Ang tinutukoy na 17,000 housing units ng fake news peddler ay para naman sa pabahay para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda, ngunit hindi malinaw kung nagkakahalaga ang mga ito ng P5.5 bilyon.
Naputol ang panunungkulan ni Robredo bilang housing czar matapos siyang pigilang pasamahin sa mga pulong ng Duterte Cabinet, na nag-udyok sa kanya upang mag-resign bilang HUDCC chairperson.
Base sa End-of-Term report ni Robredo, 364 pamilya at 20 indibidwal ang nabigyan ng transitory shelters at housing units ng kanyang tanggapan mula 2017 hanggang 2022.
Apat na Angat Buhay villages naman ang naipatayo ni Robredo kasama ang partners ng kanyang tanggapan.