Si Renecio "Luke" Espiritu ay tubong Bacolod City, Negros Occidental. Nagtapos siya ng kolehiyo sa kursong AB Communication at Juris Doctor sa Ateneo de Manila University. 1/9
Siya ay naging Associate at Senior Associate sa Chavez Miranda Aseoche Law, at noong 2008, ay naging National Executive Council Member ng Partido Lakas ng Masa. 2/9
Pinili niyang magsilbi sa kilusang manggagawa at kinalaunan ay ginampanan ang tungkulin bilang Labor Organizer ng socialist labor center na Bukluran ng Manggagawang Pilipino, at naging spokesperson at National President nito. 3/9
Siya rin ay nagsilbing National President ng Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms (SUPER) Federation. 4/9
Bilang batang abogado noong 2000s, tumulong siya sa pagsulat ng petisyon laban sa abuso ng gobyerno, gaya ng iconic na Chavez vs. Gonzales case kung saan hiniling na ibasura ang tangkang pag-censor ni Gloria Arroyo hinggil sa Hello Garci tapes. 5/9
Tumulong organisahin ang mga kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killings sa Escalante, Negros noong 2000s na nagpigil sa sunod-sunod na patayan sa lugar na iyon. 6/9
Naipanalo, bilang abogado ng Save Waters in Indang Movement ang kauna-unahang permanent Writ of Kalikasan ng Court of Appeals. 7/9
Bilang pangulo ng SUPER, naipanalo ang mga laban for full regularization ng mga kontraktwal sa APT Manufacturing, Fishta Seafood, at Herco Trading. Beterano ng sampung welga mula 2018-2019, nang nagsiputukan ang iba't ibang pagkilos ng mga kontraktwal. 8/9
Naipanalo ang kalakhan ng mga welgang ito. Naging bahagi rin sya ng iba't ibang kampanya para sa demokrasya, karapatang pantao at hustisyang pangklima. Hanggang ngayon, tuloy-tuloy ang kanyang pagtungo sa mga komunidad ng manggagawa. 9/9
"We need to create a movement against these lies going around. We need to expose these people, they are peddling lies about the darkest chapter of our history." @LukeEspirituPH
"Yung regime na yan hindi rumerespeto sa human rights. If we have that values, kawawa naman naman ang mga susunod na henerasyon." @LukeEspirituPH
"Buwagin ang lahat ng mga manpower agencies. Sila ay nga linta, parasite, sila ang dahilan kung bakit nasasadlak ang mga manggagawa't mamamayan natin sa kahirapan."
"70% ay kontraktwal na nasa manpower agencies. Kaya wala talagang pagasa sa buhay ang mga nabibiktima nito. Sasabihin nila na hindi ka tunay na empleyado ng kumpanya, kaya matatali ka sa minimum wage, na sa masyadong mababa sa cost of living ng mamamayan natin ngayon."
"Naging aktibo tayo lalo na sa problema ng mga manggagawa sa isyu ng kontraktwalisasyon. Nagorganisa tayo ng paglaban sa mga hindi makataong patakaran sa paggawa."
"Nag unyon tayo para sa mga kontraktwal. Nung una, hindi yan gawain dahil hindi pormal ang pag. Pero ginawa namin yan, inorganisa pa rin natin sila."