PAANO DAPAT MAG-SERVE NG SEARCH WARRANT ANG PULIS SA BAHAY?

1) Syempre una, meron dapat silang search warrant (SW) na pirmado ng isang judge. Dapat kumpleto at tama ang address, at partikular ang mga bagay na hinahanap.
2) Kailangang magpakilala ang pulis at ipaalam kung bakit sila nandun. Kung hindi sila sinagot o pinagbuksan ng nasa loob saka lang sila pwedeng manira ng pintuan, bintana o anuman. Ulit: kailangan alam ng nasa loob ng bahay na pulis ang dumating (unipormado) at ano ang pakay.
3) Kaagad dapat isagawa ang search o paghahanap sa mga bagay na nakasulat sa SW. Kailangang may witness sa search; primarya, yung may-ari o nakatira sa bahay, o kaya kapamilya. Kung wala, dapat magtawag ng dalawang taga-doon sa lugar "of sufficient age and discretion".
Malimit ipapatawag ng pulis ang barangay. Sa drugs cases kasi, required ang barangay, media, DOJ (alinman sa dalawa). Tawag sa kanila “insulating witnesses”.

4) Dapat maayos ang documentation sa search. Kailangang gumawa ng detalyadong imbentaryo/resibo nakuha sa lugar.
Kung hindi ito maiaabot sa may-ari/nakatira ay iiwan dapat yung papel sa lugar kung saan natagpuan at kinuha yung kontrabando.

5) Kung kontrabando - firearms na walang lisensya, explosives, o droga - maaring hulihin yung taong may hawak sa bagay o kontrol ng lugar kung saan...
... nakuha. May special laws kasi tungkol sa illegal possession ng mga ito.

Labas dito, at kung hindi mahuli sa akto ng paggawa ng krimen, pwede lang kunin ang gamit, na gagawing ebidensya sa kasong isasampa. Saka lang pag nasa korte na yung kaso maaring ma-isyuhan ng ...
... warrant of arrest yung taong may hawak o kontrol nung bagay nung nag-search.

SA ARESTADO: Kailangang ipaalam sa tao kung bakit inaaresto, basahan ng Miranda rights. Magkaibang proseso/operation ang search atsaka ang arrest.
7) Magre-report ang pulis sa judge na nag-isyu ng warrant.

PAANO KUNG...

...WALANG SEARCH WARRANT: Mananagot ang pulis sa violation of domicile, na krimen ayon sa RPC Article 128,
...MAY SW PERO MAY PAGMAMALABIS: Krimen ito ayon sa RPC Article 129.
...KINUHA YUNG GAMIT NA WALA SA SW: Maaring panagutin sa RPC Article 129; maari ring kasuhan ng pagnanakaw depende sa sirkumstansya.
...SEARCH WALANG WITNESS: Krimen ayon sa RPC Article 130.
...WALA/DI MAAYOS YUNG RETURN SA KORTE: Maaring ma-contempt of court.

#StopTheAttacks

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Kristina Conti

Kristina Conti Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @chronikrissys

1 May
THREAD: PAANO KUNG PULIS ANG PASAWAY? Huwag mag-panic! Ilang paalala kapag may taong hinuli.

Kung ikaw ang hinuhuli -
1) Alamin kung bakit ka inaaresto. Itanong ang ispesipikong batas na nilabag; hindi pwedeng "ah, basta yung Bayanihan to Heal as One Act."
2) Kilalanin kung sino ang umaaresto sa iyo - pangalan, ranggo, unit o team, assignment (baka naka-patrol lang), superior officer.
3) Bantayang mabuti kung susundin ang arrest protocol. Maganda kung pamilyar ka sa tamang paraan ng pag-aresto (kung TV lang batayan mo...
...mali yung paraan ng pag-aresto kay Gen. Delfin Borja, yung lolo ni Cardo Dalisay; dapat sinabi sa kanya una kung bakit sya inaaresto/ano ang kaso, bago pa yung Miranda Rights). Pero kung hindi mo sigurado, punahin ang bawat gagawin ng pulis. Tandaan ang sequence of events.
Read 11 tweets
22 Mar
What's the difference between the declaration of a state of public health emergency and a state of emergency?

These declarations of a status or condition is given to the executive, just to reflect what's happening. Ano nga ba ang nangyayari?
The Secretary of Health declared a public health emergency because there was an epidemic that threatened lives. The president now wants to declare a state of emergency, which is more sweeping than just a health emergency.
Now, the declaration is only the first step towards constitutional authorization for the exercise by the president, Congress or the State of extraordinary powers and prerogatives. Ano nga ba ang pwedeng gawin ng gobyerno?
Read 9 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!