Daming realizations ng madlang ppl sa tweet at responses ni Vico re: sistemang inuuugatan ng problems

Pero ano ba itong SISTEMA na kinaiinisan ng chikiting at madlang Pilipino pero kinababaliwan ng mga naghaharing-uri?

Paano lulutasin ang SISTEMA?

An informative THREAD 🧵✨1/n
2/n Bakit nga ba mas mabigat ang sistema vs individual behavior?

Maraming sagot at nasagot na rin sa replies kay Vico. Pero magandang pag-isipan:

Kung 'di sistema ang prob, bakit, sa kabila ng supposed kalayaan, colonial minded pa rin Pinoy?

Kasi may sistemang nagpapanatili.
3/n Ngayon, kailangang pangalanan ang sistema. Para hindi lang siya basta buzzword na itinatapon mula sa ere.

Ano nga ba ang sistemang kadilimang bumabalot sa Pilipinas?

Malakolonyal-Malapiyudal (MKMP)

Explain natin bawat isa.
4.1/n 'Pag sinabing Malakolonyal na sistema, sa madaling-sabi, indirect na pananakop ng mga dayuhan sa PH.

Malaya ang PH in paper, pero maraming polisiya at politiko ang luhod sa dayuhan.

Para sa mga estudyante, ang K-12 ay policy imposition ng World Bank (na headed ng US)
4.2/n Ano ang kinalaman ng malakolonyal na sistema sa transpo? Haha marami magbigay tayo ng isang halimbawa.

Sa aspekto ng urban planning at bulok na transpo, sa katunayan, ang car-centric infra ay mga pautang ng World Bank at iba pang lending agencies (na headed ng US at Tsina)
4.3 Ang utang, 'di lang basta babayaran ng isang bansa sa nangutang sa kaniya.

May dagdag kapalit: Babaguhin mo ang sistema ng ekonomiya mo para umayon sa kagustuhan ng nangutang sa 'yo.

Ang tawag diyan, structural adjustment. Babaguhin mo ang sistema mo sa dikta ng dayuhan
4.4 Sa kaso ng pautang sa PH, maraming proyekto ang ibinuhos ng World Bank, IMF noong martial law

Ang kapalit, mga polisiya na saan gaganansiya ang mga Amerikano atbp banyagang kompanya. Hal.: Export Incentives Act, pagpapababa ng sahod, pagbabawal sa strike at unions thru ML.
4.5 Sa kaso ni Duterte, sa parehong US + Tsina.

Nandiyan ang exploitative Chinese proj sa anyo ng dams etc.

Sa US, sa kanila nanggaling ang CREATE Law atbp batas na nagbawas ng buwis ng super rich noong pandemya.

See, binabago ng dayuhan ang sistema sa PH para umayon sa kanila
4.6 Sa katunayan, sa aspekto ng traffic congestion, marami sa mga expressway ay "ayuda" ng Japan sa Pilipinas.

Ang kinalabasan: dumami ang demand sa cars dahil sa expressways, naging tambakan lang tayo ng surplus cars ng Japan, lumala ang trapik sa Pinas, kumita ang mga Hapones.
5. Ano naman ang malapiyudal na sistema?

Basically, umiiral ang piyudalismo sa Pilipinas (pinapahirapan ng landlords ang farmers, walang lupa ang magsasaka, etc.)

pero ang catch ay, nakatali ito sa dayuhang kapitalismo-imperyalismo.
5.1 Ano ang manifestation?

Agrikultural ang Pilipinas, pero marami ang hindi nagtatanim ng palay para sana pakainin ang populasyon.

Ang imposed sa farmers ay cash crops na mga halaman/pananim na kailangan ng ibang bansa.

^ kahit sa aspektong ito, halatang malakolonyal ang PH.
5.2 Halimbawa, kapag pumunta ka sa Negros, puro tubuhan. Sa Batangas, puro kape. Sa Ilocos, puro tabako.

Kumakain ka ba ng tubo, kape, tabako as a necessity?

Hindi, 'di ba?

Pero dahil demand ng dayuhan, sunud-sunuran tayo.
5.3 Ano ang bunga ng semipiyudalismo sa trapik?

Dahil hirap ang mga magsasaka, marami ang tumutungo sa lungsod o nangingibang-bansa.

Kaya hindi nakapagtataka na siksikan sa Maynila, Cebu, etc. Kasi miserable sa kanayunan.

(Halos wala nang native Manileño. Puro tayo dayo.)
6/n Ngayon, malinaw sa atin na napagtatagpi-tagpi na natin:

MKMP na lipunan
⬇️
Pinapahirapan ang mga magsaaka
⬇️
Tumutungo sa lungsod
⬇️
Nagsisiksikan tayo sa lungsod
⬇️
Nag-uunahan tayo dahil desperado tayong mag-survive sa lungsod
⬇️
Nagmumukhang "undisicplined" ang Pilipino
6.1 ⬆️ Actually very compressed explanation ito. Marami pang sanga-sangang factors na nag-a-ambag sa mga problema natin.

Pero sana naging malinaw, lahat ng problema MAGKAKAUGNAY, lahat ng problema MAY INUUGATANG SISTEMA.

Kaya tungo tayo sa kung paano sosolusyonan ang sistema.
7. Pero bago iyon, ano muna ang UGAT ng sistemang ito.

Sa national-democratic analysis, may tatlo:

IMPERYALISMO
PIYUDALISMO
BURUKRATA-KAPITALISMO

basically

Dominansiya ng dayuhan
Kahirapan sa kanayunan
Pagsasanegosyo ng gobyerno
8/n At dahil na-establish na nating MAGKAKAUGNAY at MAY UGAT ang sistemang MKMP,

malinaw na hindi kayang solusyonan ng isang tao o simpleng behavioral change ang sistema.

At dahil diyan,
kailangan nating maging RADIKAL. (familiar?)
8.1 Siyempre familiar ang term na RADIKAL.

Pero may wastong kahulugan ito, at ang wastong kahulugan niyan ay pag-ugat.

Dahil ito ay mula sa salitang Latin na RADIX na nangangahulugang UGAT.
8.2 Samakatuwid, ang RADIKAL ay naniniwalang 'di kayang surface-level solusyonan ang PH problems

Kaya dapat inuugat ang problema at tanggalin ang pinag-uugatan:

dominasiya ng dayuhan (i.e. imperyalismo),
kahirapan sa kanayunan (piyudalismo), at
pagsasanegosyo ng govt (burkap)
8.3 Paano radically sosolusyonan ang isang sistemikong problema?

Balikan natin ang kasaysayan.

Ang isa sa mga pinakamatingkad na pagkilos ng masa sa modernong panahon ay ang EDSA People Power noong 1986 na nagpabagsak sa diktadurang Marcos.

Pero isa nga ba itong rebolusyon?
8.4 Kung rebolusyon ang EDSA, bakit 'di nagawang baguhin ang lipunan?

Maraming bulok na polisiya si Marcos na ipinagpatuloy ni Cory (CARP, Herrera Law, HRVs) hanggang BBM.

Kasi ang EDSA ay isa lamang REVOLT/UPRISING—
isang pagpapalit ng gobyerno pero hindi ng underlying system.
8.5 Kaya nagkaroon ng Duterte, kaya nagkaroon ng BBM

Dahil hindi rebolusyon ang nangyari sa EDSA, at hanggang cosmetic reforms lang ang nagawa ni Cory.

Kaya lumala nang lumala ang sistema. Ang disinfo, histo distortion, fake news, etc at sintomas o tool lang ng sistemang MKMP.
8.6 Bagaman hindi dini-discredit ang EDSA, aminin nating uprising lang at 'di nagawang baguhin ang lipunan, bagaman nakapagpatalsik ng diktador (which is great!).

Isipin din natin na ang EDSA ay bahagi ng mahabang naratibo ng pagrerebolusyon ng masang Pilipino vs lipunang MKMP
9. Pero sa katunayan, may nagrerebolusyon na sa Pilipinas. Ito iyong ginagawang armed struggle ng CPP-NPA para pabagsakin ang dayuhang kontrol, pagsasamantala sa kanayunan, at gobyernong negosyo.

Yes, pag-usapan natin ito dahil hindi lang scholarly, pero reality ito sa PH.
9.1 Maraming nagrerebolusyon sa mga manggagawa at magsasaka dahil alam nilang radikal na dapat baguhin ang sistema. Tutal sila mismo ang nakararanas nito

'Di kailangang sabihin agad ang imperyalismo, piyudalismo, o bur-kap sa kanila

Pero alam nila ito sa mismong danas ng hirap.
9.2 Ang goal nila ay wakasan ang sistema sa thru armed rev at makapagtayo ng isang new gobyerno/lipunan na pamumunuan ng masa, 'di ng dayuhan at naghaharing-uri.

Sa kanila, kailangang magrebolusyon kasi 'di isusuko ng ruling class ang yaman ng Pinas na kinuha mula sa masa.
9.3 Tutal, kapag magsasaka kang humihingi ng lupa, hindi iyan ibibigay sa iyo ng landlord.

Baka baril pa ang tumapat sa iyo.

Sa dinami-dami ba namang masaker sa Pilipinas mula noon hanggang ngayon, tanong nila, sino'ng hindi mapaparebolusyon?
9.4 Pero ako, bilang bahagi ng isang ND mass organization, nakikilahok ba ako sa armed rev? Siyempre hindi. O para malinaw lang sa NTF-EL💩 ha? haha

Hiwalay ito, bagaman may similar analysis.

Pero paano nag-aambag sa paglutas ng MKMP na lipunan?
9.5 Nandiyan ang mga gawain sa national-democratic mass orgs thru parliamentary of the street, communities, etc.

Pero isang mahalagang effort ay sa PEACE TALKS na inuugat kung bakit may armed rev sa Pilipinas. At naglalatag ng systemic reforms para lutasin ang UGAT ng armed rev.
9.6 Pero ang PH govt ay ayaw sa peace talks

Bec ang govt ay ruling class at sunud-sunuran sa dayuhan (malakolonyal), ayaw nila ng reforms

Kaya, kaysa makipag-usap w/CPP-NPA, tine-terrorist-nila sila, bagay na tinunggali ng Manila RTC

#PeaceTalksItuloy
10. Anuman, pagpapasya iyan ng sarili mo, ng konsiyensiya at sariling pag-iisip.

Sabi mismo ng Preamble ng UN Declaration of Human Rights:

...if man is not to be compelled to have recourse, as a last resort, to rebellion against tyranny and oppression, that HR should be
10.1 ...protected by the rule of law

i.e.: right to rebel.

Kaya kung gusto ng gobyerno na lutasin ang armed belligerency sa Pilipinas, dapat maging emphatic muna ang govt (at sinumang humuhusga sa armed grps) kung bakit sila nagrerebolusyon in the first place.
10.2 Kailangang makita ang realidad ng civil war sa PH.

At kapag SYTEMIC ang pagtingin natin sa armed struggle sa Pilipinas, makikita natin na hindi masosolusyonan ng militarism ang civil war.

Kahit berdugo pa ang AFP, dahil 'di lutas ang sistema, marami at marami ang mag-aalsa
11. Sa huli, mahalaga iyong ganitong discussions para mapalalim ang unawa sa lipunan. Na hindi lang tayo nakukulong sa surface judgement at mag-dig deeper pa sa mga isyu.

Dami kong ebas. Pero super simplified version ito. Marami explanations na magpapalalim. Willing to reach out
11.1 Kaya invitation to join national-democratic mass orgs gaya ng @pilipinasSCM bit.ly/JoinSCMP

kaming kabataang Kristiyano ay inaaral ang lipunan at sini-situate ang faith sa stuggle ng Fil masses

advocacy rin namin ang peace talks para ugatin ang MKMP na lipunan
12. Huli na siguro, pero some credits. Siyempre hindi ko keri lahat kasi based ito sa nearly 5 years din ng karanasan ko w/the masses sa ND mass orgs

kaya join kayo hehe! sobrang fulfulling mag-aral ng teorya at praktika kasama ang masa

#JoinNDMOs
12.1

-iyong illustration sa 1 ay artwork ko w/@pilipinasscm
-pinta sa 3 ay mula kay Antipas 'Biboy' Delotavo
-4.6 from Japan ODA: Development or Profit ng IBON

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Kej Andrés #JoinSCMP bit.ly/JoinSCMP

Kej Andrés #JoinSCMP bit.ly/JoinSCMP Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @TheKejOfGlory

Oct 15
Pinatutunayan mismo ng tweet ni Vico at ng kaniyang responses ang sinasabi ng mga tao sa kaniya:

Nasa sistema ang problema, kaysa indibidwal.

Can apply to him. Honest-to-goodness public servants can be changed by the system for worse. May hangganan ang magagawa ng 1 tao. Kaya,
systemic, revolutionary change ang kailangan.

Kung baluktot ang sistema, kaya baluktutin sinuman.

Madaling sabihing papasok sa govt para baguhin ito. Pero hindi isusuko ng mga naghaharing-uri ang kanilang yaman at kapangyarihan. Ang kompromiso maaaring mauwi sa capitulation.
Pero 'di dini-discount ang mga gusto pa ring pumasok sa gobyerno, o sa mga taong nagtatrabaho sa gobyerno dahil iyon ang nahanap nilang trabaho.

Maging mapagbantay lang at huwag maging mesias na kayang baguhin ang gobyerno, lalo na ang sistema.

May mga puwede pa ring makaisa.
Read 5 tweets
Oct 13
reverse colonization Image
Post blowing up pero on the woke side, may detrimental effects din iyong mga ganitong pagbili ng properties sa Europa. Lalo na sa old towns, nadi-displace iyong original inhabitants dahil nade-gentrify iyong old towns at ginagawang second homes ng mga Amerikano.
Halimbawa sa Venecia, maraming bahay ang bakante kasi ginagawa na lang silang bahay-bakasyunan ng mga Amerikano kaysa tirhan at pakinabangan ng mga mismong Veneciano. Dagdag resulta, nababawasan ang sense of community sa mga ganitong lugar.
Read 4 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Don't want to be a Premium member but still want to support us?

Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal

Or Donate anonymously using crypto!

Ethereum

0xfe58350B80634f60Fa6Dc149a72b4DFbc17D341E copy

Bitcoin

3ATGMxNzCUFzxpMCHL5sWSt4DVtS8UqXpi copy

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(