[1/6] FOCUS pa rin tayo sa trabaho. Trabaho, bago politika. Kahit sa pormal na campaign period, mananatili akong full-time mayor.
[2/6] IWASAN natin ang "mudslinging". Kung tungkol sa trabaho o track record, sige pag-usapan natin (Dapat naman talagang suriin nang mabuti ang mga kandidato). Pero wag yung personalan o bastusan na.
[3/6] MAGING MAPANURI, lalo na sa pekeng balita. Hindi porket may "quote" ay totoo na ito. (Alam niyo, yung gumagawa ng fake news at fake quotes noong 2019, halos sila pa rin yan ngayon.)
[4/6] KUMBINSIHAN, hindi pagdikta. Kapag may kaibigan tayong nakita niyo sa kabila, 'wag niyong pagalitan o takutin... Di ba kasama sa laban natin ang pag giba ng ganun klaseng politika?
[5/6] SUMUNOD TAYO sa mga alituntunin ng Comelec, lalo na sa health protocols.
Kung kailangan mag-meeting, dapat sa lugar na may bentilasyon at pasok sa IATF guidelines.
[6/6] HINDI pa rin tayo gagastos ng malaki. Tandaan- ang gagastos ng malaki sa kampanya, ay malaki rin ang babawiin. (Ok lang tawagin akong kuripot, at least hindi magnanakaw. Ang importante, nagagamit sa tama at ng buo ang pera ng taumbayan.)
Yun lang po muna. Nawa'y maging maayos at mapayapa ang eleksyon sa Pasig at sa buong Pilipinas. God bless the 2022 Elections!
Nag-file na po ako kaagad ng COC para tapos na, di naman kailangan ng drama at suspense 😅
Basta, panahon man ng pulitika o hindi, uunahin natin ang trabaho.
(1/5)
Simula 2019,ang laki na ng pagbabagong naipakilala natin sa Pasig. Sa pagbubukas pa lang ng procurement/bidding, nasa 1BILYON PISO KADA TAON ang binaba ng mga presyo ng mga binibili/pinapagawa ng LGU.
Ngunit nahirapan tayo at maraming proyekto na naantala dahil sa pandemya.(2/5)
9 months lang ako naging mayor sa normal na sitwasyon.
Kaya sa susunod na term, magtulungan tayo para bawiin ang oras na ninakaw sa atin ng covid-19.
Nandiyan na 'yung mga reporma. Iba na ngayon. Paiigtingin na lang natin at sisiguraduhin na damang dama ng bawat (3/5)