[A] Abangan ang mensahe ni #VPLeni Robredo sa samabayanang Pilipino. Live sa ating Youtube channel, ganap na 11 ng umaga.

Watch it here:
Puno ng taimtim na pagninilay ang nakaraang mga araw. Salamat sa lahat ng nagparating ng suporta, sumabay sa dasal, at umunawa sa pinagdaanan kong discernment process ukol sa halalan ng 2022.

[Watch it here: ]
Sa prosesong ito, walang naging lugar ang ego o pansarili kong interes. Mabigat na responsibilidad ang pagka-Pangulo, at hindi ito puwedeng ibase sa ambisyon o sa pag-uudyok ng iba.
Pagdating sa pamumuno, iisa lang dapat ang konsiderasyon: Ano ba ang pinakamabuti para sa bansa natin?

[Watch it here: ]
Lalong matimbang ang tanong na ito dahil sa napakalaking hamon ng pandemya. Ang dami nang namatay. Marami sa atin, ginawa na ang lahat ng puwedeng gawin para lang mailigtas ang mga mahal sa buhay; para makahanap ng pambili ng pagkain; para maitawid ang sarili sa kinabukasan.
Mahaba ang daang tinahak natin para makarating sa araw na ito. Hindi ko binalak tumakbo. Iniisip ko nang bumalik na lang sa probinsya namin, kung saan marami rin ang umaasa sa aking tumulong magpanday ng pagbabago.

[Watch it here: ]
Nitong mga nakaraang linggo, nakipagpulong tayo sa iba't ibang mga personalidad. Nilinaw ko sa kanila: Handa akong magbigay-daan at tumulong na lang. May alok din silang sumanib na lang ako-- bilang kandidato, o bilang bahagi ng kanilang administrasyon sakaling manalo sila.
Ang tugon ko, hindi ito tungkol sa pusisyon; hindi tayo nakikipag-usap para makipagtransaksyon. Ang pinakamahalaga, magkaisa kami-- sa prinsipyo, sa pangarap para sa bansa, at sa landas na dapat tahakin tungo sa katuparan ng mga ito.

[Watch it here: ]
Nilinaw ko rin: Buhay at kinabukasan ng Pilipino ang pinag-uusapan natin ngayon. Pinipilahan ang mga ospital, dumadaing ang mga healthworkers, at nagugutom ang mga nawalan ng trabaho.
Samantala, bilyon-bilyong piso ang inilalagay sa mga kuwestiyonableng kontrata habang milyon-milyong Pilipino ang naghihikahos.

[Watch it here: ]
Alam na nating lahat ito: Kaya maraming nagugutom, naghihirap, at namamatay, dahil sariling interes at hindi kapakanan ng Pilipino ang number one priority ng mga nasa poder. Ang kawalan ng maayos na pamamahala ang ugat ng ating mga problema, at ito ang kailangang wakasan.
At kung gusto nating tunay na makalaya sa ganitong situwasyon, hindi lang apelyido ng mga nasa poder ang dapat palitan; 'yung korupsyon, 'yung incompetence, 'yung kawalan ng malasakit, kailangang palitan ng matino at mahusay na pamumuno.
Handa dapat tayong iwaksi nang buong-buo ang mga agenda, ang mga interes, ang mismong mga tao at klase ng pulitika na sanhi ng pinagdaraanan ng bansa ngayon.
Kung hindi ka lilinya nang malinaw; kung makikipagkompromiso ka; kung hindi mo man lang kayang sabihin na mali ang mali-- na kaninong panig ka ba talaga?
Malinaw kung nasaan ako: Nasa panig tayo ng mga sinasagad ang lahat para iraos ang sarili, ang pamilya, ang kapwa, mula sa pandemyang ito.
Iba-iba man ang konteksto natin, pamilyar sa ating lahat ang pakiramdam ng pagiging nasa laylayan; ang paghahanap ng makakapitan, 'yung handa kang kumatok sa kahit saang pintuan, 'yung halos isigaw mo sa kahit sinong makakarinig: Tulong.
Nanay ako hindi lang ng tatlong anak ko, kundi ng buong bansa. At alam ng lahat ng ibang nanay, ng lahat ng ibang magulang, kung ano ang kaya nilang pagdaanan at isakripisyo sa ngalan ng kanilang mga anak.
Naaalala ko nga 'yung maraming kaso ng domestic abuse na hinawakan ko noong nag-aabogado pa ako. Kung paanong tiniis ng mga kliyente ko ang pang-aabuso at pananakit ng asawa nila. Kapag tinanong mo kung bakit, iisa ang sagot: Alang-alang sa mga anak nila.
At naaalala ko kapag sa wakas, pinili nilang lumaya-- kapag nahanap nila ang tapang na mag-empake, bitbitin ang mga bata, at gawin ang unang hakbang papalabas ng pinto nila. Dahil natauhan sila na kung hindi sila maglalakas ng loob, mamanahin lang ng mga anak nila ang pagdurusa.
Ina akong nakikita ang pagdurusa ng minamahal kong bansa. Naniniwala ako: Ang pag-ibig, nasusukat hindi lang sa pagtitiis, kundi sa kahandaang lumaban, kahit gaano kahirap, para matapos na ang pagtitiis. Ang nagmamahal, kailangang ipaglaban ang minamahal.
Buong-buo ang loob ko ngayon: Kailangan nating palayain ang sarili mula sa kasalukuyang situwasyon. Lalaban ako; lalaban tayo.

Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022.
Malinaw sa lahat ang hamon na kinakaharap natin. Nakita na nating lahat ang pagsisinungaling at panggigipit na kayang gawin ng iba para maabot ang mga layunin nila.
Nasa kanila ang pera, makinarya, isang buong istrukturang kayang magpalaganap ng anumang kuwentong gusto nilang palaganapin.
Pero hindi kayang tabunan ng kahit na anong ingay ang katotohanan: Kung parehong uri ng pamamahala at pareho ang pagkatao ng mga magwawagi sa araw ng halalan, wala tayong aasahang pagbabago.
Dito tayo pupusisyon. Yung pagod; yung pakiramdam na parang wala kang kalaban-laban, na parang nagawa mo na ang lahat pero kulang pa rin; yung pagnanasang makaraos ng taumbayan, bibigyan natin ng bago at positibong anyo; gagawin natin itong paninindigan, gagawin nating enerhiya.
Tatalunin natin ang luma at bulok na klase ng pulitika. Ibabalik natin sa kamay ng karaniwang Pilipino ang kakayahang magdala ng pagbabago.
Alam kong marami sa inyo ang ilang buwan nang kumikilos nang kusa tungo sa layuning ito. Ramdam na ramdam ko ang tiwalang kaloob ninyo sa akin. Sinasabi ko ngayon: Buong-buo rin ang tiwala ko sa inyo. Tinatawag ko kayo: Gisingin ang natutulog pang lakas.
Tumindig kayo; tinitiyak ko, mayroon ding titindig sa tabi ninyo. Kumausap ng labas sa nakasanayan; palawakin pa ang hanay.
Ihayag ang katotohanan na sa kabila ng mga limitasyon, sa kabila ng panggigipit, sa maliit na tanggapan pa lang natin dito sa Office of the Vice President, napakarami na nating nagawa para makatulong:
Ang mga pabahay, ang ayuda at medical at livelihood assistance, ang lingap sa mga nasalanta, ang pailaw at classroom at dorm;
ang Vaccine Express, at Swab Cab, at Bayanihan e-konsulta, at Bayanihan e-skuwela, at Trabahope, at Community Mart, at free shuttle, at mga libreng PPE at napakarami pang ibang nagawa gamit ang pinagsanib nating lakas.
Kung naipatupad natin ang lahat ng ito; kung nakarating ang tulong natin sa Agutaya, hanggang San Remigio, hanggang sa ground zero ng Marawi
Kahit ginigipit tayo, imagine kung ano pa ang kaya nating gawin, kung saan pa ang kaya nating marating, kung maitututok ang buong enerhiya ng gobyerno sa tangi nitong dapat iniintindi: Ang kapakanan ng taumbayan.
Anim na taon ang nakaraan, tinanggap ko ang hamon na tumakbo sa pagka-Bise Presidente. Ngayon, sasabak tayo sa mas malaking laban.
Panata ko ngayon: Ibubuhos ko nang buong-buo ang aking lakas, hindi lang hanggang sa halalan kundi hanggang sa mga natitirang araw ko, para ipaglaban ang Pilipinas ng ating mga pangarap:
Isang lipunan kung saan kapag nagbanat ka ng buto, kapag ginawa mo ang lahat ng kaya mo, makaasa ka sa ginhawa at pag-asenso; kung saan kapag nadapa ka, may sasalo sa iyo, may aakay sa iyo patayo.
Kung saan ang mga plano para sa edukasyon, transportasyon, pagkain, kalusugan, katarungang panlipunan, ay naipapatupad dahil may gobyernong matino at mahusay; gobyernong tapat at may pananagutan; gobyernong tunay na inuuna ang interes ng taumbayan.
May landas tungo sa kinabukasang ito. Pero hindi ito maaabot sa pagwawalang-kibo kapag may nangyayaring hindi tama.
Hindi ito puwedeng iasa sa iba habang nanonood ka lang; hindi puwedeng pumikit na lang at umasang pagdilat natin nagbago na ang mundo. Ang kinabukasan, pinipili, pinagsisikapan, ipinaglalaban. Kailangan nating piliing humakbang.
Heto ako ngayon, humahakbang. Ipaglalaban ko kayo hanggang dulo. Itataya ko ang lahat; ibubuhos ko ang lahat ng kayang ibuhos.
Sama-sama tayong tumaya sa laban na ito. Buong bansa tayong tumungo sa isang kinabukasang mas patas at mas makatao; kung saan ang bawat Pilipino ay may pagkakataong umasenso;
Kung saan ang lakas ng bawat isa ay nagiging nagkakaisang lakas ng lahat-- lakas na dadaig sa anumang krisis, anumang hamon, lakas na magiging simula ng ating kolektibong pagbangon.
Buong-buo ang tiwala ko: Magtatagumpay tayo. Buong-buo pa rin ang pananalig ko sa Diyos at sambayanang Pilipino.

Maraming salamat. Mabuhay ang Pilipinas.

[end]

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Leni Robredo

Leni Robredo Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @lenirobredo

30 Apr
This morning, the son of one of our emergency patients messaged us to say thank you. “Kung di po dahil sa inyo, baka wala na po si nanay,” sabi niya. Magvo-volunteer rin daw siya for our initiatives once his mother has recovered, as a way of paying it forward.
It was a glimmer of hope in the midst of the whirlwind we are in. We are now on the 23rd day of Bayanihan E-Konsulta. Many long days and even longer nights marked by moments of suspense, relief, and at times, loss.
Many things are out of our hands, as we also count on other institutions to help the patients who come to us for assistance. Many frustrating moments that defined for me how the system is failing our kababayans. We wish it wasn’t this hard.
Read 16 tweets
12 Apr
After 6 days of our Bayanihan E-Konsulta operations, we want to report that we have already received 10,830 transactions with the following breakdown:

April 7 -423
April 8-3,299
April 9- 2,057
April 10-1,845
April 11-1,940
April 12-1,266
To say that we are overwhelmed would be an understatement. This is, we all agree, the most complicated program we have ever embarked on because it entails a lot of moving parts and a wide-range of help being sought. One, because we really lack manpower and resources.
Two, all our external partners are working on a volunteer basis and almost all of them also have full time work, devoting precious free time to help. Third, we have to comply with protocols. All those needing hospitalizations, we can only refer to One Hospital Command Center, etc
Read 9 tweets
11 Apr
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Ini-launch natin noong Miyerkules ang Bayanihan E-konsulta. Sobrang salamat sa lahat ng nag-volunteer—mga doktor, mga tumatao sa call center—pati rin sa mga simpleng messages of support. Overwhelmingly positive ang naging response sa initiative natin.
Sobrang overwhelming ang support, at sobrang overwhelming din ang dami ng requests na pinaabot sa atin. Patunay ito na kailangang natin ng ganitong uri ng serbisyo.
Hindi kami nagpapigil kahit ang daming limitasyon, at kailangan namin ngayon ng kaunting oras para habulin at tugunan muna ang lahat ng pumasok na request.

Kaya, despite our reluctance to do so, tomorrow, Monday, April 12, we will not be receiving new requests first.
Read 8 tweets
4 Apr
Happy Easter, everyone. Some suggestions on the announced PDITR scheme from yesterday's presscon:

1. PREVENTION

a. To ensure its effectiveness, extension of the ECQ must be accompanied by clear, verifiable objectives and time bound scorecards.
1. PREVENTION — b. Budget for ayuda, and its effective and fair deployment, will make people be more willing to comply with lockdowns. Kasi the only reason na nagpipilit silang lumabas is wala silang makakain pag di sila nagtrabaho.
1. PREVENTION — c. Efficient border control to contain the virus. Issue and disseminate a comprehensive list of essential goods to inform the public what can and cannot be delivered, and lessen traffic in checkpoints. Fast lanes, too, in checkpoints for faster deliveries.
Read 24 tweets
28 Mar
Another Sunday suggestion re TESTING: Increase testing but let’s make it more targeted.

1. If you look at this table, there were 6,936 positive cases on March 26. But DOH actually reported more than 9,000 to include the previous positive cases which they have not yet reported;
2. Using just the 6,936 positive cases, we are recommending the minimum number of tests that should be conducted per day per region. Better sana if by LGU but there is no disaggregated data available per town/city/province on the tests conducted;
3. Right now, we’re conducting between 30,000-50,000 tests per day all over the country. But if you look at the table, the positivity rates for some regions are so high that the number of tests we are conducting are no longer enough;
Read 7 tweets
27 Mar
We’re launching SWAB CAB, a mobile testing program which will do mass surveillance testing in communities where transmission is very high. Pilot area is Malabon. Thank you to LGU Malabon, Ube Express and Kaya Natin Movement for the partnership.
Existing RT PCR tests usually are for those with symptoms or have been contact traced. We will do antigen testing to target those without symptoms and no known exposure to Covid positive cases.
All those who will test positive will already be isolated and subjected to RT PCR test.
Read 7 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(