Tatanungin ako ng ibang tao, 'Bakit ka nagvovolunteer para ikampanya si VP Leni?' at 'Totoo nga, wala kayong bayad?'
Siguro nga mas madali ang manahimik na lang. Huwag makialam. Magpatawa na lang kasi komedyante naman daw ako at ang dapat ko lang ginagawa ay magpatawa ng tao.
Pero hindi naman masaya na nakikita mong may pagkakataon ka maging boses ng iba pero hindi mo ginagamit dahil hindi ka naman nahihirapan katulad nila. Hindi ako makakatulog ng mahimbing sa katotohanang kaya ko tumindig para sa mga naaabuso pero pinili ko magbulag bulagan.
Marami ako naririnig na first time nila maging ganito ka involve sa isang eleksyon. At nakakatuwa. Kasi hindi na ito tungkol sa atin. Mas malaki pa ito sa kahit anong likes, views o followers count na iniingatan niyo.
Nagvolunteer ako para sa lider na alam ang gagawin sa bansa natin. Huwag kang mag alala, ako rin nagdoubt sa diwa ng bolunterismo ng mga Kakampink. Actually, isa sa marami kong dahilan kaya ako nagvolunteer ay para malaman kung totoo nga. At totoo siya.
Jusko, kung may bayad talaga kami, hindi na ako raraket pa, puro rallies na lang. May ilang rallies nga na humihingi ng volunteer hosts pero 'di namin napupuntahan minsan dahil may trabaho kami. Ganu'n ba ang bayad?
Nakikita namin first hand papano mag ambagan ang mga volunteers para may maipakain sa mga kapwa volunteers, para may mga service ang mga gustong umattend sa mga sorties. Para may maayos na programa.
Marami kami nakausap at nameet na artista at celebrities na abonado pa bukod sa talento at oras nila. Lahat iyan ginagawa nila ng bukal sa loob.
May pera sa eleksyon, totoo. Kaya aya'n, ninanakawan tayo paulit ulit kapag nasa pwesto na sila.
Ngayon, may pagkakataon tayo para magkaroon ng pinunong lilinisin ang korapsyon. Humaharap sa atin ang kandidatong may malinis na track record at maayos na plataporma para iangat ang buhay nating lahat, lalo na ang mga nasa laylayan.
Tumatakbo ngayon sa pagka presidente ang isang ina na marami na ang nagawa at napatunayan sa mga nagdaang sakuna. Bagyo man iyan o mismo itong pandemya. Tumutulong kahit walang bayad. Nagpapakita. Nagpapatunay. Hindi nang iiwan.
Kung tutuusin, katulad namin, pwede namang huwag na lang siya tumakbo. Manahimik. May maganda na siyang buhay. Matatalinong anak. Maayos na propesyon. Pero para sa totoong pagmamahal sa bayan at kapwa natin Pilipino, lumalaban siya alang alang sa tapat na gobyerno.
Kaya kami nagvovolunteer. Dahil kami ang makinarya niya. Hindi mga malalaking korporasyon o mga pulitikong may issue ng pagdarambong. Taong bayan ang kasama niya sa laban na ito. Mga normal na tao na pagod na sa hindi normal na trato ng gobyerno.
Iyong matindi niyang pag aalaga sa kapwa natin Pilipino ang bumuhay sa diwa ng bolunterismo. It is really the people's campaign. Tumindig siya at isa isa na rin kami tumindig. Sa matagal na panahon ng pang aabuso at korapsyon, siya ang nagsisilbi ngayong liwanag sa dilim.
Pero sa halip na bigyan niyo siya ng pagkakataong ipadala sa inyo ang mensahe ng tunay na pag asa at pagkakaisa, mas pinipili niyo siyang bastusin, gawan ng kasinungalingan at talikuran.
Hindi tayo ang magkakalaban dito. Pinaglalaban namin kayo. Pinaglalaban namin ang magandang bukas natin. Para rin sa atin 'to. Siguro naman pwede tayo magkasundo sa ideya na gusto natin lahat ng malinis at tapat na pamumuno.
Para sa mga masisipag na walang oportunidad, para sa mga napapatay ng walang laban, para sa mga pera ng bayan na naibubulsa ng iilan at nasasayang. Para sa masa. Para sa bayan.
Samahan mo kami tumindig para sa tama.
Nakakapagod pero alam naming ang pangakong kulay na rosas na bukas ay totoo. Dahil napatunayan na iyan at may resibo pa. At hindi kami titigil sa pagtulong sa kampanyang ito. Umulan o umaraw, sumampa man sa mga stage sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas o magbahay bahay.
Matatapos itong eleksyon pero maaalala ng mga tao kung ano ang iyong ginawa. Ipinagbili mo ba ang iyong prinsipyo o nakipaglaban ka para sa tama?
Itaas natin ang diskurso. Pag isipan natin ng mabuti. Hindi katigasan ng ulo mo ang mag aangat ng ating mga buhay. Hindi ang iyong pride o ego ang isinasaalang alang sa eleksyon. Para ito sa susunod pa ulit na anim na taon. Sa susunod na henerasyon.
Kung anim na taon ito ng paghihirap o pagbabago, sa iyo nakataya ang desisyon na iyan.
Hindi nagsisinungaling ang mga rally, ang mga volunteers ni VP Leni, at ang pangakong sa gobyernong tapat, angat buhay lahat. Kahit kailan, hindi paninira ang pagsasabi ng katotohanan.
At kung hindi ka naniniwala, magbasa, mag aral. Buksan mo ang iyong isip para sa bagay na hindi mo pinaniniwalaan. Ang katotohanan ay para sa lahat, hindi para sa iniisip mo lang. Huwag ka magpaloko. Huwag ka magpasilaw sa pera.
Deserve natin ng higit pa sa mga pekeng pangako at limang daan.
Stay safe
Stay sane
But never silent
Salamat sa inspirasyon Ma'm VP @lenirobredo, ipapanalo na10 ito.
May kwento ako tungkol sa mga magnanakaw na itatago ko sa alyas na B1 at B2 (Budol 1 at Budol 2) at kung papano sila gumawa ng isang grupong tatawagin nating 'Ang Mga Burak'. Ang Mga Burak ay hinati nila sa 6 na subgroups pa na tatawagin naman nating 'Estero 1-6'
2ND:
Notorious si B1 at B2 sa pangloloko ng mga tao. At bulag Ang Mga Burak para mapansin ito until nagkaroon sila ng isang piging para ipagdiwang ang kanilang anibersaryo. Nagbayad ang mga miyembro para sa piging na ito only to find out na maraming pera ang naibulsa at nawala.
3RD:
1500 php ang ambag per member.
Breakdown:
1250 php - for venue and food
250 php - for props
Almost 130 attendees.
Friend T (Treasurer) collected 138K php before the event and gave 30K php to B1 for props budget.
14,500 php was collected by Friend T during the event