Isinalaysay ni Shirley Pascual, miyembro ng organisasyong Desaparecidos, na ang kanilang kanilang agenda ngayong eleksyon ay itigil na ang pandudukot, panggigipit, at pangto-tortyur sa mga organisador at mga lumalaban para sa karapatan—mapababae man o lalaki. #IWD2022
Naging miyembro si Shirley ng Desaparecidos nang dukutin ang kanyang asawang si Roberto Pascual Sr., taong 1988 sa ilalim ng administrasyong Aquino. #IWD2022
Aniya, mula sa mga nagdaang pangulo hanggang sa kasalukuyan, laganap na ang pandudukot at pang-aabuso, kaya ang panawagan nila ay huwag nang pahintulutan pa ang pag-upo ng tambalang Marcos-Duterte sa pamahalaan. #IWD2022#NoToMarcosDuterte2022
Disenteng pabahay at sahod na nakabubuhay ang bitbit na panawagan ni Ka Inday Bagatbat, chairperson ng @KadamaySanRoque sa isang lunch protest kanina. Aniya sa pagtaas ng mga bilihin, nananatiling bagsak ang kalidad ng buhay ng maralita dahil sa mababang sahod. #IWD2022
Isang ganap na community development plan para sa maralitang Pilipino ang dapat unahin ng mga kumakandidatong pulitiko, paalala niya. Kritikal para kay Ka Inday ang pagkakaisa ng kababaihan upang mapagtagumpayan ang kanilang ipinaglalaban. #IWD2022
Ayon kay Sharon Silva ng LILA Pilipina, ang kanilang agenda ngayong eleksyon ay ang pagkakaroon ng foreign policy na magtataguyod para sa katarungan ng Filipino Comfort Women, na nagtatakwil din sa pangingialam ng malalaking bansa gaya ng US at iba pang imperyalista. #IWD2022
Wala namang ibang paraan sa pagsulong liban sa sabay-sabay at nagkakaisang pagkilos ng mga kababaihan saan man silang panig ng mundo, upang ilitaw ang pangangailangan ng mga batayang sektor, ani Silva. #IWD2022
Isang tagumpay lampas sa sariling komunidad tungo sa isang makabayang pagbabago–Ito ang agendang bitbit ni Kakay Tolentino, spokesperson ng Bai Indigenous Women's Network, ngayong #IWD2022. Ang yayakap sa agenda ng IP community ang siyang dapat mailuklok sa pwesto, giit niya.
Karapatan para sa lupang ninuno at sariling pagpapasya ng IP community ang matagal nang ipinaglalaban ng organisasyon ni Tolentino. Panawagan ng spokesperson, wag nang pabalikin ang Marcos-Duterte tandem; mga tiranikong pwersa na lumalabag sa karapatan ng IP community. #IWD2022
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
NOW: Save Our Schools Network (@savelumadschool) reports the initial findings of an autopsy conducted on the remains of Lumad school teacher, Chad Booc.
Dr. Raquel Fortun (@Doc4Dead): I can confirm that I was able to autopsy the embalmed remains of Booc last Monday in Mandaue City, Cebu. I had no access to the other victims, and the death was caused by massive blood loss due to assault by firearms charged.
Joms Salvador, GABRIELA: Ang kasaysayan ng Martso Otso ay hinabing kasaysayan ng maningning na paglaban ng mga kababaihan para sa kabuhayan, karapatan at paglaya. #IWD2022
Salvador: Tiyak tayo na kung magtatagumpay ang tambalang Marcos-Duterte, mas titindi ang ating paghihirap at lalong walang magiging pananagutan ang gobyerno sa mga mamamayang dapat itinataguyod nito. Nasa ating mga mamamayan ang kanilang kapangyarihan. #IWD2022
BREAKING: The President's Advisory Council recommends to end the semester on April 30, giving students a deferred grade. "None of the students will fail should they meet the requirements," the document read. The deadline of completion is until May 31, 2021.
Students who enrolled in prerequisite courses are also allowed to proceed to higher level courses, provided that the offering unit provides a bridging program in order to help the students cope.
Faculty members, departments, institutes, or colleges must also reach out to the students to inform them of any adjustments in the course syllabi and other completion requirements by May 1, 2020.