Kilalanin ang CAHRIHL at Karapatan ni Kate Raca bilang Hors de Combat sa Palawan!
Napilitang ipaubaya ni Kate Raca, isang dating mandirigma ng New People’s Army, ang kanyang sarili sa mga otoridad bunga ng mabagsik at sunud-sunod na Focused Military Operations sa Roxas, Palawan.
Ayon sa isang interbyu ng midya kay Raca, isang guro na gradweyt ng University of the Philippines – Diliman, kinubkob ng Marine Battalion Landing Team 4 (MBLT-4) ang kampo na kanilang hinihimpilan sa Barangay Tinitian na naging dahilan upang mapahiwalay siya sa kanyang mga
kasamahan, at kagyat na humingi ng tulong sa mga sibilyan at Barangay kapitan.
Si Raca ay maituturing na Hors de Combat, o dating mandirigma na wala na’ng intensyon pang lumaban sa konteksto ng digmaang sibil sa loob ng bansa.
Kailangang igalang ang karapatan ni Raca bilang isang Hors de Combat sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), at dapat tiyakin ang kanyang kaligtasan mula sa pagbabanta, harasment, intimidasyon,
pisikal at sikolohikal na tortyur at iba pang gawi na malalagay sa peligro ang kanyang buhay at dignidad.
Sa kasalukuyan, nasa kamay ng Marines si Raca at napuntahan na rin ng kanyang pamilya sa Puerto Princesa City.
Sa ganitong kalagayan na hindi na nakikilahok si Raca sa armadong paglaban, kailangan siguruhin ng Marines at pamahalaan na maiuwi siya sa kanyang pamilya.
Dagdag pa, walang nakabinbing kaso para kay Raca kaya wala nang iba pang dahilan upang patagalin pa ang paghawak ng Marines sa kanya.
Napag-alaman namin kahapon na nakasama na ni Kate Raca ang kanyang pamilya sa kampo ng 3rd Marine Brigade sa Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City. Ngunit nababahala kami sa mga ginagawa ng Philippine Marines sa katauhan ni Col. Jimmy Larida ng 3rd Marine Brigade, ng AFP WESCOM,
at ng Palawan PTF-ELCAC:
1. Labag sa karapatang pantao ni Raca na ipiit sya sa kampo ng Philippine Marines sa layuning pirmahan niya ang mga papeles para sa pagsuko at upang sumailalim sya sa mga anumang ninanais ng Marines at AFP.
Panawagan ng Karapatan TK: Alisin si Kate Raca mula sa kustodiya ng Marines!
Mula pa noong Disyembre 11 ay nasa kamay na ng 3rd Marine Brigade, Western Command, Armed Forces of the Philippines si Kate Raca.
Mahigit 48 oras na rin mula noong napasakamay ng mga ito si Raca nang wala namang kasong inihaharap sa kanya.
Maaaring sa pagkakataong ito ay sapilitang pinapapirma at pinapailalim sa proseso ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP)
si Raca tulad ng mga kasong naitala noon ng Karapatan TK. Ang E-CLIP ay isang huwad na programang magbibigay serbisyo diumano sa mga susukong ‘rebelde.’ Desperadong inilalako ito kahit sa mga sibilyang hindi naman sangkot sa armadong labanan.