Mahalaga sa isang demokrasya ang kalayaang magpahayag. Magkaugnay ang FREEDOM OF THE PRESS at ang ating FREEDOM OF SPEECH bilang bahagi ng demokratikong lipunan. Pagtapak sa mga kalayaang ito ang ginawa nila kay Maria Ressa.
Sinulat ang sinasabi nilang libelous na artikulo sa Rappler bago pa man maging krimen ang cyber libel sa ilalim ng Cybercrime Law. Kung nagawa nila ito sa isang batas, maaari na rin nilang gawin ito sa iba.