"Naging aktibo tayo lalo na sa problema ng mga manggagawa sa isyu ng kontraktwalisasyon. Nagorganisa tayo ng paglaban sa mga hindi makataong patakaran sa paggawa."
"Nag unyon tayo para sa mga kontraktwal. Nung una, hindi yan gawain dahil hindi pormal ang pag. Pero ginawa namin yan, inorganisa pa rin natin sila."
"Nagkaroon ng series of strikes para maipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa. Dahil dito, nagkaroon na ng marka ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino na notice of strike pa lang, negotiation na agad ang gusto ng kapitalista, ayaw na paabutin sa welga."
"Nakagraduate ako ng Ateneo Law, Lawyer ako, pero di ko yan kinoconsider bilang career. Ako'y isang labor leader."
"Yung manggagawa naman, hindi lang yan sa manggagawa lang, hindi yan manggagawa bilang sektor, bukod pa dito, ibig sabihin nito ay ginagamit mo ang lente ng manggagawa sa lahat ng isyu."
"Lente dapat lagi ng manggagawa. LGBT rights, West Philippine Sea etc..? Lente dapat ng manggagawa ang gamitinnpara surrin ang mga isyung ito, hindi ng ruling class."
"May dalawang uri ng elite. Ang elite na mas demokratiko at ang hindi. Pero parehas lang nasa ruling elite lang parehas, kaya ang diskurso ay korapsyon lang ang punto nila palagi, hindi pinaguusapan ang isyu ng mga uring manggagawa."
"Kung gusto natin ng demokrasya, hindi dapat isurrender ang independeng tindig ng manggagawa ang kanilang tindig at karapatan. Hindi maaaring buntot lang ang manggagawa sa mga elite kung gagawa tayo ng tunay na united front."
"Hindi na pwede ang false dichotomy na pipili lang tayo sa dalawang paksyon ng elite, yung authoritarian at democratic, ito ang nagdudulot ng demoralization at disillusionment sa mga tao."
"Sa sobrang desperasyon sa liberal na burgesya, pinanghahawakan nila ang pati ang mga kasinungalingan na pinapakalat nila Marcos at Duterte."
"Yang desperasyon na yan ay puwede ring maging dahilan na gisingin ang karamihan, ireject ang mga ilusyon, at ang totoong alternatibo ay ang manggagawa."
"Mananalo ba tayo? Panahon lang yan. Nasa kontrol natin kung pwede natin pabilisin ang proseso. Nasimulan na natin, napagusapan na ang isyu ng manggagawa. Hindi tayo titigil, dahil ang kasaysayan ay nasa ating panig."
"Gawin natin ang eleksyong ito na isang Class Struggle. Dahil ang kasaysayan ay nasa ating panig."
VP bet Walden Bello:
"Tama si Ka Luke, napataas natin ang diskurso dito sa eleksyong ito. Napapatanong na ang mga mamamayan na ano ba talaga ang sanhi ng di pagkakapantay-pantay natin."
"Di na sapat ang anti-corruption lang. Kay Leni ay yung sa moral values. Kay Lacson ay government daw ang solusyon. Kay Pacquiao, ganun din, kailangan solusyonan ang korapsyon. Kay Isko, ang labo, minsan pro duterte o anti duterte na di maintindihan."
"Yung iba ayaw na pagusapan yung democratic socialism. Human Rights na lang, Anti-Marcos Duterte na lang. Matagal nila gusto i-sideline yung issues ng working class, at huwag na tumindig nang independent working class."
"Tama na yung tailism, o buntot politics. Ito na yung panahon para gumawa ng independent left movement. Ngayong napapataas na natin yung diskurso, dapat ituloy pa natin to lalo."
"We will repeal the automatic debt appropriations act. Hindi na dapat yung good model debtor policy ni Pres. Cory na gustong ituloy ni VP Leni. Kailangan nating ireview ang mga utang na ito at tignan kung ano ba dapat ang bayaran, at kung ano ang hindi."
"Ililegalize natin ang divorce, ililegalize natin ang abortion, pati ang same sex marriage. Tama ba yon na All-Male Catholic heirarchy ang nagdedesisyon sa mga dapat desisyon ng mga kababaihan."
"Pagkatapos ng mga debate sa CNN, makikita natin na marami nang nagthithink outside the box. Kailangan natin ipataw ang Wealth Tax. Kapag tinaxan yung top 250 richest, enough na yan para pondohan ang mga social services."
"Itong mga programa namin ay nakabase sa science, nacalculate na yan ng mga dalubhasa sa team namin, kung saan manggagaling yung pondo para sa programs namin. Ito ay isang program para sa isang revolutionary socialist transformation."
"Para sa mga marginalized sectors ipaglalaban ng Leody-Walden-Luke admin yung Guaranteed Income for all, hindi conditional. Ipaglalaban din namin yung vertical housing program na dekalidad at libre para sa lahat."
"Less than 3% of the population owns more than 50% of our wealth dito sa Pilipinas.
Yung opening up ng ekonomiya, malaki ang resulta nito sa pagsira sa manufacturing, sa agriculture."
"Nasira nang husto ang ating agrikultura nung sumali tayo sa WTO. Halos lahat ng agriculture commodities natin nawipeout halos lahat yan. Neto lang yung sa Rice Tariffication Law, halos iwawipeout na yung bigas natin."
Presidential bet Ka Leody De Guzman:
"Mula kay Marcos hanggang kay Duterte, business first, kapitalista malalaking korporasyon muna ang pinoprotektahan ng estado."
"Yung mga malalaking negosyante yaman nang yaman. Tayong mahihirap, hirap tayo nang hirap. Yung regional wage board, kahit parehas lang ang presyo ng sardinas, noodles, at ng iba pang commodities, masmababa ang sahod ibang probinsya."
"Yung pagprivatize simula kay Marcos, Cory, at hanggang ngayon, ginagawang negosyo ang serbisyo sa mamamayan. Pabor yon sa mga kapitalista. Itong mga patakaran na ito ay pabor sa malalaking kapitalista."
"Pag ang issue at usapin, ang problema natin ang nasa usapan, tahimik silang lahat. Sino sa ibang tumitindig na itigil ang kontraktwalisasyon, sa 750 min wage, wala diba? Kasi baka backer pa nila mga bilyonaryo na magagalit dito."
"Kahit sinong maging presidente, kung sino maging vice president, kung tuloy ang kontraktwalisasyon, ang mga polisiyang nagpapahirap sa mamayan, walang mangyayare sa ating mga mamamayan."
"Hindi lang sapat na palitan ang mukha ng nasa Malacañang. Dapat gumawa tayo ng batas at patakarang para sa mamamayan."
"Ang plataporma namin ni Walden at ni Luke, hindi lang naman namin inimbento yan. Koleksyon yan ng 30 plus years ng paglaban ng mga kasamang magsasaka, manggagawa, mangingisda, kababaihan, lgbtq, at marami pa sektor. Ang platapormang ito ay Laban ng Masa."
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
"We need to create a movement against these lies going around. We need to expose these people, they are peddling lies about the darkest chapter of our history." @LukeEspirituPH
"Yung regime na yan hindi rumerespeto sa human rights. If we have that values, kawawa naman naman ang mga susunod na henerasyon." @LukeEspirituPH
Si Renecio "Luke" Espiritu ay tubong Bacolod City, Negros Occidental. Nagtapos siya ng kolehiyo sa kursong AB Communication at Juris Doctor sa Ateneo de Manila University. 1/9
Siya ay naging Associate at Senior Associate sa Chavez Miranda Aseoche Law, at noong 2008, ay naging National Executive Council Member ng Partido Lakas ng Masa. 2/9
Pinili niyang magsilbi sa kilusang manggagawa at kinalaunan ay ginampanan ang tungkulin bilang Labor Organizer ng socialist labor center na Bukluran ng Manggagawang Pilipino, at naging spokesperson at National President nito. 3/9
"Buwagin ang lahat ng mga manpower agencies. Sila ay nga linta, parasite, sila ang dahilan kung bakit nasasadlak ang mga manggagawa't mamamayan natin sa kahirapan."
"70% ay kontraktwal na nasa manpower agencies. Kaya wala talagang pagasa sa buhay ang mga nabibiktima nito. Sasabihin nila na hindi ka tunay na empleyado ng kumpanya, kaya matatali ka sa minimum wage, na sa masyadong mababa sa cost of living ng mamamayan natin ngayon."