1. Skyworld Commercial Center 9/10
Dito ako mostly nakakabili ng mga premium quality goods like shoes and bags. Madami silang "selection" items (mga pre selected branded items). Medyo pricey pero maganda talaga mga quality ng mga items here.
Located along Session Rd.
2. Bayanihan Shopping Center 7/10
Another building na maraming ukay store sa loob tulad ng skyworld. Cheap items and mas madaming clothes and shoes dito mostly. Accessible since sa tabi lang ng Burnham park. Located at Shanum St.
3. Hilltop Market - Hilltop St. Baguio City 8/10
Dito pinakamura yung mga items as in may mabibili ka na 20 pesos ganon! Medyo nakakahingal siyang puntahan kase sa taas siya ng Baguio Public Market pero andami talagang items dun na mura kaya worth it puntahan.
4. Baguio Night Market 8/10
Biggest ukay market in Baguio located along Harrison st. 8/10 kase medyo mahirap magshop kase yellow street lights tapos sobrang crowded during weekends mahirap pumili at magfocus magshopping. Ang dami talagang mabibili dito lahat meron na pati FOOD!
Yun lang mga pinupuntahan ko. Share naman kayo ng ukay spots niyo sa Baguio para mapuntahan ko din next time HAHAHA PLS
Eto mga nabili kong coach kilikili bags jusq parang maiiyak ako kase 3k pataas bentahan neto sa Instagram 😭🤍✨