My Authors
Read all threads
[THREAD — ACCOUNTABILITY 101]
1. What is your district?
2. Who is your Representative?
3. What are the bills that your Rep authored / co-authored?
4. What are his/her committee memberships?

Ang pagsagot sa mga katanungang ito ang unang bahagi ng pagkakaroon ng kapangyarihan...
...para mabantayan at mahingan ng pananagutan ang iyong kinatawan sa Kongreso. Marami akong kakilala na hindi man lang alam kung saang distrito sila botante. Madalas din kasi na mas nakatuon ang pansin natin sa labanan sa mas matataas na posisyon (Senador hanggang Pangulo).
Pero kailangan, lalo na ngayon, mas seryosohin natin ang pagbantay sa House of Representatives. Kapag hindi sila pinapansin ng publiko, mas kakapal ang mukha ng ilan sa kanila na gumawa ng katiwalian at mga panukalang batas na may masamang epekto sa mga mamamayan.
Paano malaman kung saang distrito ka nabibilang at kung sino ang Kongresista mo? Google "legislative districts of [YOUR PROVINCE OR CITY]." Click on the Wiki entry in the search results. Ctrl+F your barangay or municipality.
Makikita mo ang listahan ng lahat ng naging Kinatawan ng distrito mo sa Kongreso. Makikita mo rin kung pababalik-balik lang ang mga parehong apelyido (in short, dynasties).
Next, go to the House website: congress.gov.ph. I-bookmark niyo na rin! Click on HOUSE MEMBERS sa bandang taas. Nandun ang link para makita ang list of Congresspersons. Find your Representative and click on his or her name.
You will see the following information: Your Representative's contact information in the House of Representatives in Quezon City, House Bills and Resolutions he or she authored AND co-authored (explain ko ang difference mamaya), and his or her committee memberships.
Mahalaga ang contact info niya sa Batasan, QC. Kapag gusto ninyong itanong ang posisyon niya sa issues at iba pa, pwede kang tumawag. Hindi lang natin sigurado kung sasagot sila nang maayos. Pero the act of calling your legislator is a big deal already.
Mararamdaman ng staff niya (at ikukuwento nila sa boss nila) na may mga constituents silang nagbabantay. Ginawa namin ito dati sa ilang legislative battles.
Tumatawag yung mga student leaders from my college party sa mga office ng mga mambabatas para itanong lang kung dadalo sila sa committee hearing for FOI o kaya sa session for RH. Naloloka ang mga staff kasi may citizens na nakabantay sa attendance ng mga bosing nila. Gumana naman
Next, 'yung legislative measures. Ano muna ang difference ng bill sa resolution. Bills become laws, which may contain provisions on penalties and funding (appropriations). Resolutions, when adopted or approved by the House, do not have the force of law. Hindi siya batas.
Kaya 'yung mga reso, minsan, congratulatory lang o kaya pag-express ng sentimiento. Halimbawa, a reso congratulating Catriona Gray for winning the Miss Universe competition. O kaya a resolution condemning this and that incident.
Anyway, sa section na House Measures Authored, nandiyan ang bills and resolutions na direktang nakapangalan sa kinatawan mo. Ibig sabihin, siya ang nag-file. Pero you have to check pa rin doon sa History link.
Makikita mo doon kung siya ba talaga ang main author o kung nakipirma lang siya sa bill ng ibang Congressman. Doon naman sa co-authored bills, makikita mo ang measures na sinuportahan ng kinatawan mo. Meaning may ibang Kongresista na nag-file, naki-join lang si Congressman mo.
Knowing the measures filed or supported by your Representative would show, in a way, his or her positions on issues. Malalaman mo kung ano ang mga adbokasiya at priorities niya. Kahit pa co-authored measures, makakapagpakita ng mga ito.
And then knowing his or her memberships in House Committees would make it easier for you to know kung bahagi ba siya o hindi ng paggalaw ng isang mahalagang panukalang batas mula sa committee level.
Tandaan, hindi sa plenaryo (kung nasaan ang lahat ng Congresspersons para mag-session o magpulong) ang LAHAT ng laban. May laban pa bago sa puntong iyon. Nasa mga committee ito.
For instance, if your Representative is a member of the Committee on Justice, pwede mo siya bantayan at singilan pag dating sa boto niya sa mga bogus impeachment complaint o kaya sa mga imbestigasyon laban sa mga politically persecuted opposition members.
Kung member naman siya ng Committee on Women and Gender Equality, pwede mo siyang itanong kung ano ang ginagawa niya para isulong ang SOGIE Equality Bill.
Pag member naman siya sa Committee on Rules, isang powerful committee, pwede mo siyang kulitin para mas ma-prioritize ang certain bills pag dating sa schedule at agenda sa plenary sessions.
Napakahalagang masagot ang mga tanong sa itaas para masimulan mo ang ACTIVE CITIZENSHIP pag dating sa lehislatura. The people should always be part of the process of lawmaking.
Ang mga batas ay ginagawa hindi lamang ng mga Senador. Nariyan din ang Kamara kung nasaan ang direktang Kinatawan mo at ng iyong distrito.
Sana mas dumami tayong nagbabantay sa mga Representante natin. At sana handa tayong humingi ng pananagutan kapag gumawa sila ng mali at magpakita ng suporta pag kumilos sila nang tama.

Love + Laban,
Mamshie
Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh.

Keep Current with Jeff Crisostomo

Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

Twitter may remove this content at anytime, convert it as a PDF, save and print for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video

1) Follow Thread Reader App on Twitter so you can easily mention us!

2) Go to a Twitter thread (series of Tweets by the same owner) and mention us with a keyword "unroll" @threadreaderapp unroll

You can practice here first or read more on our help page!

Follow Us on Twitter!

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3.00/month or $30.00/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!