NOW: Palace Briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque
Pres. Spox. Roque: Sinabi ng Pangulo na tinitingnan niya ang posibilidad na gawing libre ang Beep card. Nilinaw ni Presidente na tanging ang card hindi ang pamasahe ang may posibilidad na free of charge.
Pres. Spox. Roque: Sinabi din ni Presidente na ang pondo na nakalaan para sa COVID-19 response was spent wisely according to rules.
Pres. Spox. Roque: Ipinag-utos din ng Pangulo na sirain lahat ng nakumpiskang shabu at tinatagong shabu bilang ebidensya sa mga akusadong drug personalities.
Pres. Spox. Roque: Nagbigay ang Presidente ng isang linggong taning sa bagay na ito.
Pres. Spox. Roque: Mayroong 1,171 na naaprubahan na [telco towers]
Pres. Spox. Roque: Sa pamamagitan ng RA 11494, palalakasin natin ang ating nagawa na at ating kakayahan para ipatupad ang mga proyekto "to reduce adverse impact of COVID-19"
LOOK: Salient points of report on implementation of RA No. 11494 (1/2)
LOOK: Salient points of report on implementation of RA No. 11494 (2/2)
Pres. Spox. Roque: As of Oct. 2, 2020 ay mayroong USD 9.91 billion ang na-secure ng DOF na loans at private grants sa laban kontra coronavirus.
Pres. Spox. Roque: Mayroon na po tayong na-test na halos apat na milyon na po. The number now is 3,675,938 ang na-test natin sa 107 licensed RT-PCR laboratories at 33 GeneXpert laboratories.
DepEd Sec. Briones: Kami sa DepEd ay talagang natutuwa sa success ng opening natin pero hindi lamang ito dahil sa grabeng pagtrabaho ng DepEd pero dahil sa support ng buong sambayanang Pilipino.
DepEd Sec. Briones: Ito ay isang national endeavor.
DepEd Sec. Briones: Ang question dito kasi ay ready na ba tayo? Ang sagot ko riyan si Lapu-Lapu hindi naman nagtanong kung ready na siya lumaban kay Magellan. 'Yung ating mga rebolusyonaryo ay hindi nag-aksaya ng panahon kung ready na ba sila para ipagpatuloy ang rebolusyon.
DepEd Sec. Briones: Ang target natin ay 22.2 million pero ang ating enrollees ngayon ay 24,756,286.
DepEd Sec. Briones: Ang malaking pagbaba ng enrollment ay nasa private sector, at sa ating ALS.
DA Sec. Dar: 'Yung pag-aaral ng PHILRICE using 'yung prism ay halos nandoon sa presyo ng P18-P19 ang palay doon sa mga major rice producing provinces
DA Sec. Dar: We only have about 86% rice sufficiency level. With rice tariffication law ay mayroon nang nakapasok na 2 million metric tons ng rice.
DA Sec. Dar: Kinausap natin ang mga nag-i-import ng bigas na huwag munang magparating ng bigas nitong major harvest season of the year which is now October and November
DA Sec. Dar: They (NFA) have Php 10 billion to buy palay. They have now bought 2 million bags of palay.
DA Sec. Dar: We are requesting mga rice farmers na kung pwede ay ibenta nila ang mga palay produce nila sa NFA meanwhile.
DA Sec. Dar: Nakikiusap rin tayo sa mga traders na huwag naman samantalahin itong panahon na ito. Malulugi ang mga rice farmers. Dapat mayroon kayong patriotism din.
Pres. Spox. Roque on IBC 13 Workers' Union: Kung hindi po kayo satisfied sa naging response ng PCOO, sumulat po kayo sa tanggapan ng Presidente at ipaparating ko po iyan kay USec. Quitain.
Pres. Spox. Roque: Buo ang tiwala ni Presidente kay Sec. Duque at paulit-ulit po niya iyang sinasabi. Ganunpaman, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng ahensya ng gobyerno kasama ang Task Force PhilHealth.
Pres. Spox. Roque: Humingi po ng permiso si Cong. Lord Allan Velasco na tumakbo bilang speaker at ang sagot po ng Presidente "Karapatan mo 'yan sang-ayon sa kasunduan ninyo kay Speaker Alan Cayetano."
Pres. Spox. Roque: Ang alam ko po si Cong. Allan Velasco ang humingi ng meeting at napagbigyan po siya kagabi.
DepEd Sec. Briones: Ang nakikita namin na continuing challenge is connectivity.
Pres. Spox. Roque: Hiningan po namin ng panig ang DOH at sinagot naman po kami ni USec. Vergeire.
Pres. Spox. Roque: At sang-ayon po sakanya ang expired na gamot daw na hawak ng DOH ay umaabot lamang sa P13B bagamat mayroon silang mga P1.2B na overstock, slow moving or idle pero hindi pa po expired and mayroon silang around P1.2B na near expiry.
Pres. Spox. Roque: So ang mandato po ng Presidente sa DOH lalong-lalo na sa mag-e-expire na ay paki distribute na po para hindi masayang at 'yung mga overstock and slow moving naman po ay ilabas na sa ating warehouse para magamit ng ating taumbayan.
Pres. Spox. Roque on Beep: Nililinaw natin na iyong pagsingil ng Php 80.00 para sa Beep card, iyang halagang iyan ay pinagkasunduan ng mga bus operators at ng provider.
Pres. Spox. Roque: Hintayin muna natin kung anong hakbang ang gagawin ng DOTr, lalo na ang LTFRB para ipatupad ang sinabi ni Presidente na kung pwede ay humanap na tayo ng pondo at government ang bibili para ipamigay sa mananakay natin.
Pres. Spox. Roque: Right now ang overall assessment ni Presidente, full trust and confidence still with Sec. Duque. Pero as a lawyer, he is also open-minded to the fact na mayroon siyang binuong task force
DA Sec. Dar: Mayroon pang mga provincial government units na bumibili rin at 'yun po ay tulong-tulong sila with NFA. Mayroon ding mga farmers federations na bumibili.
DA Sec. Dar: Ganoon din ang malalaking kooperatiba ng magsasaka and I am encouraging also multi-national companies to buy rice for their employees from farmers' cooperatives and associations.
Pres. Spox. Roque: Inaasahan po nating temporary 'yan dahil sa lockdowns. Kagabi po nagkaroon ng presentation si NEDA Acting Sec. Karl Chua para nga po ipakita ang epekto ng pandemya sa ating mga mamamayan. Tumaas po talaga ang pagkagutom, malnourishment po ng kabataan.
Pres. Spox. Roque: At ito po ang dahilan niya kung bakit hinikayat niya ang gobyerno na buksan pa lalo ang ating ekonomiya at importante na bigyang katugunan ang kawalan ng transportasyon.
Pres. Spox. Roque: Hindi po. In fact, kakakonsulta ko lang po kay CA Raul Villanueva at ang sabi po niya ay nagkaroon na nga ng direktiba ang kataas-taasang hukuman na dapat i-destroy na ang mga kumpiskadong droga as soon as it is inventoried.
Pres. Spox. Roque: So hindi na po kailangan itago 'yan para mapresenta bilang ebidensya dahil ang inventory report na lang ang gagamiting ebidensya. So nagkakaisa po ang hudikatura at ang ating Presidente sa layunin na sirain ang ipinagbabawal na droga at baka maibenta pa ito.
Pres. Spox. Roque: Huwag po kayong mag-alala ang pagsisira ng drogang 'yan ay gagawin ng ehekutibo at hudikatura.
Pres. Spox. Roque: Alam niyo kasi ang mga pulitiko ay may mga sasabihin 'yan because they know patok. Pero mayroon din silang mga sinasabi na alam nila na pawang katotohanan.
Pres. Spox. Roque: Bagamat ang Presidente ay makulay sa kaniyang pananalita, it is actually to generate attention and discussion, lalong-lalo na pagdating sa kaniyang pet issue na anti-drugs campaign.
DepEd Sec. Briones: We are not claiming success of blended learning which is a learning modality older than I am where various techniques are utilized
DepEd Sec. Briones: Right now we are monitoring what is happening, pero iba iyong assessment.
DepEd Sec. Briones: We have been pointing out that drop in enrollment of those 3M students could be directly correlated also with the state of the economy and employment because the drop in enrollment is in the private sector.
DepEd Sec. Briones: We believe that as the economy has gradually opened up there will be more jobs. Parents will be able to send their children.
DepEd Sec. Briones: Pangalawa, we are allowing even before the pandemic we have a policy of late enrollment. So they can enroll up to November kasi they can still cover 80% of the curricular requirements by that period
DepEd Sec. Briones: So kapag mag-improve ang economy, mag-improve ang enrollment. Mag-improve ang income and also the children will be able to go back to schools lalo na sa private schools.
DepEd Sec. Briones: The opening has been a success and we deal with the problems as they occur on a day-to-day basis. We are aware of what's happening in the country because of our communications system and if there are difficulties, we resolve them immediately.
DepEd Sec. Briones: Right now, hindi masyado ang pressure sa facilities kasi wala namang physical, wala namang face-to-face na klase. Ito ngayon ang pinaghahandaan.
DA Sec. Dar: Dito sa last 3 months of the year, mayroon pong additional funding na galing Bayanihan 2 which is complementing the regular programs natin sa DA.
DA Sec. Dar: We have to increase the food sufficiency levels for all the commodity industries that we have.
DA Sec. Dar: We need to continuously link the producers to the consuming public.
DA Sec. Dar: Pangatlo ay iyong social protection of our farmers and fisherfolk. So mayroon tayong ibibigay na cash and food assistance na we have allocated Php 4 billion out of the Bayanihan 2.
Pres. Spox. Roque: Kumpiyansa pa po si Presidente kay Sec. Duque dahil wala pa siyang nakikitang matibay na ebidensya.
Pres. Spox. Roque: It's the constitution that guarantees free speech not the President.
DepEd Sec. Briones: Tuloy dahil nasa batas 'yan at saka ang mga benefits. We spent P32B a month for the benefits and salaries of teachers at kung 1 year 'yan that's P395B. Tuloy 'yan dahil that's provided by law.
DA Sec. Dar on mandating DSWD to purchase rice from NFA: Suportado po ako riyan basta gusto ng DSWD na magamit iyong Php 32 billion na rice subsidy para sa 4Ps.
DA Sec. Dar: Para instead na cash ang ibibigay sa 4Ps ay ibigay muna sa NFA iyong Php 32 billion every year, para mas maraming mapabili ang NFA at mas ma-stabilize ang palay prices.
DepEd Sec. Briones: 'Yung mga requests na tigilan ang pagbukas ng eskwelahan ang ginagamit ay ang argument na Coronavirus. Ang sagot namin ay hindi naman lalabas ang teachers natin.
DepEd Sec. Briones: Pero sa aming paningin ay hindi na makahintay ang mga bata. Maski dalawang buwan lang ng learning makakalimutan na niya ang naturo sa kaniya.
DA Sec. Dar: Kinakausap natin iyong mga gustong mag-import kasi under the Rice Tariffication Law ay talagang it's a free trade na 'yan. So out of patriotism, iyon na lang ang ginagamit naming dahilan na nakikiusap sa lahat ng traders na nag-i-import.
DA Sec. Dar: Today 2 million metric tons have already arrived, and maybe another 1 quarter ay nasa additionally 200,000 to 300,000 may yet arrive.
DA Sec. Dar: If that is the case, by the end of this year and with the harvest that we have locally plus the imports that we have, we will have a very rice-secure country.
DepEd Sec. Briones: Hindi naman totoo na walang ginagawa ang mga teachers. Totoo na walang school for several months pero nag-undergo sila ng training
Pres. Spox. Roque: Sang-ayon po kami kay Sec. Briones na hindi totoong walang ginagawa ang mga guro. Nagpapasalamat n po kami sa mga guro dahil ang tagumpay ng blended learning ay nakasalalay din sa kanila.
Pres. Spox. Roque: Ang gyms at fitness studios po ay 30% sa GCQ, 50% sa MGCQ. No group work outs like Zumba.
Pres. Spox. Roque: Nagagalak po ang Palasyo at hindi po masyadong tumaas ang presyo ng bilihin and we're thankful for that.
Pres. Spox. Roque: Ang ginagamit po natin na criteria sa joblessness ay 'yung walang trabaho, naghahanap ng trabaho, at available po para magtrabaho.
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
PRRD: With the present impasse ngayon sa Kongreso, napipilitan po ako.
PRRD: Ang kwento ko lang naman simple lang. Tayo nagpahalal sa tao kasi gusto natin magsilbi sa ating bayan. 'Yung iba naniniwala sa hangarin natin, 'yung iba naman the ever cynic, sabi nila gusto lang natin pera.
NOW: Palace Briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque
Pres. Spox. Roque on passing of the budget: Ang sinabi po natin ay mataas ang kumpiyansa ng Palasyo na may sapat pang panahon para matapos ang deliberation kaya walang dahilan na ito po ay ma-delay.
Pres. Spox. Roque cites Tolentino vs. Secretary of Finance case: Kinakailangan lamang na maunang mag-file ng revenue or appropriation bill sa mababang kapulungan. Ibig sabihin, hindi iyong batas ang dapat maipasa ng Kamara, kung hindi iyong bill lang.
PCHRD Exec. Dir. Montoya: Base po sa plano na inilatag ng WHO at batay din po sa ating projection, the earliest na magkakaroon tayo ng supply ng bakuna ay some time on the 2nd quarter next year
PCHRD Exec. Dir. Montoya: Ikinukonsidera natin dito ang COVAX facility na organized ng WHO para maka-access tayo ng at least 20% of our demand for vaccines.
CSC Comm. Lizada on administrative sanctions against corrupt PhilHealth officials: It depends sa gravity ng offense.
CSC Comm. Lizada: Ang pinakagrabe pong pwedeng mangyari sa kanila together with the accessory penalties aside from madi-dismiss sila sa serbisyo ay may tinatawag po tayong accessory penalties