Philippine Collegian Profile picture
Mar 8 47 tweets 21 min read
NGAYON: Nagkakaisa sa Liwasang Bonifacio ang malawak na hanay ng kababaihan upang ipagdiwang ang pandaigdigang araw ng mga kababaihang anakpawis.

Dala nila ang mga panawagan mula sa pagdepensa sa karapatan ng mga babae hanggang sa pagpapababa ng presyo ng langis.

#IWD2022 ImageImageImage
Joms Salvador, GABRIELA: Ang kasaysayan ng Martso Otso ay hinabing kasaysayan ng maningning na paglaban ng mga kababaihan para sa kabuhayan, karapatan at paglaya. #IWD2022 Image
Salvador: Tiyak tayo na kung magtatagumpay ang tambalang Marcos-Duterte, mas titindi ang ating paghihirap at lalong walang magiging pananagutan ang gobyerno sa mga mamamayang dapat itinataguyod nito. Nasa ating mga mamamayan ang kanilang kapangyarihan. #IWD2022
Salvador: Ang araw na ito ay araw ng pagpapakita ng lakas ng kababaihan para labanan at iwaksi ang pangbubusabos sa mga kababaihan at bayan. Mula ngayon hanggang ngayon, ang lugar ng kababaihan ay nasa pakikibaka para sa ating kalayaan! #IWD2022
Binigkas nina dating Rep. Emmi de Jesus, Angel Romero at Clara Carlos ang isang tula na kinokondena ang kawalan ng aksyon ng gobyerno hinggil sa pagtaas ng bilihin at sa karahasan laban sa mga kababaihan. #IWD2022 Image
Panoorin ang bahagi ng pagtatanghal nina Evan Hernandez ng Hustisya at Cora Agovida, dating political prisoner. Inalahad nila ang danas ng mga kababaihang pinaslang at inaresto sa ilalim ng rehimeng Duterte, gaya ni Zara Alvarez. #IWD2022
Lana Linaban, Kilusang Mayo Uno: May isang babaeng galing sa pamilya ng mandarambong na tinawag na mga estupida ang mga kagaya ni "Lenlen," na nagtatrabaho ng 18 oras kada araw.

Palibhasa di sila naging mga manggagawa. Palibahasa pinalaki lang sila sa layaw. #IWD2022 Image
Ani Cathy Estavillo ng Amihan, pinabilis ni Duterte ang proseso ng land use conversion: Kaya kaliwa't kanan ang pagpapalayas sa mga magsasaka sa kanilang lupa. Ito ay nagresulta sa malawakang kagutuman at kahirapan ng mga magsasaka.

#IWD2022 Image
Estavillo: Ang pinakamalaking krimen ni Duterte ay pagpapasa ng Rice Liberalization Law. Naging all-time low ang presyo ng mga magsasaka, given ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga kagamitan sa pagsasaka gaya ng abono at langis.

#IWD2022
Estavillo: Ang rehimeng Duterte ay matagal nang pasakit lalo sa mga magsasakang kababaihan. Kaya ngayon, kami'y bumabangon at lumalaban para biguin ang tandem ng Marcos-Duterte sa darating na eleksyon.

#IWD2022
Isinalaysay ni Nay Dory ng GABRIELA Manila ang nangyayaring demolisyon sa kanilang kabahayan sa Tondo sa gitna ng pandemya: Hindi makatarungan na kung kailan may krisis, may pandemya, saka pa kami pinaalis ng Manila City LGU sa aming komunidad. #IWD2022 Image
Nay Dory: Hindi tayo papayag na hahayaan lang nilang alisan tayo ng mga karapatan at kabuhayan sa gitna ng krisis. Ngayong araw, lumalabas tayo sa lansangan upang ipakita na hindi tayo natatakot na ipaglaban ang ating kabuhayan, bahay at karapatan. #IWD2022
Nay Dory: Nanliligaw na naman ulit sa atin ang mga pulitiko ngayong eleksyon. Huwag na sana tayong magpapaloko sa kanila. Patuloy sana tayong magparami, ipakita natin sa kanila ang ating tapang upang tumutol sa mga maling ginagawa ng gobyerno. #IWD2022
ACT Teachers Party-list: Ang number one na layunin ng mga guro ay humubog ng mga lider na makakatulong upang umunlad ang ating bayan. Ngunit ngayong pandemya, nakalimutan ng gobyerno ang kapakanan ng edukasyon sa ating bansa. #IWD2022 Image
.@actph1982: Hindi sapat na mga alcohol at face shield lamang ang ibibigay ng gobyerno upang suportahan kaming mga guro. Kinakailangang magkaroon ng konkretong plano upang makabalik na ang mga kabataan at kaming mga guro aa eskuwelahan. #IWD2022
Isinaad ng isang kinatawan ng sektor pangkalusugan kung gaano kapalpak ang tugon ng gobyerno sa pandemya: Walang matinong contact tracing at mass testing. Ang malala, ginamit pa ng mga nasa gobyerno ang pandemya upang mangurakot. #IWD2022 Image
Ka Mimi Doringo ng Kadamay: Sa mahigit dalawang taon ng pandemya, hindi pa rin tayo malaya sa takot at pangamba na magkasakit at mamatayan tayo ng mga mahal natin sa buhay dahil wala o kulang ang ating access sa mga ospital. #IWD2022 Image
Kinondena ni Doringo ang mataas na budget na inilaan ng gobyerno sa NTF-ELCAC: Lagi nilang sinasabi na ang mga aktibista raw ay mga terorista raw. Tayo ba ay mga terorista? Hindi! #IWD2022
Ka Elmer Labog ng Bagong Alyansang Makabayan: Tumataas na naman ang presyo ng langis at mga bilihin ngunit wala pa ring ginagawa ang inutil na rehimeng Duterte. Pinangako ni Duterte na tatapusin niya ang ENDO at tataasan niya ang sahod ngunit di pa rin niya ito natutupad #IWD2022 Image
Labog: Kung walang mga kababaihan, walang kaunlaran sa ating bayan. #IWD2022
Labog: Ayaw natin na may mga paslit na namamalimos sa kalsada habang silang nasa gobyerno naman ay nagpapakayaman. Kaya naman patuloy nating ipaglaban ang katarungan at kinabukasan ng ating bayan. #IWD2022
Nanawagan ang grupong Babae Laban sa Korupsyon (BALAK) na labanan ang mga korap at ang mga magnanakaw na tumatakbo sa halalan. Hinikayat ng grupo ang mga botante na pumili ng mga lider na may integridad at magandang track record. #IWD2022
Sharon Cabusao-Silva, Lila Pilipina: Dapat suportahan ang laban ng mga Filipino comfort women dahil napatunayan na sa kasaysayan na nagiging biktima ang mga kababaihan ng pangaabuso mula sa militarisasyon. #IWD2022 Image
Cabusao-Silva: Sa darating na halalan, ang hamon namin sa mga susunod na lider ay magtaguyod ng isang independent na foreign policy na ipinagtatanggol ang karapatan ng mga kababaihan laban sa mga militar at mga dayuhang mananakop. #IWD2022
Rey Valmores-Salinas, Bahaghari: Sa ilalim ng anim na taon ng rehimeng Duterte, nakita natin kung gaano katindi ang diskriminasyon laban sa mga LGBT. #IWD2022 Image
Valmores-Salinas: Kinakailangang magkaisa ang mga kababaihan at ang mga LGBT upang bigwasin ang tambalang Marcos-Duterte upang matamasa na natin ang ating mga karapatan sa kabuhayan. #IWD2022
Kat-Kat, Save our Schools Network: Naging ligtas na espasyo para sa aming mga kababaihan at LGBT+ ang mga paaralang Lumad. Ngunit ang gobyerno pa mismo ang nagpapasara sa aming mga paaralan. #IWD2022 Image
Kat-kat: Pilit nila [gobyerno] kaming ibinabaon sa lupa. Ang hindi nila alam, kami ay mga binhi na sisibol at magtatagumpay. Kaming mga kabataang Lumad ay patuloy na makikibaka upang isulong at ipaglaban ang aming mga karapatan. #IWD2022
Liza Maza, International League of Peoples' Struggle: Ngayong araw tayo'y nagkakaisa upang ipaglalaban ang ating mga adhikain para sa pantay na mga karapatan, kalayaan at demokrasya. #IWD2022 Image
Maza: Noong panahon ng rehimeng Marcos, tinanggalan ng boses ang mga kababaihan. Ngayon namang panahon ni Dutete, ipinasa ang Anti-Terror Law upang pakiputin ang mga demokratikong espasyo upang mamayani ang interes ng militar at ng mga malalaking negosyante. #IWD2022
Maza: Ang GABRIELA ay naging isang makapangyarihang puwersa upang patalsikin ang mga mapang-abusong rehimen noon. Kaya naman ngayong eleksyon, muli nating isigaw ang ating panawagang huwag nang pabalikin ang tambalang Marcos-Duterte! #IWD2022
Arlene Brosas, @GabrielaWomenPL: Dalawang dekada na tayong nanunungkulan sa Kongreso at lumalahok sa mga kilusan dito sa lansangan. Tayo'y patuloy na lumaban sa mga panukalang anti-mamamayan at anti-mahirap. #IWD2022 Image
Brosas: Pinaglaban natin ang 10k ayuda, mga usapin sa reporma sa lupa at national minimum wage. Kahapon din ay nagtagumpay tayo sa pagpasa ng End Child Rape Act. Hindi tayo mangingimi na ipagpatuloy ang ating laban upang wakasan ang mapang-abusong rehimen. #IWD2022
Naghatid ng mensahe si Sen. Leila de Lima sa paggunita ng International Women's Day: Sa gitna ng pinakamatinding krisis, ang puwersa ng mga kababaihan ay hindi matitinag. Patuloy tayong maninindigan upang ibalik ang hustisya sa ating bayan. #IWD2022 Image
Atty. Neri Colmenares: Patuloy tayong lumalaban upang iwaksi natin ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan. #IWD2022 Image
Giit ni Colmenares, mahalaga ang papel ng pagkakaroon ng independent na foreign policy upang labanan ang karapatan ng mga kababaihan. Hinikayat din niya ang mga botante na tignan muna ang track record ng mga kandidato sa pagsulong ng mga programa para sa mga kababaihan. #IWD2022
Colmenares: Siguraduhin ngayong halalan na ang susunod na presidente ay babae. #IWD2022
Naghatid ng mensahe si Sen. Risa Hontiveros: Bilang isang women's rights advocate, patuloy natin isusulong ang mga batas upang protektahan ang mga kababaihan laban sa pang-aabuso. #IWD2022 Image
Ipinakita ni Amber Quiban, ang national covener ng LGBTQ+ for Leni and Kiko, ang national LGBTQ+ agenda na pinirmahan nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan noong Pebrero: Ito ang tinig ng bawat LGBTQ+ na Pilipino na nagrehistro ng boses nila. #IWD2022 Image
Quiban: Kapag mayroon tayong mga lider na handang makinig sa atin, sana ay buong puso natin silang suportahan upang maisulong ang ating mga adhikain. #IWD2022
Jandeil Roperos, @KabataanPL: Ang neoliberal na edukasyon ang patuloy na nagpapahirap sa ating mga kabataan at kababaihan. #IWD2022 Image
Roperos: Ang anti-demokratikong edukasyon ang nagluwal sa mga katulad ni Lorraine Badoy na nangre-red tag sa mga estudyante, mga babae at mga progresibong grupo. #IWD2022
Anna Patricia Non: Malala ang mga harassment at threat laban sa mga babae lalo na't dahil sa kabastusan ni Duterte sa mga babae. #IWD2022 Image
Non: Na-survive ko yung mga panahong nire-red tag ako ng estado kasi alam ko na kasama ko ang mga kababaihan na lumalaban sa mga atake at pang-aabuso laban sa atin. #IWD2022
Naghatid din ng mensahe ng suporta si Sen. Kiko Pangilinan ngayong araw ng mga kababaihan. #IWD2022 Image
Ipinahayag ni Vice President Leni Robredo ang kanyang suporta para sa mga programang nagsusulong sa mga karapatan ng kababaihan: Pangunahan nating mga kababaihan na itaguyod ang kaunlaran ng ating bayan. #IWD2022 Image
Pormal nang winawakasan ang programa ngayong pandaigdigang araw ng kababaihang anakpawis sa pamamagitan ng pagsayaw sa "One Billion Rising."

#IWD2022

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Philippine Collegian

Philippine Collegian Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @phkule

Mar 11
NOW: Save Our Schools Network (@savelumadschool) reports the initial findings of an autopsy conducted on the remains of Lumad school teacher, Chad Booc.

Watch live here: facebook.com/altermidya/vid…

#JusticeForNewBataan5
Booc was among the five civilians killed by the military last February 24 in New Bataan, Davao de Oro. Booc was laid to rest in Cebu last March 9.

#JusticeForNewBataan5

phkule.org/article/480/gr…
Dr. Raquel Fortun (@Doc4Dead): I can confirm that I was able to autopsy the embalmed remains of Booc last Monday in Mandaue City, Cebu. I had no access to the other victims, and the death was caused by massive blood loss due to assault by firearms charged.

#JusticeForNewBataan5 Image
Read 17 tweets
Mar 8
Isinalaysay ni Shirley Pascual, miyembro ng organisasyong Desaparecidos, na ang kanilang kanilang agenda ngayong eleksyon ay itigil na ang pandudukot, panggigipit, at pangto-tortyur sa mga organisador at mga lumalaban para sa karapatan—mapababae man o lalaki. #IWD2022 Image
Naging miyembro si Shirley ng Desaparecidos nang dukutin ang kanyang asawang si Roberto Pascual Sr., taong 1988 sa ilalim ng administrasyong Aquino. #IWD2022
Aniya, mula sa mga nagdaang pangulo hanggang sa kasalukuyan, laganap na ang pandudukot at pang-aabuso, kaya ang panawagan nila ay huwag nang pahintulutan pa ang pag-upo ng tambalang Marcos-Duterte sa pamahalaan. #IWD2022 #NoToMarcosDuterte2022
Read 9 tweets
Apr 14, 2020
BREAKING: The President's Advisory Council recommends to end the semester on April 30, giving students a deferred grade. "None of the students will fail should they meet the requirements," the document read. The deadline of completion is until May 31, 2021.
Students who enrolled in prerequisite courses are also allowed to proceed to higher level courses, provided that the offering unit provides a bridging program in order to help the students cope.
Faculty members, departments, institutes, or colleges must also reach out to the students to inform them of any adjustments in the course syllabi and other completion requirements by May 1, 2020.
Read 5 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Don't want to be a Premium member but still want to support us?

Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal

Or Donate anonymously using crypto!

Ethereum

0xfe58350B80634f60Fa6Dc149a72b4DFbc17D341E copy

Bitcoin

3ATGMxNzCUFzxpMCHL5sWSt4DVtS8UqXpi copy

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(