Nagmartsa ang iba’t ibang sektor mula Timog Katagalugan patungong Calamba Crossing nitong Mayo 1 upang gunitain ang ika-120 taon ng Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa bitbit ang mga panawagang itaas ang sahod at tutulan ang panggigipit sa mga manggagawa.
Kolektibong ipinanawagan ng mga dumalo sa nasabing mobilisasyon ang pagtaas ng sahod, karagdagang benepisyo, at ang pagpapatupad ng mga makamasang polisiya para sa mga manggagawa sa gitna ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa bansa.
Kaugnay nito, inihayag din ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng lipunan ang kanilang mga itinatambol na panawagan sa pagdiriwang ng araw ng mga manggagawa.
Binigyang diin ni Rodel Marte, kinatawan ng Unyon ng Panadero sa Gardenia Bakeries Phils. - OLALIA - KMU ang kinakaharap nilang unos bilang mga panadero. Patuloy ang kanilang pangangalampag na itaas at gawing nakabubuhay ang kanilang sahod bilang mga manggagawa.
Bukod sa panawagang itaas ang sahod ng mga manggagawa, sumentro rin ang apela ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na tutulan ang pagbabalak ng gobyernong ituloy ang jeepney phaseout sa bansa.
Mariin nilang iginiit na ang binabalak na jeepy modernization ng pamahalaan ay hindi maglilikha ng panibagong trabaho bagkus ay mag-aalis sa kanila ng pangkabuhayan.
Mariing kinokondena ng Sugarfolks Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR) ang biglaang pagsasara ng pinaka-malaking azucarera sa rehiyon na siyang pumilay sa pag-iilo, o isang proseso sa pagsasaka ng tubo, ng mga magsasaka sa Batangas.
Sa patuloy na pagdami ng lumalalang mga isyung panlipunan, sa kawalan ng maayos na trabaho at sapat na kita para sa mga manggagawa, kaisa rin ang sektor ng akademya sa panawagang gawing makatarungan ang pasahod sa mga manggagawa.
Sa pagdiriwang ng Mayo 1, binigyang liwanag nila ang kinakaharap na isyu ng akademya – sa kakulangan ng benepisyo, kawalang suporta sa mga kaguruan at sangkaestudyantehan – at kung paano nila patuloy na kinakalampag ang administrasyon para tugunan ang mga panawagan.
Bagaman natapos ang paggunita ng araw ng mga manggagawa, hindi natitigil ang patuloy na panawagan ng mga progresibong grupo kasama ang mga mangagagawa na panagutin ang pamahalaan sa patuloy na paglugmok ng uring manggagawang Pilipino sa kahirapan.
LOOK: Day 2 of “Paaralang Leticia Ladlad” commences its educational discussion and journalism skills training program attended by campus journalists from Southern Tagalog.
from the college-wide ADLAW CEM, CEAT Alliance for Student Empowerment (CEASE), Linking Everyone Towards Service-CDC (LETS-CDC), and Veterinary Medical Students’ Alliance (VMSA) political organizations. (3/4)
NEWS UPDATE: UPLB will continue with the Blended Learning Delivery Mode amidst the rising cases of COVID-19, UPLB University Student Council (USC) announces.
They encourage all students to log their health status daily on UPLB Online Health Monitoring System (OHMS) where they can base their policy recommendations.
NEWS UPDATE: Two members of Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK) are suspected to be abducted by military forces in Mansalay, Oriental Mindoro, human rights group Karapatan Southern Tagalog says. (1/5)
Mary Joyce Lizada and Arnulfo "Ompong" Aumentado are reportedly missing for three days and are last seen on April 24 in Sitio Buol, Brgy. Santa Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro. (2/5)
The two victims are investigating the human rights violations disclosed by Mangyans in the area such as violating the International Humanitarian Law, harassment, and bombing of native communities. (3/5)
LOOK: 'PETITION FOR FEDERALISM' CIRCULATING IN CALAMBA JEEPNEY STOP
In an interview, Rich Adriel de Guzman of National Union of Students of the Philippines Southern Tagalog (NUSP-ST) says that a "petition for federalism" was circulating in an SM Calamba jeepney terminal.
According to de Guzman, he initially assumed that the form was for contact tracing purposes, adding that there was no explanation as to what the form was for and was only passed from passenger to passenger.
However, de Guzman later found-out the truth from the jeepney driver: the form holder.
NEWS UPDATE: ANOTHER DUMAGAT IP, 2 FARMERS ARRESTED IN ST
Another Dumagat IP named Loreto Miranda Bolino was arrested today in General Nakar, Quezon, Karapatan Timog Katagalugan (TK) says.
According to witnesses, Bolino was taken by a helicopter, and his current whereabouts are still unclear.
Bolino is the second Dumagat to be arrested today, with Garry Doroteo being arrested earlier today in Tanay, Rizal.
Meanwhile, the alliance added that farmer Benito Lucido and his wife were also arrested in their home in Rodriguez, Rizal. They were then brought to Rodriguez Municipal Police Station (MPS). Details are still unclear as to what cases will be filed against the two.