, 17 tweets, 4 min read
My Authors
Read all threads
So, ang Executive Director namin sa PGC (@phgenome) ay nag-present ng mga pang-unang resulta tungkol sa mga pag-aaral na ginagawa namin sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdadala ng COVID-19. Ito yung link sa webinar:
Narito ang ilan sa mga resulta na may kasamang personal na pananaw at paglilinaw.

1. Sa ngayon, merong 13 genomes ng SARS-CoV-2 galing sa bansa (6 mula sa PGC, 7 sa RITM). Lahat ay nakolekta noong Marso at nakadeposito sa isang pampublikong database (GISAID) mula pa noong Abril.
Ano ba ang genome? Ang genome ay ang kabuuang koleksyon ng genetic material ng isang species. Sa karamihan ng mga organismo kasama na ang tao, kilala natin ito bilang DNA. Sa SARS-CoV-2 at iba pang coronavirus, ang genetic material ay RNA.
Genetic, ibig sabihin namamana o naipapasa sa susunod na henerasyon. Kung pareho ang pinagmulan, mas magiging magkamukha din ang genome. Ito ang dahilan kung bakit pwede nating aralin ang genome upang malaman ang posibleng pinanggalingan ng isang virus.
Malalaman din sa pag-aaral ng genome kung meron nang mga pagbabago (mutation) sa virus na dapat ikabahala.
2. Mula sa anim na genomes galing sa PGC, nakakita sa pangkalahatan ng 52 mutations. Karamihan dito ay unique o nakita lamang sa iisang sample. Pero 5 sa mga ito ay nakita sa lahat ng anim.
Ang limang mutations na nakita sa anim na samples ay mas malamang na kumalat sa populasyon. Ngunit base sa karagdagang pag-aaral na ginawa sa mga ito, hindi natin masasabing mas magiging malala o nakahahawa ang virus na nagtataglay ng nasabing mutations.
3. Isang mutation ang madalas ngayong nakikita sa SARS-CoV-2 sa buong mundo, tawagin natin itong G614. Hindi ito nakita sa mga samples na nakolekta sa bansa noong Marso, pero nakita ito sa mga samples nitong Hulyo. Ibig sabihin, nakapasok na sa bansa ang G614.
May ilang pag-aaral na nagsasabing may posibilidad na ang G614 ay nakapagpapabilis ng pagkahawa sa virus. Gayunman, wala pang direktang ebidensya na sumusuporta dito. Hindi rin nito napalalala ang mga sintomas ng COVID-19.
Para sa mas malalim na pag-unawa sa G614, maaring basahin ang mga ito:

doi.org/10.1016/j.cell…

nationalgeographic.com/science/2020/0…
4. Base sa pagkakatulad ng mga genomes, ang 13 samples na galing sa bansa ay malamang na nagmula sa Japan (Diamond Princess Cruise Ship) at China (Shanghai).
May mga lumabas na ulat na ang virus sa Pilipinas ay galing sa India. Dahil ito sa pagkakatulad ng ilang samples galing sa parehong bansa. Gayunman, ang pagkakatulad na ito ay malamang na nag-ugat sa Diamond Princess outbreak na nakaapekto sa mga crew galing Pilipinas at India.
5. Ang ilan sa mga samples ay nakuha sa mga pasyenteng walang direktang exposure sa taong kumpirmadong may COVID-19 at karamihan ay hindi rin lumabas ng bansa. Ibig sabihin, ang ilan sa kanila ay nahawa sa kani-kanilang mga komunidad (community transmission).
Makikita dito na may mga indibidwal na nakapagdala ng virus sa komunidad nang hindi nalalaman (undetected transmission). Ito ay maaring dulot ng mga paglabag o di kaya'y kakulangan sa quarantine protocols na ipinatupad noong Marso, lalo na para sa mga galing sa labas ng bansa.
Bagama't nakaraan na, maaring ang pagkalat ng virus sa ibang lugar mula sa mga pinauwing locally stranded individuals (LFIs), OFWs at seafarers ay nag-uugat sa parehong kadahilanan. Dapat na balikan at paghusayin pa ang mga patakarang inilatag para sa nagbabalik nating kababayan.
Sa kabuuan, ipinapakita ng mga obserbasyong ito kung paano magagamit ang mga resulta ng siyentipikong pag-aaral, lalo na ang genomics, upang makatulong sa pagbuo ng mga plano at polisiya para sa paglaban sa COVID-19 at iba pang paparating na krisis pangkalusugan.
Nawa'y magsilbi din itong panawagan para sa patuloy na pagsuporta sa mga siyentista at health care workers sa bansa. #PGCParaSaBayan #ScienceForThePeople
Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh.

Keep Current with Francis

Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

Twitter may remove this content at anytime, convert it as a PDF, save and print for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video

1) Follow Thread Reader App on Twitter so you can easily mention us!

2) Go to a Twitter thread (series of Tweets by the same owner) and mention us with a keyword "unroll" @threadreaderapp unroll

You can practice here first or read more on our help page!

Follow Us on Twitter!

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3.00/month or $30.00/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!