Narito ang #Top5Balita sa araw na ito, March 12, 2022
• Sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte na sana'y ipagpatuloy ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang nasimulan nitong inisyatibo para tuldukan ang red tape sa pamahalaan.
• Sinabi ni Employers Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis, Jr. na sang-ayon sila sa pag-review ng minimum wage ng mga empleyado sa bansa lalo na ngayon na tumataas ang presyo ng ilang bilihin at ng produktong petrolyo.
• Ipinaliwanag ni CHED Chairperson Prospero De Vera III kung paano matitiyak na ligtas para sa mga estudyante ang face-to-face classes sa higher educational institutions sa ilalim ng Alert Level 1.
• Nanindigan si vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte na hindi parte ng kaniyang kampanya ang pagsali sa debates. #BilangPilipino2022
Idiniin ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal na labag sa Konstitusyon ang pagbabawal ni COMELEC Commisisoner Marlon S. Casquejo sa mga watchers ni presidential candidate Vice Pres. Leni Robredo na obserbahan ang pag-iimprenta ng opisyal na balotang gagamitin sa 2022.
Ayon sa ipinadalang sulat ni Casquejo, mayroon aniyang "critical areas" sa National Printing Office na hindi maaring puntahan dahil sa security reasons.
"With more reason that we should have been advised of such “critical areas” and how it would affect the security in the printing of official ballots and other election documents," giit ni Macalintal.
• Inilahad ni world no. 5 at Pinoy pole vaulter EJ Obiena na hindi inaprubahan ng PATAFA ang hiling niya para maging kinatawan ng Pilipinas sa World Championships sa Serbia.
"WE WERE ABSOLUTELY HEARTBROKEN BY THE ALMOST VIOLENT REACTION OF THE PRESIDENT."
Inamin ni Sen. Imee Marcos na nasaktan ang kaniyang pamilya sa mga naging tirada sa kanila ni Pres. Duterte. Giit naman ng senadora, hindi sila ang kalaban at matagal na silang kaalyado ng Pangulo.
"We’ve been allies, we’ve been supporters and it goes way back. The President’s father was a distinguished member of my father’s first Cabinet."
"We have been very, very grateful for the President for the many, many blessings he has brought upon not only in Ilocos Norte but in the entire Philippines."
Narito ang #Top5Balita sa araw na ito, November 29, 2021
• Umarangkada na ang unang araw ng nationwide vaccination drive ng pamahalaan kontra #COVID19. #BayanihanBakunahan
WATCH: ,
• Mahigit isang taon nang magsimula ang COVID-19 pandemic, tila nadala na ang Pilipinas at gumagawa na ng mga hakbang para maiwasan ang isa na namang posibleng surge ng kaso sa bansa.
WATCH:
• Nagkasundo na ang mga alkalde sa National Capital Region na ibalik ang number coding scheme sa siyudad pero exempted pa rin ang mga pampublikong sasakyan.
Narito ang #Top5Balita sa araw na ito, November 28, 2021
• Sinabi ni Dr. Guido David ng Octa Research group na kapag nagpatuloy ang ganitong trend ng #COVID19 cases sa bansa ay posibleng bumaba pa sa 500 ang maitalang kaso ng infections.