The Official Twitter account of News5 📲FB/IG/YT/TikTok: @News5Everywhere 📧: News5Aksyon@news5.com.ph
Mar 15, 2022 • 5 tweets • 1 min read
Idiniin ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal na labag sa Konstitusyon ang pagbabawal ni COMELEC Commisisoner Marlon S. Casquejo sa mga watchers ni presidential candidate Vice Pres. Leni Robredo na obserbahan ang pag-iimprenta ng opisyal na balotang gagamitin sa 2022.
Ayon sa ipinadalang sulat ni Casquejo, mayroon aniyang "critical areas" sa National Printing Office na hindi maaring puntahan dahil sa security reasons.
Mar 14, 2022 • 5 tweets • 3 min read
Narito ang #Top5Balita sa araw na ito, March 14, 2022
• Higit P13 ang pinakamalaking dagdag-singil sa mga produktong petrolyo na epektibo na sa March 15.
WATCH:
• Pinagpapaliwanag ng DFA si Chinese Amb. Huang Xilian dahil sa iligal na pagpasok ng kanilang barko sa Sulu Sea.
WATCH:
Mar 13, 2022 • 5 tweets • 2 min read
Narito ang #Top5Balita sa araw na ito, March 13, 2022
• As of 1:25 p.m. si Bongbong Marcos na lang ang walang written at verbal commitment na dumalo sa PiliPinas Debate ng COMELEC.
FULL POST: bit.ly/34DTiLB
• Para kay Pres. Rodrigo Duterte, magiging mainam para sa bansa kung ang susunod na mauupo bilang pangulo ay abugado.
Narito ang #Top5Balita sa araw na ito, March 12, 2022
• Sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte na sana'y ipagpatuloy ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang nasimulan nitong inisyatibo para tuldukan ang red tape sa pamahalaan.
FULL POST: bit.ly/3t4pPnc
• Sinabi ni Employers Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis, Jr. na sang-ayon sila sa pag-review ng minimum wage ng mga empleyado sa bansa lalo na ngayon na tumataas ang presyo ng ilang bilihin at ng produktong petrolyo.
"WE WERE ABSOLUTELY HEARTBROKEN BY THE ALMOST VIOLENT REACTION OF THE PRESIDENT."
Inamin ni Sen. Imee Marcos na nasaktan ang kaniyang pamilya sa mga naging tirada sa kanila ni Pres. Duterte. Giit naman ng senadora, hindi sila ang kalaban at matagal na silang kaalyado ng Pangulo.
"We’ve been allies, we’ve been supporters and it goes way back. The President’s father was a distinguished member of my father’s first Cabinet."
Nov 29, 2021 • 5 tweets • 3 min read
Narito ang #Top5Balita sa araw na ito, November 29, 2021
• Umarangkada na ang unang araw ng nationwide vaccination drive ng pamahalaan kontra #COVID19. #BayanihanBakunahan
WATCH: ,
• Mahigit isang taon nang magsimula ang COVID-19 pandemic, tila nadala na ang Pilipinas at gumagawa na ng mga hakbang para maiwasan ang isa na namang posibleng surge ng kaso sa bansa.
WATCH:
Nov 28, 2021 • 5 tweets • 3 min read
Narito ang #Top5Balita sa araw na ito, November 28, 2021
• Sinabi ni Dr. Guido David ng Octa Research group na kapag nagpatuloy ang ganitong trend ng #COVID19 cases sa bansa ay posibleng bumaba pa sa 500 ang maitalang kaso ng infections.
FULL POST: bit.ly/3d2cdQx
• Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., gagamiting booster shots ang karagdagang bakunang bibilhin ng pamahalaan.
Binati ni NTF-ELCAC Spokesperson Lorraine Badoy si Vice Pres. Leni Robredo dahil sa itinuturing niyang pagputol ng pangalawang pangulo sa koneksyon niya sa "communist terrorists."
RELATED POST: bit.ly/3CZsaSc
"In the event that you win, as sure as night follows day, they will do to you what they have done to each and every Philippine President since the Marcos presidency:"
Nov 28, 2021 • 4 tweets • 1 min read
Iginiit ni presidential aspirant Vice Pres. Leni Robredo na suportado niya ang mandato ng NTF-ELCAC. Inihayag niya ito sa ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines kasabay ng kaniyang security briefing. #BilangPilipino2022
Dagdag pa ni Robredo, nagiging hindi lang maganda ang pananaw ng iba sa anti-insurgency campaign dahil sa "careless" na pahayag ng ilan nitong miyembro.