My Authors
Read all threads
I was 15. My highschool teacher and 13 of my male classmates sexually abused me in a bodega. Hinubaran, pinagpapalo ng empty pet bottle, dinura-duraan, at pinasukan ng lego sa pwet. Ni-record sa cellphone, at kinalat via bluetooth sa school. #HijaAko
Tinakot na wag mag sumbong. I wasn’t even “out” then. Kept quiet for years until I received death threats from the teacher. Finally found courage to tell my parents, we filed a case from police to court only to be told that it wasn’t rape and “you enjoyed it for sure”
The criminals presented their witnesses. Lahat HS batchmates ko. Lahat sila sinabing nagsisinungaling ako. I was gaslighted. It was emotionally draining for me, my family, and my friends. Kailangan ko ulit-ulitin kung paano nila ako binaboy.
Inurong ko ang kaso, para matahimik na kaming lahat. Mga nanay nila ang lumuhod sa akin para humingi ng tawad. Naintindihan ko ang mga nanay nila. Humingi nalang ako ng letter of apology sa teacher ko, na hindi ko nakuha hanggang ngayon.
I joined UP Babaylan for a support group. A safe space for people like me. Utang ko sa kanila ang lakas ng loob para magsalita at lumaban. Ang edukasyon tungkol sa isyung hinarap ko at hinaharap ng komunidad na kinabibilangan ko.
Years later akala ko okay na ako. Hanggang sa palagi akong nananaginip na nasa highschool ko ako. 22 ako nung makita ko ang teacher ko sa mall. Nanginig ako, nanigas. Gusto ko sumigaw. Magwala, at sabihin sa mga tao na tulungan ako dahil rapist siya.
Dito ako nagsimulang mag therapy. Nag therapy ako for the trauma na hindi ako aware na meron pa pala. Kaya pala ako takot sa anal sex, not for the pain of doing it, but for the trauma of inserting anyting in my ass.
A year after, napalaya ko ang sarili ko sa trauma. I reclaimed my body. I reclaimed my sexuality. Pero alam ko na hanggang ngayon, hindi ko pa din napapalaya ang sarili ko sa isang karanasan na sana hindi ko naranasan.
Kaya never ako naging kumportable mag kuwento tungkol sa highschool ko. It was terrible. And now, I find myself making films and screenplays about happy coming of age stories, highschool love, colorful teenage years, kasi ganon din sana ako - kung hindi ako na-rape.
Ngayon ko lang ito kinuwento publicly, kasi nahihiya pa din ako sa pinagdaanan ko. I remember when some ppl told me I was complicit to a friend’s predatory behavior dahil hindi ako nagsalita agad sa twitter when I was asked. It was very triggering. Hindi nila alam ang kuwento ko.
I understand where they are coming from, but I hope they understand that not all people have the courage to speak. My silence is not complicity. It is a point of dealing with trauma after knowing that someone you know was exposed as a predator.
It’s never easy for victims like me. Especially when we are told that it’s our fault. Naka-tshirt ako , pantalon, tsinelas, kalbo ang buhok ko, pero ginahasa pa din ako. Sabihin mo sakin, Ben Tulfo, that I asked for it.
Nababasa ko po lahat ng messages niyo. Sobrang laking bagay sa true lang. 12 years ago, wala akong kakampi maliban sa sarili ko. 10 years ago piling kaibigan at pamilya ko lang ang pinaghugutan ko ng lakas ng loob.
Sa lakas ng suporta niyo sa kuwento ko, baka sakaling makarating sa kanila. Sa totoo lang natatakot pa din ako. Nasa akin pa din ang kopya ng mga death threats nila 10 years ago. Gusto ko lang ng healing, apology lang mula sa kanila ang gusto ko.
Iniisip ko na mga bata pa kami noon. 15-16 lang na sumusunod sa utos ng isang demonyong TLE teacher. Sana ngayon, alam nila na may ginawa sila sakin na dala-dala ko hanggang ngayon. Nagsasalita ako not just for me, pero para sa mga kaklase kong bakla na inabuso din nila.
Para sa kaklase kong isinako at pinaliguan ng chalk dust. Para sa kaklase kong hinubaran ng pants sa field trip at tinusok ng lapis sa pwet. Para sa kaklase kong sumalo ng di mabilang na suntok at kutos. Para sa kaklase kong sinubukang lunurin sa swimming pool.
Wala sa atin ang malakas ang loob noon, at alam kong hanggang ngayon ay natatakot din kayo gaya ko. Pero hindi pa huli ang lahat. Hihingin natin ang apology na hindi natin nakuha sa kanila.
At sa teacher namin, matanda ka na noon. Hindi ka bata para humingi ng pangunawa. Sana lang kami na ang huling naabuso mo. Kawawa naman ang mga estudyanteng bababuyin mo gaya ng ginawa mo sa akin, sa amin.
Buong hapon ko pinag-isipan kung handa na ba akong ikuwento ito. Naisip ko tuloy ngayon na kung noon ay may social media na handang tumulong sa mga api, nakuha ko siguro ang hustisya. Maraming salamat sa inyo. 💛
Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh.

Keep Current with rod singh

Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

Twitter may remove this content at anytime, convert it as a PDF, save and print for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video

1) Follow Thread Reader App on Twitter so you can easily mention us!

2) Go to a Twitter thread (series of Tweets by the same owner) and mention us with a keyword "unroll" @threadreaderapp unroll

You can practice here first or read more on our help page!

Follow Us on Twitter!

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3.00/month or $30.00/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!