My Authors
Read all threads
Matapos ko mapanood ang dokumentaryong Aswang, gusto kong ibahagi ang personal na karanasan sa mga aswang noong pinaslang si Kian Lloyd Delos Santos. (thread)
Isa sa mga highlight ng drug war ni Duterte ang kaso ni Kian. Bagong pasa ako noon bilang abugado. Matapos ang pamamaslang kay Kian agad kaming nagpunta sa bahay nila sa Caloocan. Hindi makausap ng maayos ang pamilya delos santos,pero nangako ako ng taos-pusong tulong.
Napakaraming pulis na nagkalat sa lamay ni Kian at isang beses pinapunta kami sa crime scene. Sinamahan ko si Tatay Saldy, ama ni Kian. Kinausap ako ng taga NBI, pinipilit na ipalabas sa amin ang mga witnesses sa insidente dahil iinterviewhin at ise-safekeep diumano nila.
Naka armas sila at nagbubutil ang pawis namin pareho. Ayaw namin magsalita. Isang kasamahan namin ang nakahalata sa sitwasyon at nanguna bigla ng isang dasal para maiiwas ang atensyon sa pag iinteroga sa amin.Nagkaroon kami ni tatay saldy ng pagkakataon umalis sa sitwasyong iyon
Umuwi ako sa bahay pero hindi ako makatulog sa sobrang pag-aalala kaya sumagi sa isip ko na siguro, pansamantala, pwede akong matulog kina Kian o malapit sa kanila, para kapag kinailangan ang tulong ko makakaresponde ako agad.
Sa mga sumunod na araw maagang maaga ako pumupunta sa lamay. Isang beses pagbalik ko, habang may dalang almusal hindi na ako pinapapasok dahil ino-autopsy muli si Kian. May nag-offer sa kanila abugado.
Marami akong hindi alam sa mga nag transpire sa ilang araw na pamamalagi ko doon kaya pilit kong inintindi ang sitwasyon.Hanggang sa hindi na ako kinakausap ng mga magulang ni Kian at ayaw nilang magpakita.Hindi na rin sumasagot sa mga text messages ko.Pero alam ko kung bakit.
Hindi ako nagpumilit pero gusto kong ipaabot sa pamilya delos santos na pwede pa rin nila akong kontakin kahit anong mangyari. Umuwi ako na latang lata.
Kinabukasan, hindi pa rin ako natinag, inabot ko ang isang portrait ni Kian na ginawa ko at naglagay ako ng mensahe. Iyon na ang huling pagkikita namin
Sa mga sumunod na araw, nakita ko sa balita ang mga magulang ni Kian na nasa Malacanang, kasama si Duterte at naka fist bump. Masakit pero naiintindihan ko ng buong buo.
Ilang taon ang lumipas, nagpunta sina Raffy Lerma sa sa bahay ni Kian upang gunitain ang anibersaryo ng pagkamatay nito. Sinend sa akin ni Raffy ang ang mga litrato ng portrait na ibingay ko kasama ang sulat. Sinabi niya na hindi daw nakakalimot ang pamilya Delos Santos.
Pagkalanood ko sa Aswang kagabi, narefresh na naman sa akin ang mga ala-alang iyon na akala ko nalagpasan ko na. Hindi pala. Hinding-hindi kailanman malalagpasan ng mga biktima, ng mga kaanak ng drug war, ng mga saksi at dokumentarista ang mga pagpaslang hangga't walang hustisya
Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh.

Keep Current with Maria Sol Taule

Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

Twitter may remove this content at anytime, convert it as a PDF, save and print for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video

1) Follow Thread Reader App on Twitter so you can easily mention us!

2) Go to a Twitter thread (series of Tweets by the same owner) and mention us with a keyword "unroll" @threadreaderapp unroll

You can practice here first or read more on our help page!

Follow Us on Twitter!

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3.00/month or $30.00/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!