Ate Dick (Inah Evans) Profile picture
Do you think I care? How cute. #InHisMothersEyes in cinemas Nov 29!💀👽
Apr 6, 2022 22 tweets 5 min read
Tatanungin ako ng ibang tao, 'Bakit ka nagvovolunteer para ikampanya si VP Leni?' at 'Totoo nga, wala kayong bayad?'

Siguro nga mas madali ang manahimik na lang. Huwag makialam. Magpatawa na lang kasi komedyante naman daw ako at ang dapat ko lang ginagawa ay magpatawa ng tao. Pero hindi naman masaya na nakikita mong may pagkakataon ka maging boses ng iba pero hindi mo ginagamit dahil hindi ka naman nahihirapan katulad nila. Hindi ako makakatulog ng mahimbing sa katotohanang kaya ko tumindig para sa mga naaabuso pero pinili ko magbulag bulagan.
May 12, 2020 14 tweets 3 min read
A KEPLER THREAD

May kwento ako tungkol sa mga magnanakaw na itatago ko sa alyas na B1 at B2 (Budol 1 at Budol 2) at kung papano sila gumawa ng isang grupong tatawagin nating 'Ang Mga Burak'. Ang Mga Burak ay hinati nila sa 6 na subgroups pa na tatawagin naman nating 'Estero 1-6' 2ND:

Notorious si B1 at B2 sa pangloloko ng mga tao. At bulag Ang Mga Burak para mapansin ito until nagkaroon sila ng isang piging para ipagdiwang ang kanilang anibersaryo. Nagbayad ang mga miyembro para sa piging na ito only to find out na maraming pera ang naibulsa at nawala.