Ngayong araw, nilulunsad namin ang #AngatBayanihan — ito ang ating VOLUNTEER PROGRAM sa Angat Buhay kung saan puwede kayong mag-ambag ng oras, talento, o kahit anong tulong para sa agarang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Dito, puwede kang magsagawa ng iba’t ibang klase ng paglapit at pagtulong sa kapwa, lalo na para doon sa mga nakilala natin sa ating mga pag-iikot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Ilang halimbawa ng pagbabayanihan sa pamamagitan ng Angat Buhay ang agarang pagkilos ng volunteer groups sa Abra at Ilocos provinces na tumugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng lindol. Bago pa man iyan, nagsagawa rin ng relief operations...
...ang ating magigiting na volunteers para sa apektado ng Banaue landslides. Nariyan din ang mga kabataan sa Maynila na magsasagawa ng kanilang medical mission sa komunidad. Nitong nakaraang Sabado, may individual volunteers na bumisita...
...sa ating Community Learning Hub para magbigay ng mga libro para sa ating learners. Napakaraming posibilidad! Napakaraming pagkakataon para magpamalas ng pakikipagkapwa at pagbabayanihan!
Welcome dito kahit sino! Yayain na ang inyong grupo, barkada, kapamilya, at ka-opisina.
Para sa mga interesado, magkakaroon tayo ng weekly onboarding sessions. Sa ating unang linggo, maaari po lamang na mag-register sa mga link na ito: