ALERT | Patay ang residente ng General Trias Cavite na si Darren Manaog matapos pinag-pumping ng 300 beses ng mga abusadong pulis. (1/7)
Ayon sa kanyang kaanak, bibili lamang sana ng tubig si Darren ng mahuli ng mga kapulisan. Kahit na wala namang nakasaad na kahit anong parusang ipapataw sa mga nahuli, pinag-pumping ang biktima ng tatlong daang beses. (2/7)
Inumaga na nang uwi biktima, at napansin siyang hindi na makalakad ng maayos. Kinombulsyon siya sa sarili nilang bahay, at nahimatay. Hanggang binawian siya ng buhay bandang alas-10 ng gabi. (3/7)
Matandaang isang taon na rin ang nakalipas nang binugbog rin ang factory worker na si Ronald Ocampo sa kaparehong lugar. Ang likod sa mga pambubugbog ay mga pasistang kapulisan din. (4/7)
Mariing kinukundena ng Panday Sining-Cavite ang kabulastugang ginawa ng mga kapulisan kay Darren Manaog. Parami na ng parami ang kaso ng abusadong kapulisan, ngunit kita natin na sila ang mas nabibigyan ng prayoridad at atensyon ng estado. (5/7)
Sa humahabang araw ng ECQ, hindi lamang inepektibo ang militaristikong lockdown ni Duterte bagkus pinapalala nito ang pasistang pamamalakad na nagpapahamak sa mga mamamayan. Kailangan panagutin ang mga kapulisan sa kahayupang kanilang ipinapamalas. (6/7)
PANAGUTIN ANG LAHAT NG ABUSADONG KAPULISAN!
SOLUSYONG MEDIKAL, HINDI MILITAR!
Inihahandog ng Paaralang Rizalina Ilagan, ang isang buwan ng pag-aaral tungkol sa kultura, at lipunan. Kaakibat nito ay magkakaroon rin ng film showing kasama ang Gabriela Youth-Cavite.
Mga kabataang artista, samahan niyo kaming pag-aralan ang lipunan!
Art and Society - April 5, 8PM (MONDAY)
New Mass Art and Literature - April 7, 8PM (WEDNESDAY)
Image and Its Context - April 9, 8PM (FRIDAY)
Panitikan ng Pambansang Demokrasya - April 10, 5PM (SATURDAY)
Revolutionary Aesthetics - April 11, 5PM (SUNDAY)
MAO WEEK:
1. On Practice - April 12, 8PM (MONDAY) 2. On Contradictions - April 13, 8PM (TUESDAY) 3. On the Correct Handling of the Contradictions Among the People - April 16, 8PM (FRIDAY)
Sa naganap na kabi-kabilang pag-atake ng rehimen sa mga progresibong indibidwal, isa lamang si Dandy Miguel sa walang habas na pinaslang na pinaghihinalaang mga pulisya. (1/7)
Matapos matamo ang walong tama ng baril sa buong katawan, dinala si Pang Dandy sa JP Rizal Hospital at hindi kalaunan ay idineklarang dead on the spot.
Si Dandy Miguel ay tagapangulo ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Fuji Electric Philippines at (2/7)
pangalawang tagapangulo ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan — Kilusang Mayo Uno o PAMANTIK-KMU.
Isa rin si Pang Dandy sa matatapang na indibidwal na naging tagapagtanggol ng karapatang ng mga manggagawa sa rehiyon (3/7)