JTF COVID Shield Commander PLt. Gen. Eleazar: Dahil nga po roon sa guidelines na inilabas ay ipinaubaya po ng ating IATF sa LGU kung itutuloy pa rin nila ang pagre-require ng travel authority sa mga papasok sa kanila
PLt. Gen. Eleazar: If you are an APOR ay hindi na po kailangan ng travel authority at pwede ka nang pumunta sa destinasyon mo as long as work-related 'yun at ID lang ang kailangan
PLt. Gen. Eleazar: Kung ikaw po ay non-APOR at ikaw ay nasa GCQ, MGCQ, ang bagong policy natin ngayon ay dapat malaman mo ang status ng pupuntahan mo
PLt. Gen. Eleazar: Dalawang status po ang ating probinsya o mga lugar na pupuntahan. It's either restricted or unrestricted.
PLt. Gen. Eleazar: When we say restricted, kailangan pa rin ng travel authority kapag ikaw ay pupunta roon. Kapag unrestricted na, hindi na po kailangan ng travel authority
PLt. Gen. Eleazar: Kung hindi restricted, kumbaga hindi kailangan ng travel authority roon sa pupuntahan at sa dadaanan ay kailangang dire-diretso na.
PLt. Gen. Eleazar: Dito sa listahan natin ay mayroong unrestricted na probinsya, and yet mayroon silang bayan na restricted pa rin.
PLt. Gen. Eleazar: Nakipag-coordinate na rin po tayo sa DOST at ginagawa na po nila itong online application system. Mapapadali na po ang lahat at wala na pong masyadong intervention at hindi na kailangan pumunta sa police station
PLt. Gen. Eleazar: Kung ang destinasyon niyo ay hindi na kailangan ng travel authority pero mayroon kayong dadaanang lugar na mahigpit pa rin, iyon po ang kukuha ng TPP.
PLt. Gen. Eleazar: Ang ating non-APOR ay hindi pwedeng mag-travel kung tayo ay nasa ECQ o MECQ.
PLt. Gen. Eleazar: Walang requirement kapag in-apply mo sa police iyon. So kapag pupunta sa police station, ibibigay sa inyo 'yon at 'yon ang dadalhin niyo. Ito po ay para sa mga non-APOR including LSIs
PLt. Gen. Eleazar on motorcycle riding suspects: Bumaba po ng 57% ang krimen na ito for the past 7 months, compared sa last 220 days before quarantine.
PLt. Gen. Eleazar: Kung ikukumpara yung index crime for the past 223 days before this pandemic ay bumaba ng 46% ang krimen natin sa buong Pilipinas. 44% sa Luzon, 51% sa Visayas, at 44% sa Mindanao.
PLt. Gen. Eleazar: Tayo po ay nananawagan sa patuloy na collaboration, suporta, at kooperasyon ng ating mga kababayan sa ating programang ito.
PLt. Gen. Eleazar on localization of assignment: Mas magiging epektibo ang ating pulis. Una, hindi niya iisipin ang economic concerns kasi iyong mga gastos kung malayo ka ay ma-a-address na.
PLt. Gen. Eleazar: In the same manner na kung nasa sariling bayan ka, lalo na sa mga probinsya, ay talagang gusto mong ipagmamalaki ka ng iyong mga kamag-anak at hindi ka gagawa ng kalokohan.
PLt. Gen. Eleazar: A month before this period, nagkaroon na po ng koordinasyon ang ating mga local commanders sa mga LGU dahil nga po itong pagpunta sa Undas while it is true that starting Oct. 29 until Nov, 4 ay sarado po 'yan.
PLt. Gen. Eleazar: Pero days before that and days after that hanggang Nov. 15 ay pwede po silang pumunta roon.
PLt. Gen. Eleazar: Nakita naman po natin noong mga nakaraang araw even ngayon na ang atin pong pulis ay nag-deploy ng almost 12,000 sa buong Pilipinas sa mga sementeryo at kolumbaryo kasama na rin po ang mga force multipliers
PLt. Gen. Eleazar: Ito ay upang matutukan itong ating concern sa pagsunod ng ating mga kababayan sa mga health protocols
TRB Exec. Dir. Sales on RFID: Ang purpose ng programang ito is to mitigate transmission ng COVID-19. And then subsequently to ensure more efficient traffic flow sa mga toll plaza
TRB Exec. Dir. Sales: 'Yung tinatawag pong Radio Frequency ID (RFID) ay isang device na kapag nakakabit po sa inyong sasakyan ay mababasa po ng system code sa mga toll plaza po nila. Mayroon pong data diyan makikita po ang impormasyon ng account ninyo.
TRB Exec. Dir. Sales: Iyong Autosweep RFID ay magagamit sa jurisdiction ng San Miguel Group... TRB Exec. Dir. Sales: Iyon namang Easytrip (RFID) ay sistema na nai-setup ng MPTC Group.
TRB Exec. Dir. Sales: Iyong Nov. 2 ay ang pag-implement ng 100% cashless transaction, hindi na magbabayad ng cash sa plaza. Hindi iyon ang deadline ng pagkuha ng RFID.
TRB Exec. Dir. Sales: Tuloy-tuloy po iyon (pagbibigay ng RFID). Kung mayroong bagong sasakyan o may mga sa una lang na pagkakataong papasok sa expressway ay magkakaroon sila ng pagkakataon na makapasok diyan.
TRB Exec. Dir. Sales: 'Yung pag-i-issue ng RFID ay nag-umpisa 4 or 5 years ago. Ang naging problema lang po diyan karamihan sa mga motorista gustong magbayad ng cash
TRB Exec. Dir. Sales: For the past years, ang subscription po ng RFID ay 1/3 lang po ng motorista based on 2019 data
TRB Exec. Dir. Sales: Ang announcement po ng SMG ay i-extend po nila ang marami pong kabitan [ng RFID] until Nov. 30
TRB Exec. Dir. Sales: Pero hindi po nangangahulugan na after po ng deadline ay hindi na po sila mag-i-issue ng RFID. Mag-i-issue pa rin po tayo ng RFID. Tuloy-tuloy po iyon hangga't mayroong nangangailangan tuloy-tuloy po iyon.
TRB Exec. Dir. Sales: Ang magiging resulta lang po niyan kapag walang RFID ang sasakyan hindi po kayo makakapasok sa expressway and magiging violation na po sa traffic regulation kung kayo ay nagpumilit pumasok ng walang RFID
TRB Exec. Dir. Sales: Sa requirement, wala naman pong requirement. Mayroon lang pong requirement kung ikokonekta po ninyo sa credit card ninyo.
Dr. Enrique Tayag: Ayon sa ulat ng epidemiology bureau mula Enero hanggang Agosto at hindi pa sila nagbibigay ng bagong tala, bumaba ng 66% ang kabuuang bilang ng leptospirosis sa ating bansa.
Dr. Enrique Tayag: Subalit sa mahigit 500 kasing nai-report nila sa taong ito ay hindi pa kasama roon ang mga tala sa mga buwan kung saan mayroon na tayong pag-ulan. So inaasahan pa natin ang pagtaas niyan.
Dr. Enrique Tayag: Mahigit 50 na ang namatay. At ang rehiyong may pinaka maraming kasong naitala ay ang Region 2 (Cagayan Valley), kasama rin ang Mindanao, ang Davao Region. Pumapangatlo ang Western Visayas
Dr. Enrique Tayag: Sa datos rin po ay karamihan ay kalalakihan sapagkat sila talaga iyong lumulusong sa baha, at may 15% na nasa edad 15 hanggang 19.
Dr. Enrique Tayag: Maliban sa tubig baha, kapag humupa ang baha at nakatapak kayo ng putik ay maaari pa rin kayong mahawa. Iyon namang maliligo riyan o magsi-swimming ay pwede niyong malunok o pwedeng pumasok sa mata natin ang bacteria.
Dr. Enrique Tayag: Umaasa pa rin ang Kagawaran ng Kalusugan na tuloy-tuloy ang pag-uusap ng PhilHealth at PRC para hindi matigil ang pagte-test ng PRC laboratories.
PRRD signs bill creating a task force focused on corruption and systematic bureaucracy in government agencies
DA-PHILMECH donates P31M worth of machineries to farmers in Oriental Mindoro
COVID-19 protocols strictly observed by residents visiting cemeteries at Zamboanga City
As of Oct. 26, there are 371,630 confirmed COVID-19 cases, 328,258 recoveries, and 7,039 fatalities nationwide.
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 PHP10,000- PHP 20,000: Taas-presyo ng mga COVID-19 tests
📸Office of Senator Richard Gordon
(1/5)
Kuha ito sa resibong binayaran ng isang source na lumapit sa opisina ni Philippine Red Cross Chairman Senator Richard Gordon, nasa PHP10,000 daw ang binayaran nito para lamang sa COVID-19 test.
(2/5)
Magmula kasi ng tumigil ang Red Cross sa testing mula sa PhilHealth dahil sa 1.1 billion pesos na utang ng PhilHealth dito, tumaas na ang demand sa mga private laboratories na naninigil ng 10,000-20,000 PHP kada test.
𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐈𝐍: General Appropriations Bill o ang panukalang budget sa taong 2021 natanggap na ng Senado isang araw bago ang ipinangakong petsa ni bagong House Speaker Lord Allan Velasco.
(1/4)
Sa pahayag ni Senate President Vicente Sotto III, nagpapasalalamat ito sa House Speaker sa swift transmission at sinabing malaking tulong ito para maipasa ang budget bago ang Pasko.
(2/4)
"Senate just received the GAB from the HOR. I wish to thank and congratulate Speaker Lord Velasco for the swift transmission. Its even one day ahead of my original request that they send it on the 28th.
NOW: Palace Briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque
Pres. Spox. Roque: Muling binanggit ng Pangulo ang kanyang strong stand against corruption. Nangako ang Presidente na ang huling dalawang taon ng kanyang panunungkulan ay nakatutok sa paglaban sa korapsyon
Pres. Spox. Roque: Bumuo ang Pangulo ng Task Force para tingnan ang korapsyon sa bawat departamyento at kasuhan ang mga opisyal na sangkot at sa kahilingan ng Presidente unahin ang korapsyon sa DPWH
NOW: Palace Briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque
Pres. Spox. Roque: As of 11am po ay nanatili ang lakas ng Bagyong Quinta at ngayon ay nasa Mindoro strait
Pres. Spox. Roque: Tropical cyclone wind signal no. 3 ang naka-impose po sa northwestern portion of Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Mamburao, Paluan) including Lubang Island.
As of Oct. 25, there are 370,028 confirmed COVID-19 cases, 328,036 recoveries, and 6,977 fatalities nationwide.
Ilocos Sur Gov. Singson: Hindi naman po dumaan ang bagyo rito at ang mga farmers natin ay kailangan na kailangan na ang ulan. Pero as of now ho wala pong ulan dito