Bakit nga ba may UP-DND Accord? Noong June 16, 1989 ay naganap ang isang military operation sa UP Diliman Campus na nagresulta sa pagdukot at pag-aresto kay Donato Continente sa Vinzons Hall. Si Donat ay staff the Philippine Collegian. #DefendUP (cont)
Ayon kay Donat, sya ay nakaranas ng interogasyon at tortyur at pilit na pinaamin sa kasalanan na hind naman nya ginawa - ang pagpatay kay US Col. James Rowe ng JUSMAG. Si Donat ay nakulong nang 14 na taon at napalaya lamang matapos paikliin ng Korte Suprema ang kanyang sentensya.
Ang marahas na pagdukot at pag-aresto kay Donat sa campus ng UP ay nagbunsod ng diskusyon kaugnay ng kondukta ng police at military operations. Ang ganitong mga operayson at paglabag ay mga banta sa academic freedom ng UP.
Dahil sa insidente, naglagay ng mga safeguards laban sa mga abuso at paglabag sa karapatang pantao. Kasama dito ang mga sumusunod: 1. Dapat ipagbigay alam ng AFP at PNP sa administrasyon ng UP ang anumang operasyon nila, kasama na paghahain ng search at arrest warrants.
2. Hindi basta maaaring makapasok ang AFP at PNP sa campus liban kung may emergency, may hot pursuit o tinutugis, o kaya ay may pormal na request and admin para sa police assistance.
3. Hindi maaaring makialam ang AFP at PNP sa anumang mapayapang pagtitipon sa loob ng UP campus. Mahalagang aspeto ito ng academic freedom. Hindi maaaring panghimasukan ang mga protesta sa campus.
4. Ang anumang pag-aresto sa sinumang UP student, faculty at staff saan man sa Pilipinas ay dapat agad na ipagbigay-alam sa UP admin.
5. Walang UP student, faculty at staff ang maaaring imbestigahan sa detensyon nang hindi muna ipinapaalam ang kanilang pagkaaresto sa UP President o Chancellor, at kung walang presensya ng abogado.
Pansinin na ang mga probisyon ng kasunduan ay nagtitiyak na hindi na dapat maulit ang nangyari kay Donat.
Sa pagbasura sa UP-DND Accord, ang mga dating bawal, ngayon ay pwede nang gawin ng AFP at PNP. Ang mga dating safeguards, ngayon ay wala na. #DefendUP
Ang pagbasura sa UP-DND Accord ay banta sa academic freedom at human rights. Hindi seguridad ang hatid ng pagbasura kundi dagdag na pangamba sa komunidad.
Hindi ito papayagan ng komunidad ng UP. Hindi noon, hindi ngayon. #DefendUP
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
Crucial in the context of the UP-DND accord is the case of Donato Continente, a staffer at the @phkule who was arrested on June 19, 1988 by the military and police at Vinzons Hall. This triggered discussions on the conduct of military ops on campus. #DefendUP
The UP-DND Accord laid down guidelines in the conduct of police and military operations so what happened to Donat in UP would not be repeated. You can read about his case and eventual release here philstar.com/headlines/2005…
Among the important provisions, AFP and PNP must notify the UP admin of military and police operations including the serving of search and arrest warrants. The military cannot just enter campus grounds at any time, unless there is an emergency or there is hot pursuit of suspects.