Nag-file na po ako kaagad ng COC para tapos na, di naman kailangan ng drama at suspense 😅
Basta, panahon man ng pulitika o hindi, uunahin natin ang trabaho.
(1/5)
Simula 2019,ang laki na ng pagbabagong naipakilala natin sa Pasig. Sa pagbubukas pa lang ng procurement/bidding, nasa 1BILYON PISO KADA TAON ang binaba ng mga presyo ng mga binibili/pinapagawa ng LGU.
Ngunit nahirapan tayo at maraming proyekto na naantala dahil sa pandemya.(2/5)
9 months lang ako naging mayor sa normal na sitwasyon.
Kaya sa susunod na term, magtulungan tayo para bawiin ang oras na ninakaw sa atin ng covid-19.
Nandiyan na 'yung mga reporma. Iba na ngayon. Paiigtingin na lang natin at sisiguraduhin na damang dama ng bawat (3/5)
Pasigueño ang mas pinabubuting serbisyo ng pamahalaang lungsod.
Ang hiling ko lang sa inyo, bigyan niyo ako ng mga kasanggang MAPAGKAKATIWALAAN natin. Yung hindi puwesto o pera ang habol, kundi yung magiging katuwang ko (4/5)
para paigtingin pa ang mga reporma't serbisyo ng pamahalaan.
Sa Pasig, umaagos ang pag-asa. Patuloy tayong magsumikap para lalong palakasin ang pag-agos nito.