My Authors
Read all threads
THREAD: PAANO KUNG PULIS ANG PASAWAY? Huwag mag-panic! Ilang paalala kapag may taong hinuli.

Kung ikaw ang hinuhuli -
1) Alamin kung bakit ka inaaresto. Itanong ang ispesipikong batas na nilabag; hindi pwedeng "ah, basta yung Bayanihan to Heal as One Act."
2) Kilalanin kung sino ang umaaresto sa iyo - pangalan, ranggo, unit o team, assignment (baka naka-patrol lang), superior officer.
3) Bantayang mabuti kung susundin ang arrest protocol. Maganda kung pamilyar ka sa tamang paraan ng pag-aresto (kung TV lang batayan mo...
...mali yung paraan ng pag-aresto kay Gen. Delfin Borja, yung lolo ni Cardo Dalisay; dapat sinabi sa kanya una kung bakit sya inaaresto/ano ang kaso, bago pa yung Miranda Rights). Pero kung hindi mo sigurado, punahin ang bawat gagawin ng pulis. Tandaan ang sequence of events.
buong panahon na hawak ka ng pulis.
4) Ipaalam sa kamag-anak o kapitbahay ang naganap. Kung walang panahon o pagkakataon mismong pagkahuli, ipagpilitan na gumamit ng telepono sa presinto. Hindi ka pwedeng ikulong na incommunicado (o walang kontak sa labas).
5) Siguraduhing lahat ng bagay na kinuha sa iyo ay maililista/maire-record, at pirmado ng taong kumuha. Gumawa ng resibo/duplicate copy ng imbentaryo ng kung anumang sasamsamin sa iyo, sa bahay mo, o sa lugar na pinaghulihan sa iyo.
6) Kung kakayanin, sumangguni sa abogado...
...o human rights worker bago madala sa inquest.
7) Sa inquest, makakaharap mo ang piskal/prosecutor. Kung bibigyan ng pagkakataon, isumbong sa kanya ang mga paglabag ng mga karapatan mo.
8) Kunin ang charge sheet laban sa inyo, sa pulis man o sa piskal. Karapatan mong...
...malaman ano ang kaso sa yo.
9) Isulat ang lahat ng obserbasyon sa pinakamadaling panahon.

Maari ka bang hindi sumama kapag hindi tama ang ginagawa ng pulis? Kung iniimbitahan ka lang na pumunta sa presinto para magpaliwanag, maari kang tumanggi. Kung hindi ka pakawalan...
...o wala kang choice e inaaresto ka na. Kung inaaresto ka, pwede ka bang tumanggi? Mayroong "presumption of regularity of duty" ang ginagawa ng mga alagad ng batas kaya obligado kang sumama kung hinuhuli ka. Dagdag na kaso ang "resisting arrest" o "disobedience to authority".
(Ang remedyo sa kalabisan o pang-aabuso ay counter-charges laban sa pulis.)

Kung may nakita kang hinuhuli -
1) Obserbahan kung susundin ang arrest protocol.
2) Idocument ang pangyayari. Kung maari ay mag-video para mahagip ang buong eksena.
3) Ipaabot sa mga kamag-anak...
...ng hinuli, o kaya sa barangay, ang naganap.
4) Mag-volunteer na witness, o ng impormasyon o dokumentasyon na nakuha, sa akusado, pamilya, o abogado nya.

Maari bang magtanong o kausapin ang pulis? Opo, hindi ko lang masisigurado kung sasagutin ka nila.
Maari bang pigilan ang pulis na kunin ang isang taong wala namang kasalanan? Pwede, pero baka kasuhan ka ng obstruction of justice.

Dagdag na sipi mula sa paalala ng NUPL: facebook.com/nuplphilippine…

Free #Iloilo42 #Marikina10 #Montalban2 #QuezonCity18 #Valenzuela4 #StaRosa16
Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh.

Enjoying this thread?

Keep Current with Kristina Conti

Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

Twitter may remove this content at anytime, convert it as a PDF, save and print for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video

1) Follow Thread Reader App on Twitter so you can easily mention us!

2) Go to a Twitter thread (series of Tweets by the same owner) and mention us with a keyword "unroll" @threadreaderapp unroll

You can practice here first or read more on our help page!

Follow Us on Twitter!

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3.00/month or $30.00/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!