01
Kami na lang ng amain ko ang magkasama sa nirerentahan naming apartment sa Tandang Sora. Napangasawa sya ng nanay ko mga pitong taon na ang nakakaraan. Maayos naman syang kasama pero hindi lang talaga kami nabigyan ng pagkakataon na magkakilala.
02
May ari sya ng isang maliit na talyer sa Banawe sa Maynila at kahit pano, kumikita naman. Tahimik lang syang tao lalo pag asa bahay. Umaga pa lang ay umaalis na sya papunta sa talyer at gabi na kung umuwi. Madalang ang pagkakataon na nag uusap kami.
Mar 9, 2023 • 117 tweets • 21 min read
Ang Tatay ng Asawa Ko
(Based from the story ‘Father-in-Law Confidential’)
01
Ako si Nathan, 29 years old, bagong kasal sa asawang si Ella, 27. Isang taon na kaming kasal ng magdecide kami na sa Baguio na manirahan. Taga run ang pamilya ni Ella kaya naman tuwang tuwa ang mga
02
magulang nya ng balitaan namin sila sa paglipat namin.
Nangungupahan kaming mag asawa sa isang one-bedroom condo unit sa Taguig. Sa isang BPO company sa BGC ako nagtatrabaho at isang nurse namang ang aking asawa. Madali naman kaming nakakita ng lilipatang trabaho sa Baguio.