My Authors
Read all threads
Tagalog version nung thread na ANO ANG GAGAWIN KAPAG NAKATANGGAP NG NBI SUBPOENA [Salamat Mike sa pag-translate nito]

—-

KUNG IKAW AY NAKATANGGAP NG SUBPOENA GALING NBI PARA SA CYBERLIBEL, ANO ANG IBIG SABIHIN NITO AT ANO ANG DAPAT MONG GAWIN?
Ito ay nangangahulugan na ikaw ay “iniimbitahan” ng NBI para sa imbestigasyon ulkol sa isang bagay na naganap o nangyari.

Kung ikaw mismo (personally) ang nabigyan ng Subpoena, kunin ang pangalan ng NBI Agent at kunan ng larawan ang kanyang NBI ID hangga’t maaari.
Mas maganda kung gagawin ito na may kasamang pamilya o kaibigan. Maging magalang sa pagsagot sa NBI Agent. Paaalahanan din ang NBI Agent na hindi ka makakasagot sa kanyang mga tanong kung wala kang kasamang abogado.
IBIG BANG SABIHIN BA NITO AY INAARESTO KA NA, O MAAARI KA NANG ARESTUHIN?

HINDI, sapagkat ito ay isa lamang imbitasyon para Ikaw ay dumalo sa isang imbestigasyon (sa takdang araw at oras na nakakalahad sa Subpoena).
Kung magiging mapilit ang NBI Agent na arestuhin ka, humingi ng kopya ng “warrant of arrest.” Kung hindi niya kayang magbigay ng warrant of arrest at pinipilit ka pa ring arestuhin, huwag makipag-away o lumaban, sa halip ay tumawag kaagad sa isang abogado.
Tumawag rin sa iyong pamilya at kaibigan sapagkat ito ay isang illegal arrest.

NGAYONG HAWAK MO NA ANG SUBPOENA, ANO ANG SUSUNOD MONG GAGAWIN?

Una, tumawag ng abogado. Mas maigi kung kakilala mo ang abogado. Ikwento mo sa kanya ang mga nangyari.
Ikalawa, basahin ang Subpoena. Hanapin mo kung ano basehan ng Subpoena na ibinigay sa iyo (o kung anong post o paratang ang laban sayo). Kung hindi mo ito mahanap, o makita, o walang nakasaad na dahilan sa Subpoena, maaring sumulat sa NBI at tanungin ito kung ano ang dahilan o
o pinagbabasihan ng Subpoena.

Maaari mo ring ipadala ang iyong sulat via email gamit ang email address na nakasaad sa Subpoena. Mas makabubuti kung ikaw ay dudulog sa isang abogado kung paano ang tamang pagsulat. Laging tandaan na karapatan mong malaman kung ano ang alegasyon
laban sayo, at ito ay nakalaad sa Saligang Batas. Ipaglaban ang karapatan na ito.

KUNG HINDI SUMAGOT ANG NBI BAGO ANG “INVITATION DATE”, IKAW BA AY KAILANGANG PUMUNTA SA NBI PARA DUMALO SA KANILANG IMBITASYON (HEARING)?

HINDI, ayon sa Republic Act No. 157, ang NBI ay maaaring
maglabas lamang ng Subpoena pero wala itong “contempt powers” o magparusa ng mga taong hindi makakadalo sa kanilang imbitasyon.

KUNG GANON NAMAN PALA, ANO ANG LAYON NG IMBESTIGASYON?

Ito ay isa lamang paunang imbestigasyon, para malaman kung dapat bang ipadala (endorse) ang
kaso sa tamang ahensya ng
gobyerno (sa fiscal o prosecutor).

PANO KAPAG DADALO KA SA IMBESTIGASYON, ANO ANG DAPAT MONG TANDAAN?

Kung dadalo sa imbestigasyon, dapat ay may kasama kang abogado, o mas mabuti, kung ang iyong abogado lamang ang dadalo sa imbestigasyon.
SA PAGTATAPOS, LAGI NATING PAGKAKATANDAAN NA:

1.Ang pag-like, comment, o pag-share ng posts sa social media ay hindi saklaw ng cyberlibel, batay sa Disini case (February 2014).

2.“A public officer should not be too onion-skinned and should be tolerant of criticism.
The doctrine, nevertheless would only apply if the defamatory statement was uttered in connection with the public officer’s duty.” (De Leon case, January 2016)

3.Tayo ay nasa isang pandemya, ngunit hindi ibig sabihin nito na wala nang puwang ang ating karapatang magpahayag at
magsalita. Bagkus ay gamitin natin ito, at ito ay pinuprotektahan ng batas.

[TAPOS]
Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh.

Keep Current with #BatasHindiDahas #ResistTyranny

Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

Twitter may remove this content at anytime, convert it as a PDF, save and print for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video

1) Follow Thread Reader App on Twitter so you can easily mention us!

2) Go to a Twitter thread (series of Tweets by the same owner) and mention us with a keyword "unroll" @threadreaderapp unroll

You can practice here first or read more on our help page!

Follow Us on Twitter!

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3.00/month or $30.00/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!