Ang Sermon
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at Tagalog.
Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.
Ang Panghugos
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Malayang Kaisipan
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya.
Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayroong kaaway.
Ang Pananghalian
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra.
Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi.
Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria.
Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa ama niya
Ang Unang Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng.
Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.
Ang Kapitan-Heneral
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso.
Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral.
Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan.
Ang Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol.
Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan.
Si Donya Consolacion
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa.
Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.
Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan.
Tapos na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito.
Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon.
Ang kanyang panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara.
Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
Ang Mag-asawang De Espadaña
Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at
Mga Balak o Panukala
Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay anaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos.
Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabho at mapapangasawa.
Ayon kay Damaso madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si Tiyago.
Pagsusuri sa Budhi
Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga.
Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo.
Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.
Ang mga Pinag-uusig
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari,
Ang Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. no ay naiinggit sa mga pumupusta.
Ang Dalawang Senyora
Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga Indio.
Ang Talinhaga
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi.
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata.
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga sawimpalad. May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.
Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya.
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan.
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan.
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya.
Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel.
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan.
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob.
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka.
Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan.
Ikakasal na si Maria Clara
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan.
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong.
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang dyaryo.
Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan.
Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob.
God Bless.😊