Panawagan ng Karapatan TK: Alisin si Kate Raca mula sa kustodiya ng Marines!

Mula pa noong Disyembre 11 ay nasa kamay na ng 3rd Marine Brigade, Western Command, Armed Forces of the Philippines si Kate Raca. Image
Mahigit 48 oras na rin mula noong napasakamay ng mga ito si Raca nang wala namang kasong inihaharap sa kanya.

Maaaring sa pagkakataong ito ay sapilitang pinapapirma at pinapailalim sa proseso ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP)
si Raca tulad ng mga kasong naitala noon ng Karapatan TK. Ang E-CLIP ay isang huwad na programang magbibigay serbisyo diumano sa mga susukong ‘rebelde.’ Desperadong inilalako ito kahit sa mga sibilyang hindi naman sangkot sa armadong labanan.
Malinaw na magiging sagka ito sa karapatan ni Raca sa kanyang dignidad na panghawakan ang kanyang pampulitikang paniniwala at prinsipyo, sa pamamagitan din ng taktikang Psychological Warfare ng mga Marines na may hawak sa kanya sa kasalukuyan.
Sa ilalim ng International Humanitarian Law at Geneva Convention, si Raca ay isang prisoner of war at hors de comat, sa kadahilanang nasa kustodiya siya ng Marines, at may mga karapatan ito na dapat ay tinitiyak din ng awtoridad na may hawak kay Raca.
Ngunit sa ginagawang pagbibinbin ng 3rd Marine Brigade kay Raca, ay lumalabag ito sa kanyang karapatan sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL),
isang kasunduan na pinirmahan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Phillippines (NDFP), kung saan nakasaad sa Part IV, Article IV na,
“(6) All persons deprived of their liberty for reasons related to the armed conflict shall be treated humanely, provided with adequate food, and drinking water, and be afforded safeguards as regards to health and hygiene, and be confined in a secure place.
Sufficient information shall be made available concerning persons who have been deprived of their liberty. On humanitarian or other reasonable grounds, such persons deprived of liberty shall be considered for safe release.”
Wala nang ibang dahilan upang manatili pa si Raca sa loob ng kampo-militar! Mariing ipinapawagan ng Karapatan Timog Katagalugan na dapat alisin na si Raca mula sa kustodiya ng 3rd Marine Brigade at agarang ipatupad ang ligal na proseso na naayon sa batas,
kaalinsabay ng paggiit na mapangalagaan ang kanyang mga karapatan bilang isang POW at hors de combat.

#ReleaseKateRaca!
#UpholdCARHRIHL!

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Karapatan Timog Katagalugan

Karapatan Timog Katagalugan Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @KarapatanST

14 Dec
Karapatan-TK: Mga pang-uudyok ng Marines kay Kate Raca, labag sa karapatan; pangitain ng palpak at mapanupil na tugon sa armadong tunggalian

#ReleaseKateRaca
#UpholdCARHRIHL Image
Napag-alaman namin kahapon na nakasama na ni Kate Raca ang kanyang pamilya sa kampo ng 3rd Marine Brigade sa Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City. Ngunit nababahala kami sa mga ginagawa ng Philippine Marines sa katauhan ni Col. Jimmy Larida ng 3rd Marine Brigade, ng AFP WESCOM,
at ng Palawan PTF-ELCAC:

1. Labag sa karapatang pantao ni Raca na ipiit sya sa kampo ng Philippine Marines sa layuning pirmahan niya ang mga papeles para sa pagsuko at upang sumailalim sya sa mga anumang ninanais ng Marines at AFP.
Read 18 tweets
12 Dec
Kilalanin ang CAHRIHL at Karapatan ni Kate Raca bilang Hors de Combat sa Palawan!

Napilitang ipaubaya ni Kate Raca, isang dating mandirigma ng New People’s Army, ang kanyang sarili sa mga otoridad bunga ng mabagsik at sunud-sunod na Focused Military Operations sa Roxas, Palawan. Image
Ayon sa isang interbyu ng midya kay Raca, isang guro na gradweyt ng University of the Philippines – Diliman, kinubkob ng Marine Battalion Landing Team 4 (MBLT-4) ang kampo na kanilang hinihimpilan sa Barangay Tinitian na naging dahilan upang mapahiwalay siya sa kanyang mga
kasamahan, at kagyat na humingi ng tulong sa mga sibilyan at Barangay kapitan.

Si Raca ay maituturing na Hors de Combat, o dating mandirigma na wala na’ng intensyon pang lumaban sa konteksto ng digmaang sibil sa loob ng bansa.
Read 7 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal

Or Donate anonymously using crypto!

Ethereum

0xfe58350B80634f60Fa6Dc149a72b4DFbc17D341E copy

Bitcoin

3ATGMxNzCUFzxpMCHL5sWSt4DVtS8UqXpi copy

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(