[A] VP LENI: Noong nakaraang buwan, inilatag ko sa inyo ang Kalayaan sa COVID Plan para makaraos sa pandemya, at para na rin maging mas handa tayo sakaling may mga surge o krisis na dumating sa hinaharap.
[A] VP LENI: Bahagi ito ng isang serye ng mga komprehensibong plano para sa bansa, at ngayong araw, humaharap ako para ibahagi ang ikalawa sa seryeng ito. Tinatawag natin itong "Hanapbuhay para sa Lahat."
[A] VP LENI: Gaya ng Kalayaan sa COVID Plan, nanggaling ito sa mahabang proseso ng pagkonsulta sa mga eksperto, at higit doon, sa harapang pakikibitbit sa dalahin ng karaniwang Pilipino.
[A] VP LENI: Milyon-milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Sa mga may trabaho naman, patuloy ang mga tanong na bumabagabag sa kanila: 'Paano ba ako giginhawa?' ...
[A] VP LENI: ... 'Bakit parang sa kabila ng pagkayod ko, paunti nang paunti 'yung naihahain ko sa pamilya ko? Bakit parang hindi ako lumalapit sa mga pangarap ko?'
[A] VP LENI: Idinidiin lang ng mga sentimyentong ito ang ating batayang Pilosopiya: Ang tunay na pag-unlad, ramdam sa antas ng komunidad.
[A] VP LENI: Kaya nga kailangang siguruhin na ang pera, ang kita, ang enerhiyang ekonomiko, dumadaloy rin sa antas na ito. Ang pangunahing instrumento: Trabaho.
[A] VP LENI: Kapag may trabaho, may pera sa bulsa ng Pilipino; ang perang ito, gagamitin para tugunan ang pangunahing pangangailangan at tumangkilik sa mga negosyo. Kung buhay ang mga negosyo, makakalikha ng mas marami pang trabaho.
[A] VP LENI: Iyan mismo ang layunin natin: Ang bumuo ng siklo ng pagbibigay-lakas, oportunidad, at malawakang pag-unlad. At ito ang plano ko para ipaglaban ang hanapbuhay para sa lahat.
[A] VP LENI: Una sa lahat: Ibalik ang tiwala sa gobyerno.
Ititigil natin ang korupsyon, cronyism, at pang-aabuso sa sistema. Bubuwagin natin ang mga sindikatong ginawa nang negosyo ang gobyerno. Gagawin nating patas ang merkado at sisiguruhing may isang salita ang pamahalaan.
[A] VP LENI: Sisiguruhin nating may malinaw na istratehiya para maging mas competitive ang Pilipinas, at ipatutupad ito. Nariyan na ang Philippine Competition Commission—palalakasin natin ito para magawa ang kanyang trabaho na puksain ang monopolyo at unfair business practices.
[A] VP LENI: Susuriin at iaayon natin ang mga polisiya sa pandaigdigang pamantayan—kabilang na ang pagpapatupad sa Ease of Doing Business Act; ang pagpapaluwag, pag-amyenda, o paglikha ng mga bagong batas; at ang pagpapabilis ng digital transition.
[A] VP LENI: Sa ganitong mga paraan, magkakakumpiyansa ang mga investor sa sistema, papasok ang bagong puhunan, lalago ang mga negosyo, at malilikha ang bagong trabaho.
[A] VP LENI: Ikalawa: Gisingin ang lakas ng industriyang Pilipino. Apat ang industriyang tututukan natin.
Ang maritime industry, kung saan may natural tayong bentahe dahil sa husay at dami ng marinong Pilipino.
[A] VP LENI: Tututok tayo sa tao: Iaayon natin ang training sa pandaigdigang pamantayan at isasali ang maritime industry sa mga kurso sa Senior High School. Gagawin nating mas maganda, mas moderno, at mas integrated ang mga daungan at pantalan.
[A] VP LENI: Padadaliin natin ang pagpaparehistro ng barko sa Pilipinas, at gagawing strategic enabler ang Maritime Administration para makabuo ng isang cargo shipping line na naglalayag sa buong mundo, dala ang bandila ng Pilipinas.
[A] VP LENI: Kasunod: Gagawin nating sentro ng climate industry ang Pilipinas.
[A] VP LENI: Bubuo tayo ng sariling e-transport industry. Palalakasin natin ang kabuhayan sa lalawigan sa pamamagitan ng mas moderno at sustainable na prosesong pang-agrikultura, sabay ng pag-invest sa climate smart na agricultural infrastructure.
[A] VP LENI: Bubuo tayo ng makatarungang framework tungo sa mas malinis na enerhiya. Lilikha tayo ng green jobs habang nakikiambag sa pandaigdigang tugon sa climate change.
[A] VP LENI: Tututukan din natin ang tech industry, kung saan matatapatan ng mas maayos na sahod ang talino ng Pilipino. Imprastruktura ang pangunahing hakbang dito: Ang kailangan, mabilis na internet na aabot sa kanayunan at susuporta sa pambansang digitization.
[A] VP LENI: Tututok sa ugnayan ng mga pamantasan at independent research centers, ng pribadong sektor, at ng pamahalaan sa lokal at pambansang antas para maturuan ng makabagong kaalaman ang Pilipinong manggagawa.
[A] VP LENI: Para naman buhayin manufacturing industry: Magpapanday at magsusulong tayo ng mga industry roadmap. Susulitin natin ang resources na meron tayo, kabilang na ang likas nating yaman, ...
[A] VP LENI: ... at lilikha ng matitibay na ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang industriya para ang lahat ng kailangan-- mula sa upstream at downstream industries-- ay maaari nang i-manufacture sa Pilipinas.
[A] VP LENI: Ang ikatlong haligi ng ating Jobs Plan: Wakasan ang diskriminasyon sa trabaho, para masigurong bubukas ang landas tungo sa pag-asenso para sa mas nakararaming Pilipino.
[A] VP LENI: Ipatutupad natin nang husto ang Anti-Age Discrimination Act, at isusulong ang pagsasabatas ng mas komprehensibong Anti-Discrimination Bill.
[A] VP LENI: Ang prinsipyo: Kahit may edad ka na, anuman ang natapos mo, anumang kasarian mo, kung handa kang magbanat ng buto, karapatan mong maghanapbuhay.
[A] VP LENI: Partikular nating tututukan ang mga polisiyang pangkababaihan: Kabilang dito ang pakikilahok nila sa STEM industry; ang mas gender equal work policies; at ang mas pinalakas na daycare system para makapagtrabaho ang mga bagong ina.
[A] VP LENI: Ang ikaapat na haligi: Suporta sa maliliit na negosyo.
Bubuksan natin ang pinto para makalahok sila sa procurement process ng gobyerno. Imamandato natin ang pag-prioritize sa MSMEs at mga magsasaka sa mga kailangang bilhin ng mga government offices.
[A] VP LENI: Gaya naman ng nagawa na natin sa Angat-Buhay at ginagawa ng ibang organisasyon tulad ng Go Negosyo, iuugnay natin ang maliliit na negosyo sa mas malawak na merkado—partikular, sa larangan ng agrikultura at turismo.
[A] VP LENI: Papanday tayo ng mas makabagong patakarang mas angkop sa digital economy. Aalisin natin ang red tape, para maging mas madali ang pagnenegosyo.
[A] VP LENI: At ang ikalimang haligi ng ating plano para maabot ang Hanapbuhay para sa Lahat: Saluhin ang mga nawalan ng trabaho.
[A] Ang daming negosyong nagsara dahil sa pandemya. May mga kumpanyang umaalis sa Pilipinas o nagbabawas ng operasyon. Apektado rin ang iba't ibang larangan dahil sa pag-usad ng teknolohiya. May mga nawawalan ng trabaho dahil sa mga kadahilanang ito. Hindi nila kasalanan ito.
[A] Para makasabay ang Pilipino sa nagbabagong mukha ng industriya, ang plano natin: Isang de-kalidad na retraining at skills-matching program.
[A] Bukod dito, tututukan din natin ang STEM sa lahat ng antas, at palalakasin ang ating sistemang pang-edukasyon para maaga pa lang ay nakakalikha na tayo ng kabataang mas matalas ang isip, mas malikhain, at kayang sumabay sa anumang larangan.
[A] Iuugnay natin ang mga eskuwela sa industriya, para pagka-graduate ng mga estudyante, angkop ang kaalaman nila sa hinahanap ng mga kumpanya.
[A] Lilikha tayo ng maaasahang Public Employment Program. Maitututok ang lakas ng manggagawang Pilipino sa pagpapatupad ng mga dev't plan sa komunidad, habang nabibigyan ng trabaho ang mga nangangailangan. Garantisadong trabaho ito para sa target nating 1.8 million na Pilipino.
[A] Bubuo rin tayo ng isang maaasahang Unemployment Insurance Program. Tulong at ayuda ito habang naghahanap ng malilipatan ang mga nawalan ng trabaho sa dahilang hindi nila kasalanan.
[A] Ang pag-unlad ng Pilipinas, magsisimula sa karaniwang Pilipino: Sa pagsuporta sa kanya sa panahon ng kagipitan; sa pagbibigay sa kanya ng lakas na panghawakan ang sariling kinabukasan; sa pagbubukas ng landas para makapagsikap siyang abutin ang mga pangarap niya.
[A] Buong-buo ang tiwala ko: Masipag ang Pilipino; mabilis matuto ang Pilipino; mahal ng Pilipino ang pamilya niya, at handa siyang kumayod araw-araw para sa kanila. Sa pagkayod na ito, ang gobyerno, dapat katuwang; dapat, aktibong gumagawa ng paraan.
[A] Gobyernong mapagkakatiwalaan; ang paggising sa lakas ng mga istratehikong industriya; ang pagwakas sa diskriminasyon; pagsuporta sa maliliit na negosyo; at pagsalo sa mga nawawalan ng trabaho. ...
[A] Hindi ito pangako, kundi planong nakatuntong sa matibay na prinsipyo at malinaw na track record. Ito ang aking plano para sa #HanapbuhayParaSaLahat. Makakaasa kayong ipaglalaban ko ito.
[END]
[A] VP Leni now taking questions from the media. Joining her are her running-mate Sen. @kikopangilinan and labor leader @AttyMatula, who is part of the #LeniKiko2022 senatorial slate.
[A] Abangan ang mensahe ni #VPLeni Robredo sa samabayanang Pilipino. Live sa ating Youtube channel, ganap na 11 ng umaga.
Watch it here:
Puno ng taimtim na pagninilay ang nakaraang mga araw. Salamat sa lahat ng nagparating ng suporta, sumabay sa dasal, at umunawa sa pinagdaanan kong discernment process ukol sa halalan ng 2022.
[Watch it here: ]
Sa prosesong ito, walang naging lugar ang ego o pansarili kong interes. Mabigat na responsibilidad ang pagka-Pangulo, at hindi ito puwedeng ibase sa ambisyon o sa pag-uudyok ng iba.
This morning, the son of one of our emergency patients messaged us to say thank you. “Kung di po dahil sa inyo, baka wala na po si nanay,” sabi niya. Magvo-volunteer rin daw siya for our initiatives once his mother has recovered, as a way of paying it forward.
It was a glimmer of hope in the midst of the whirlwind we are in. We are now on the 23rd day of Bayanihan E-Konsulta. Many long days and even longer nights marked by moments of suspense, relief, and at times, loss.
Many things are out of our hands, as we also count on other institutions to help the patients who come to us for assistance. Many frustrating moments that defined for me how the system is failing our kababayans. We wish it wasn’t this hard.
After 6 days of our Bayanihan E-Konsulta operations, we want to report that we have already received 10,830 transactions with the following breakdown:
April 7 -423
April 8-3,299
April 9- 2,057
April 10-1,845
April 11-1,940
April 12-1,266
To say that we are overwhelmed would be an understatement. This is, we all agree, the most complicated program we have ever embarked on because it entails a lot of moving parts and a wide-range of help being sought. One, because we really lack manpower and resources.
Two, all our external partners are working on a volunteer basis and almost all of them also have full time work, devoting precious free time to help. Third, we have to comply with protocols. All those needing hospitalizations, we can only refer to One Hospital Command Center, etc
Ini-launch natin noong Miyerkules ang Bayanihan E-konsulta. Sobrang salamat sa lahat ng nag-volunteer—mga doktor, mga tumatao sa call center—pati rin sa mga simpleng messages of support. Overwhelmingly positive ang naging response sa initiative natin.
Sobrang overwhelming ang support, at sobrang overwhelming din ang dami ng requests na pinaabot sa atin. Patunay ito na kailangang natin ng ganitong uri ng serbisyo.
Hindi kami nagpapigil kahit ang daming limitasyon, at kailangan namin ngayon ng kaunting oras para habulin at tugunan muna ang lahat ng pumasok na request.
Kaya, despite our reluctance to do so, tomorrow, Monday, April 12, we will not be receiving new requests first.
Happy Easter, everyone. Some suggestions on the announced PDITR scheme from yesterday's presscon:
1. PREVENTION
a. To ensure its effectiveness, extension of the ECQ must be accompanied by clear, verifiable objectives and time bound scorecards.
1. PREVENTION — b. Budget for ayuda, and its effective and fair deployment, will make people be more willing to comply with lockdowns. Kasi the only reason na nagpipilit silang lumabas is wala silang makakain pag di sila nagtrabaho.
1. PREVENTION — c. Efficient border control to contain the virus. Issue and disseminate a comprehensive list of essential goods to inform the public what can and cannot be delivered, and lessen traffic in checkpoints. Fast lanes, too, in checkpoints for faster deliveries.
Another Sunday suggestion re TESTING: Increase testing but let’s make it more targeted.
1. If you look at this table, there were 6,936 positive cases on March 26. But DOH actually reported more than 9,000 to include the previous positive cases which they have not yet reported;
2. Using just the 6,936 positive cases, we are recommending the minimum number of tests that should be conducted per day per region. Better sana if by LGU but there is no disaggregated data available per town/city/province on the tests conducted;
3. Right now, we’re conducting between 30,000-50,000 tests per day all over the country. But if you look at the table, the positivity rates for some regions are so high that the number of tests we are conducting are no longer enough;