. Carlos: 'Yung mga red area, ito 'yung mga lugar na during the past elections, may mga intense political rivalry na naganap, mga violent incident na naganap at may presence ng private armed groups...
PGen. Carlos: Lumiit ang bilang ng mga private armed group dahil sa binuo na National Task Force on the Dismantling of Private Armed Groups... Marami tayong na-disband... dalawa lang ang naiwang active, the rest, binabantayan natin...
PGen. Carlos: Maituturing na election related violence depende sa kung sino ang biktima, ano ang motibo, kung konektado ba ito sa eleksyon...
PGen. Carlos: Mas kaunti ang mga red area ngayong eleksyon...
PGen. Carlos: 'Yung mga pulis na may kamag-anak o pamilyar sila sa elected officials sa kanilang lugar, during the time of election, sa start of election period, inililipat na natin sila...
PGen. Carlos: Mahigpit pa rin nating ipinatutupad ang election gun ban... May mga nakakalat pa rin tayong mga border control at COMELEC control checkpoints...
PGen. Carlos: Titiyakin ng PNP na magiging maayos ang eleksyon...
PGen. Carlos: Ilalabas namin ang mga admin personnel bilang karagdagang pwersa sa eleksyon... Ni-recall na rin namin ang mahigit 16,000 na under training. Binigyan namin sila ng training para dagdag personnel on the ground...
PGen. Carlos: Ang aming deployment, gusto naming makaboto ang mga pulis kung saan sila botante, doon din sila magdu-duty...
PGen. Carlos: Handa na ang Pambansang Pulisya para sa #Eleksyon2022...
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
Dr. David kaugnay sa pangamba na posibleng magkaroon muli ng pagtaas ng kaso ng COVID-19: Mababa pa ang bilang ng kaso ngayon, mababa rin ang positivity rate pero over the past few days, medyo tumaas from 1.3 to 1.4%... Hindi pa naman ito alarming...
Dr. David: Sa South Africa, nagkaroon muli ng pagtaas ng kaso ng COVID-19... Concerning ito dahil gaya natin, nagkaroon din sila ng Omicron surge... Mayroon ding bagong sub-variant, BA.4 at BA.5... usually 'yung nangyayari sa atin parang nagmi-mirror sa nangyayari sa South Africa
@LTFRB Cassion: Umaasa tayo na mag-iiba ang isip ng mga provincial bus operator dahil napaliwanagan naman sila at nalinaw naman sa kanila na ang window hours scheme ay hindi ibig sabihin na gabi lang sila pwede mag-operate....
@LTFRB Cassion: Lahat ng oras na may kailangang i-transport na pasahero ay kailangan makapag-provide sila (mga provincial bus) ng serbisyo...
Dr. Limpin: Ang importante ngayon, mabigyan ng booster shot ang mga nangangailangan na talaga... 'Yung unang dalawang bakuna na natanggap nila ay noong isang taon o dalawang taon na ang nakalipas...
Dr. Limpin: Mas marami sa amin ang nakapagbakuna na ng booster shot... May ilan lamang sa healthcare sector sa mga healthcare facility na hindi pa nagpapaturok ng booster shot...
@COMELEC Commissioner Garcia: Pinabilis namin ang pagpoproseso ng mga pending na petisyon para sa exemption sa spending ban...
@COMELEC Commissioner Garcia: Nag-i-issue kami agad ng certified true copy ng resolution... Ang nangyari, tinanggap ng ahensya na magpapatupad ng fuel subsidy... mukhang nagkaproblema sila sa bangko dahil ang bangko ang nagre-require ng resolusyon na pirmado ng mga commissioner...
Asec. Reyes: Nandito tayo ngayon sa India para sa Bio-agriculture Conference. Dito tatalakayin ang mga alternative sa fertilizer na natural and biological... Napapanahon ito dahil nagmahal ang presyo ng fertilizer...
Asec. Reyes: May fertilizer subsidy para sa mga nagtatanim ng palay...
So kaugnay sa presyo ng mga gulay: Bumaba ang presyo ng ilang gulay gaya ng cabbage, from 25 ngayon nasa 20 to 22... Kapag titignan natin ang patatas, bumaba rin ang presyo... from 32 to 35 naging 28 to 33 'yung jumbo...
So: Ang medyo tumaas ang presyo ay ang tomato o kamatis, nasa 40 to 45...